WorksheetsQ3-BUWANANG PAGSUSULIT FILILIPINO 3
Total questions: 60
Worksheet time: 45mins
Ibigay ang sanhi:
Ang isang bayani ay hinahangaan ___________________.
sapagkat ito ay handang tumulong sa mga inaapi.
kaya siya sikat, lalo na sa mga bata.
kung kaya marami ang umaasang darating siya.
kasi maganda ang kanilang pisikal na anyo.
Ibigay ang tamang pahayag gamit ang tamang hudyat ng sanhi at bunga.
"Umiiyak si Maya, at may ice cream sa lupa malapit sa kanyang paanan".
Umiiyak si Maya kaya naman napagsabihan siya ng nanay na maging maingat sa susunod.
Malakas ang iyak ni Maya tuloy nahulog ang kinakain niyang ice cream sa lupa.
Umiiyak na naman si Maya palibhasa iyakin siya mula pa pagkabata.
Umiyak si Maya dahil nabitawan niya ang kinakain niyang ice cream.
Ito ay nagsasabi ng dahilan.
sanhi
bunga
Ito ay nagsasabi ng resulta o epekto .
sanhi
bunga
Ito ay ginagamitan ng mga pang-ugnay na : kasi , dahil , pagkat , sapagkat.
sanhi
bunga
Madalas ginagamitan ng mga pang-ugnay na : nagresulta sa , bunga nito, tuloy, kaya , epekto nito.
sanhi
bunga
Alin dito ang HINDI kabilang na mga pang-ugnay sa SANHI ?
dahil
kaya
kasi
sapagkat
Alin dito ang HINDI kabilang na pang-ugnay sa BUNGA ?
kaya
bunga nito
tuloy
sapagkat
Nagkakaisa ang mga bata. Ano ang posibleng resulta nito ?
Napagalitan sila.
Nilalait sila ng iba.
Nagkikita lamang sa araw na iyon.
Masaya sa kanilang ginagawa.
Alin dito ang SANHI sa pangyayaring ito ?
Pinakanta sila ng guro .
Pinagluksong tinik sila ng guro.
Pinabura ng guro ang mga nakasulat sa pisara.
Nagkakaisa sila nang makauwi nang maaga.
Ang paglaki ng alon ay bunga ng pagputok ng bulkan sa ilalim ng tubig.
Ang nakadiing mga lipon ng mga salita ay nagsasabi ng ______________.
sanhi
bunga
Piliin kung SANHI o BUNGA ang may salungguhit.
Laging nakikinig si Tim sa klase kaya nagkaroon siya ng mataas na marka.
SANHI
BUNGA
Piliin kung SANHI o BUNGA ang may salulungguhit.
Masaya si Nanay dahil tinulungan ko siya.
SANHI
BUNGA
Piliin kung SANHI o BUNGA ang may salungguhit.
Umiiyak ang bata dahil may sugat siya.
SANHI
BUNGA
Tukuyin kung ang sumusunod na pangyayari ay nagsasaad ng sanhi o bunga.
Mabait na bata si Carlo.
Marami siyang mga kaibigan.
sanhi
bunga
Tukuyin kung ang sumusunod na pangyayari ay nagsasaad ng sanhi o bunga.
Hinuli sila ng mga pulis.
Hindi nagsuot ng facemask at faceshield ang mga pasahero.
sanhi
bunga
Tukuyin kung ang sumusunod na pangyayari ay nagsasaad ng sanhi o bunga.
Naglinis ng bahay ang mga anak ni Gng. Lourdes.
Natuwa siya at binilhan niya ng meryenda.
sanhi
bunga
Ano ang posibleng SANHI nito ?
Walang araw sa araw na ito .
Hilig lamang talaga niyang matanim.
Lumalaki na ang kanyang mga pananim.
Natutuyo na ang lupa ng kanyang halaman.
Dahil sa Quarantine marami ang nanumbalik ang pananampalataya sa Diyos. Dahil sa Quarantine ay...
Bunga
Sanhi
Humingi tayo ng tawad sa ating mga kasalanan at patatawarin tayo ng Diyos. Patatawarin tayo ng Diyos ay...
Sanhi
Bunga
Ito ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa mga pangngalan o panghalip.
pandiwa
pang-angkop
pang-uri
panghalip
Anong bahagi ng pananalita ang nakasalungguhit sa pangungusap?
Si nanay ay bumuli ng bag na malaki para kay Zi.
pangngalan
pandiwa
pang-uri
pang-abay
Ang guro ay malakas magsalita.
Pang-uri
Pang-abay
Ang ulan ay mahina na.
Pang-uri
Pang-abay
Mahinang kumilos ang matanda.
Pang-uri
Pang-abay
Matalas magsalita ang babae sa palengke.
Pang-uri
Pang-abay
Masamang magalit ang tatay ko.
Pang-uri
Pang-abay
Ang pritong manok ay masarap.
Pang-uri
Pang-abay
Si Hercules ay malakas.
Pang-uri
Pang-abay
Si Binibining Cecille ay magaling kumanta.
Pang-uri
Pang-abay
Anong uri ng pang-abay ang nagsasabi ng lugar kung saan nangyari ang kilos ng pandiwa?
Pamaraan
Pamanahon
Panlunan
Ang mga aklat ay maayos na ibinalik ng mga bata.
Piliin ang pang-abay.
aklat
ibinalik
maayos
bata
Madalas maglaro ng badminton sina Kylie at Myra.
Piliin ang pang-abay.
Madalas
badminton
maglaro
sina
Mahirap magtahi sa lugar na madilim.
Piliin ang pang-abay.
mahirap
lugar
magtahi
madilim
Ito ang sagot sa pang-abay na paano?
Pang-abay na pamanahon
Pang-abay na pamamaraan
Pang-abay panlunan
Tinutukoy nito kung KAILAN ginawa, ginagawa o gagawin ang kilos?
Pamaraan
Pamanahon
Panlunan
Tukuyin ang pang-abay sa pangungusap.
kahapon
Mang Ben
nagluto
Tukuyin ang pang-abay sa pangungusap.
Linda
ilalim ng puno
nagbabasa
Tukuyin ang pang-abay sa pangungusap.
tumakbo
mabilis
kabayo
Tukuyin ang pang-abay sa pangungusap.
malakas
bata
umiyak
Tukuyin ang pang-abay sa pangungusap.
nagpunta
sa palengke
Aling Martha
Tukuyin ang pang-abay sa pangungusap.
nagpunta
noong isang buwan
siya
Tukuyin ang pang-abay sa pangungusap.
kahapon
mag ama
namasyal
Tukuyin ang pang-abay sa pangungusap.
mabagal
maglakad
pagong
Tinutukoy nito kung SAAN ginawa, ginagawa o gagawin ang kilos?
Pamaraan
Pamanahon
Panlunan
Tukuyin ang uri ng pang-abay na may salungguhit sa pangungusap.
Maingat na nagmamaneho ang tsuper sa kalsada.
pamanahon
pamaraan
panlunan
Tukuyin ang uri ng pang-abay na may salungguhit sa pangungusap.
Ang kompetisyon ay mag-uumpisa nang alas-singko ng umaga.
pamanahon
pamaraan
panlunan
Tukuyin ang uri ng pang-abay na may salungguhit sa pangungusap.
Ang pulubi ay mabilis na nagpasalamat sa babaeng nagbigay sa kanya ng pagkain.
pamanahon
pamaraan
panlunan
Tukuyin ang uri ng pang-abay na may salungguhit sa pangungusap.
Mahusay maglaro ng basketbol si Liam.
panlunan
pamanahon
pamaraan
Tukuyin ang uri ng pang-abay na may salungguhit sa pangungusap.
Ito na nga ang pinakahihintay na laro sa paaralan.
pamaraan
pamanahon
panlunan
Tukuyin ang uri ng pang-abay na may salungguhit sa pangungusap.
Makikipaglaban ang aming pangkat sa Gymnasium.
panlunan
pamanahon
pamaraan
Tukuyin ang uri ng pang-abay.
Magiging mulat din ako sa nangyayari sa paligid sa pamamagitan ng panonood ng balita.
pamaraan
panlunan
pamanahon
Tukuyin ang uri ng pang-abay na may salungguhit sa pangungusap.
Sasagutin ko nang maayos ang mga tanong sa diskasyon.
pamaraan
panlunan
pamanahon
Tukuyin ang uri ng pang-abay na may salungguhit sa pangungusap.
Tuwing Sabado, naglilinis sila ng buong bahay.
pamanahon
pamaraan
panlunan
Tukuyin ang uri ng pang-abay na may salungguhit sa pangungusap.
Masayang nagpaliwanag si Ziad tungkol sa kanyang tinanggap na premyo.
panlunan
pamanahon
pamaraan
Tukuyin ang uri ng pang-abay na may salungguhit sa pangungusap.
Sa paaralan napagtitibay ng mga guro ang mga aral na ito.
pamaraan
panlunan
pamanahon
Tukuyin ang uri ng pang-abay na may salungguhit.
Masigabong pinalakpakan si Angela dahil sa kanyang mga nagawa.
panlunan
pamaraan
pamanahon
Tukuyin ang uri ng pang-abay na may salungguhit sa pangungusap.
Sa tahanan natututo ang isang bata ng mabubuting asal.
panlunan
pamaraan
pamanahon
Tukuyin ang uri ng pang-abay na may salungguhit sa pangungusap.
Hintayin mo dito ang sundo mo mamayang tanghali.
pamanahon
pamaraan
panlunan
Tukuyin ang uri ng pang-abay na may salungguhit sa pangungusap.
Palagi akong naglalaan ng panahon sa pag-aaral.
pamaraan
panlunan
pamanahon
