Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

3rd Quarter Long Test Review

Total questions: 10

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

Dito ay karaniwang inilalagay ng mga manunulat ng tekstong impormatibo ang mga aklat, kagamitan, at iba pang ginamit upang higit na mabigyang-diin ang katotohanang naging basehan sa mga impormasyong taglay nito.

a)

Layunin ng may-akda

b)

Pagbibigay diin sa mahahalagang salita sa teksto

c)

Pagsulat ng talasanggunian

d)

Pantulong na Kaisipan

2.

Dahil sa kanilang nalalapit na pagsusulit ay kinailangan ni Enel na magbalik-aral para rito. Ang rito na panghalip sa pangungusap ay maituturing na anong cohesive device?

a)

Kolokasyon

b)

Reiterasyon

c)

Repitisyon

d)

Substitusyon

3.

Mabait ang ina ni Nojiko samantalang masungit naman ang kanyang ama. Ang mabait at masungit ay maaring mabilang sa anong uri ng kohesyong leksikal?

a)

Anapora

b)

Katapora

c)

Kolokasyon

d)

Repitisyon

4.

Mabait ang ina ni Nojiko samantalang masungit ang kanyang ama. Ang samantala ay mabibilang sa anong uri ng kohestiyong gramatikal?

a)

Reperensiya

b)

Ellipsis

c)

Pang-ugnay

d)

Kolokasyon

5.

May kabuuang tatlong asignatura ang bubunuuin ni Alvida para sa kanyang pagbabalik-aral ngayong pasukan. Ang mga ito ay Business Mathematic, Organization and Management at Practical Research. Sa Anong uri ng Reiterasyon mauri ang pangungusap?

a)

Anapora

b)

Pagiisa-isa

c)

Kolokasyon

d)

Repitisyon

6.

Ang kadalasang ginagamit sa Karaniwang paglalarawan ay mga Idyoma at mga tayutay.

a)

Tama

b)

Mali

7.

Bilang inyong takdang-aralin, kayo ay inatasan ng inyong guro na bumasa ng isang halimbawa ng tekstong Deskriptibo. Ano-ano ang mga dapat mong isaalang-alang sa pagbasa nito?

a)

Kailangang sundin gabay sa pagbasa ng tekstong Deskriptibo tukuyin ang layunin ng may-akda, tignan ang pangunahin at suportang ideya, paraan ng paglalarawan at kung ano ang impresyong nabuo sa iyong isipan.

b)

Ang unang dapat na isaalang-alang ay kung subhetibo o obhetibo ito.

c)

Tukuyin muna kung ito ay karaniwan o masining na paglalarawan.

d)

Wala sa nabanggit.

8.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga pangunahing cohesive devices?

a)

Kohesyong leksikal

b)

Pang-ugnay

c)

Reperensiya

d)

Pang-ukol

9.

Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba't ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports, agham o siyensiya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon, at iba pa.

a)

Tekstong Impormatibo

b)

Tekstong Naratibo

c)

Tekstong Deskriptibo

d)

Tekstong Prosidjural

10.

Sa Elemento ng tekstong impormatibo na ito ay tuwiran o dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa mambabasa.

a)

Pangunahing ideya

b)

Layunin ng may-akda

c)

Pag-uulat pang-impormasyon

d)

Pantulong na Kaisipan