NEW
Font size
WorksheetsClass Creativity 2nd Quarter Exam in ESP 4
Total questions: 20
Worksheet time: 20mins
Ano ang maaari mong gagawin kapag nakita mo ang iyong kaklase na nanlilimos sa may
simbahan?
Hindi ko siya papansinin.
Maging masaya ako para sa kaniya.
Pagtatawanan at kukutyain ko siya.
Pupuntahan ko siya para bigyan ng pagkain.
Paano mo maipakikita ang pang-uunawa sa damdamin ng iyong kapwa?
Sa pamamagitan ng pag-iyak kasama sila
Sa pakikipag-usap sa kanila
Sa pagbibigay ng sariling kuwento sa kanila
Sa pakikinig at pagbibigay ng payo sa oras na may problema
May sakit ang iyong kalaro. Ano ang maaaring gawin upang siya ay mapanatiling mahinahon sa kaniyang nararamdaman?
Hindi ko na siya kakaibiganin dahil masakitin siya.
Pagsasabihan ko siya na kasalanan niya bakit siya nagkasakit.
Pupuntahan ko siya at yayain na maglaro kahit na siya ay maysakit.
Bibisitahin ko siya at bibigyan ng masasarap na prutas para lalong bumilis ang kaniyang paggaling.
Napakaraming bata ang nakatira sa ilalim ng tulay. Nakikita mo sila tuwing papasok ka sa paaralan. Ano ang iyong maitutulong sa kanila?
Ipagbibigay alam ko ang kanilang kalagayan sa mga kinauukulan o ahensiya ng pamahalaan.
Hindi ako dadaan sa tulay para hindi ko sila makita.
Ipagwalang-bahala ko ang kanilang kalagayan.
Pagtawanan ko ang kanilang kalagayan.
Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pag-unawa sa damdamin ng kapwa?
Batang masakitin na ayaw pasamahin sa isang grupo
Batang pilay na pinatid ng isang bata
Batang pinayuhan na magpakatatag sa dumarating na pagsubok sa buhay
Batang lampa na pinagtatawan ng mga kalaro
Humihingi ako ng tawad kapag ako’y nagkakamali.
Tama
Mali
Magaling ako kaya hindi ko na kailangan ang puna ng ibang tao sa akin.
Tama
Mali
Nagagalit ako kapag pinagsasabihan ako ng aking guro.
Tama
Mali
Pinapatawad ko ang aking mga kaklase kung nagkakasala sila sa akin.
Tama
Mali
Matagal ko ng alam na magaling akong gumuhit kaya hindi ko na pinapansin ang puna ng aking mga kaibigan.
Tama
Mali
Naabutan mong tinutukso ng iyong kaibigan ang nakababata mong kapatid at sinasabihang mataba. Ano ang sasabihin mo sa iyong kaibigan?
“Sige, tuksuhin mo pa siya.”
“Huwag mo siyang tuksuhin kaibigan, nakakasakit ka ng damdamin.”
“Hindi ako nagagalit. Eh, totoo namang mataba siya di ba?”
“Lakasan mo pa ang boses mo para mas masaya.”
Umiiyak ang iyong pinsan dahil sa sobra mong panunukso sa kaniya. Ano ang iyong gagawin?
Hihingi ako ng tawad sa kaniya at titigilan na ang panunukso.
Pagtatawanan ko na lang siya.
Pababayaan ko siyang umiyak hanggang marinig siya ng kaniyang nanay.
Aalis ako sa harap niya na parang walang nangyari.
Ano ang iyong gagawin kung nakakasakit ka ng damdamin ng iyong kapwa dahil sa pagbibiro?
Hihingi ako ng tawad.
Pababayaan ko na lang.
Tutuksuhin ko pa siya lalo.
Aalis ako at tatawa nang malakas.
Narinig mong binibiro ni Ondoy si Ester gamit ang hindi magagandang salita. Ano ang maaari mong gawin bilang kaibigan nila?
Sasali ako sa kanilang biruan hanggang umiyak si Ester.
Kakausapin ko si Ondoy nang mahinahon at sabihin na mali ang kaniyang ginawa.
Hahayaan ko silang mag-away at hindi na makikialam sa kanilang biruan.
Kakampihan ko si Ester at bibiruin din namin si Ondoy at sasabihan ng masasakit na salita.
Ano ang iyong maipapayo sa kaibigan mong gumagamit ng masasakit na salita sa pagbibiro?
Ipagpatuloy niya lang ito dahil nakakaaliw naman siya.
Kakausapin ko siya na kung maaari ba akong sumali sa pagbibiro niya.
Sasabihin ko sa kaniya na maganda itong gawain kaya lakasan niya pa ang pagpapatawa.
Papayuhan ko siya nang mahinahon na itigil niya na ito dahil nakakasakit siya ng damdamin sa kapwa.
Naghahanap ako ng sisisihin sa tuwing ako’y nagkakamali.
Tama
Mali
Tinatanggap ko ang aking pagkakamali at hinaharap ang bunga ng aking ginawa.
Tama
Mali
Dapat tayong magpatawad sa mga taong nagkasala sa atin.
Tama
Mali
Ang puna na ibinibigay sa atin ng iba ay makatutulong para tayo ay magpursigi sa ating buhay.
Tama
Mali
Ang patanggap ng sariling pagkakamali ay isang ugaling dapat taglayin ninuman.
Tama
Mali
