wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Quarter 3 : Week 2 Heograpiya ng Sariling Rehiyon

Total questions: 10

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pangmatagalang kalagayan ng atmospera o hangin na nakapaligid sa daigdig na nararanasan sa isang partikular na lugar o rehiyon?

a)

global warming       

b)

greenhouse effect

c)

klima

d)

panahon

2.

Saang lungsod sa Kalakhang Maynila matatagpuan ang anyong lupang Lambak?

a)

Caloocan      

b)

Makati

c)

Marikina

d)

Navotas

3.

Bakit kailangang malaman ang klima sa isang partikular na panahon?

a)

Upang malaman kung tayo ay kalian matutulog at magigising.

b)

Upang malaman kung saang lugar tayo dapat pumunta o magtungo kapag nababagot. 

c)

Upang malaman ang mga paghahanda na dapat gawin kabilang ang damit na isusuot at ang pagkaing ihahanda.

d)

Wala sa nabanggit

4.

Ano ang siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig?

a)

Astronomiya

b)

Heograpiya

c)

Matematika

d)

Sosyolohiya

5.

Paano nagpasalin-salin ang kultura ng ating bansa? Piliin ang pinakatamang sagot.

a)

Naipasa-pasa ito sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa telepono.          

b)

Nagpasalin-salin ito dahil sa pagppasyal ng mga mamamayan sa iba’t ibang lugar.

c)

Nagpasalin-salin ito dahil sa iba’t ibang aspekto tulad ng tradisyon, kaugalian, paniniwala, pagpapahalaga, wika, at batas nakagawian na ng mga tao.

d)

Wala sa nabanggit

6.

Ilang klima ang nararanasan sa bansang Pilipinas?

a)

Isa

b)

Dalawa

c)

Tatlo

d)

Apat

7.

Paano nakatutulong ang wika sa ating araw-araw na pamumuhay?

a)

Ang Wika ay ginagamit para sa pakikipagtalastasan.

b)

Ang Wika ang nagsisilbing tulay upang magkaunawaan ang bawat isa

c)

Ang Wika ay ginagamit sa pagpapahayag ng mga nararamdaman, opinyon, haka-haka at iba pa.

d)

Lahat ng nabanggit

8.

Ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga taong naninirahan malapit sa baybaying dagat?

a)

Paggawa ng asin at Pangingisda

b)

Paghahabi

c)

Paglililok

d)

Pagsasaka

9.

Kailan natin nararanasan ang panahon ng Tag-ulan o La Nina.

a)

Disyembre hanggang Pebrero

b)

Hunyo hanggang Nobyembre

c)

Marso hanggang Mayo

d)

Setyembre hanggang Nobyembre

10.

Kailan natin nararanasan ang panahon ng Tag-araw o El Nino.

a)

Disyembre hanggang Pebrero

b)

Hunyo hanggang Nobyembre

c)

Marso hanggang Mayo

d)

Setyembre hanggang Nobyembre