wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 3rd Quarter Reviewer

Total questions: 60

Worksheet time: 32mins

Name
Class
Date
1.

Sino ang unang pangulo ng Pilipinas na nanungkulan sa ilalim ng Unang Republika noong Enero 23, 1899- Marso 23, 1901?

a)

Emilio Aguinaldo

b)

Manuel Quezon

c)

Jose Laurel

d)

Elpidio Quirino

2.

Sa ilalim ng Administrasyong Aguinaldo ay nagkaroon ng pulong sa Malolos noong Setyembre 15, 1898 upang buuin ang _____________.

a)

Saligang Batas

b)

Pamahalaan

c)

Bansa

d)

Pakikipaglaban

3.

Bakit hindi kinilala ng Amerika ang Unang Republika sa ilalim ng pamamahala ni Emilio Aguinaldo?

a)

Dahil hindi itinuturing na isang pamahalaan ang Unang Republika

b)

Dahil hindi marunong mamuno sina Aguinaldo

c)

Dahil nais sakupin ng Amerika ang ating bansa

d)

Dahil mahina pa ang ating bansa noong panahong iyon

4.

Sino ang pangulo sa ilalim ng Pamahalaang Commonwealth na nanungkulan mula 1935-1946?

a)

Emilio Aguinaldo

b)

Manuel Quezon

c)

Jose Laurel

d)

Elpidio Quirino

5.

Ang Pamahalaang Commonwealth ay naantala dahil sa pagsalakay ng bansang _________. Dahil dito napilitang lumikas si Quezon sa Amerika at inilipat ang sentro ng pamahalaan sa Corregidor.

a)

Amerika

b)

Espanya

c)

Hapon

d)

Tsina

6.

Ano ang batayan ng mga batas sa ilalim ng Pamahalaan Commonwealth?

a)

Saligang Batas 1935

b)

Saligang Batas 1946

c)

Saligang Batas 1976

d)

Saligang Batas ng Malolos

7.

Siya ang nagtuloy ng pamamahala sa ilalim ng Pamahalaang Commonwelath nang mamatay dahil sa sakit na TB si Manuel Quezon. Siya ay nanungkulan mula Agosto 1, 1944 - Mayo 28, 1946.

a)

Jose Laurel

b)

Sergio Osmeña Sr.

c)

Manuel Roxas

d)

Elpidio Quirino

8.

Isa si Pangulong Osmeña sa inilikas nang sumalakay ang mga Hapon sa ating bansa. Sino ang kasama niyang bumalik sa Leyte noong Oktubre 20, 1944 upang palayain ang ating bansa sa mananakop?

a)

Heneral James Wright

b)

Heneral Antonio Luna

c)

Heneral Douglas MacArthur

d)

Heneral William Halsey

9.

Siya ang pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas sa ilalim ng tinatawag na Puppet Republic. Nanungkulan siya mula Oktubre 14, 1943- Agosto 17, 1945.

a)

Manuel Roxas

b)

Elpidio Quirino

c)

Sergio Osmeña Sr.

d)

Jose Laurel

10.

Ano ang ibig sabihin ng puppet government?

a)

Isang pamahalaan naayon sa mga batas ng ating bansa

b)

Mapagkunwaring pamahalaang nasa ilalim ng kapangyarihang Hapon

c)

Pamahalaang pinamumunuan ng isang pangulo

d)

Pamahalaang may sariling pagpapasya

11.

Kailan muling lumaya ang Pilipinas at muling itinatag ang pamahalaang Commonwealth sa ilalim ng Pangulong Sergio Osmeña Sr.?

a)

Hulyo 5, 1945

b)

Hulyo 4, 1945

c)

Hunyo 12, 1898

d)

Hunyo 13, 1898

12.

Siya ang Unang pangulo ng Ikatlong Republika. Nanungkulan siya mula Hulyo 4, 1946 - Abril 15, 1948. Nilutas niya ang mga suliraning dulot ng digmaan, pagsasa-ayos ng kabuhayan, katiwasayan, at mababang moralidad.

a)

Manuel Quezon

b)

Manuel Roxas

c)

Sergio Osmeña Sr.

d)

Jose Laurel

13.

Ang mga sumusunod ay mga batas sa ilalim ng administrasyong Roxas na nagpapakita ng pagsandal ng Pilipinas sa Amerika. Alin ang hindi?

a)

Pagpapa-utang ng $60,000,000 ng US Reconstruction and Finance Corporation sa Pilipinas (RFC)

b)

Bell Trade Act of 1946

c)

Military Base Agreement ng 1947

d)

Engkwentro sa mga HukBaLaHap

14.

Siya ang humalili kay Pangulong Roxas nang mamatay ito dahil sa atake sa puso. Siya ay nanungkulan mula Abril 17, 1948 - Disyembre 30, 1953.

a)

Sergio Osmeña Sr

b)

Elpidio Quirino

c)

Manuel Quezon

d)

Jose Laurel

15.

Ano ang pinakamalaking suliranin sa ilalim ng administrasyong Quirino? Dahil sa kanilang pagtanggi sa pagkilala sa pamahalaan ay nagbabadya ang panganib at kriminalidad sa ating bansa.

a)

Hindi maayos na pangangasiwa sa pamahalaan

b)

Lumalaganap na Kahirapan

c)

Patuloy na pagdami ng mga Huk

d)

Kawalan ng trabaho

16.

Ito ay binubuo ng isang lipon ng mga mamamayang naninirahan sa isang nakatakdang teritoryo, may pamahalaang nagtataglay ng awtoridad na kinikilala ng karamihan ng mamamayan nito, may kapangyarihang magpatupad ng sarili nitong mga batas, at nakatatamasa ng kalayaan.

a)

Nasyon

b)

Republika

c)

Estado

d)

Kabisera

17.

Tumutukoy sa mga taong naninirahan sa teritoryo ng isang bansa.

a)

Mamamayan

b)

Teritoryo

c)

Pamahalaan

d)

Soberanya

18.

Ito ang lupang sakop ng bansa. Dito naninirahan ang mga mamamayan.

(a)  

19.

Ito ang nagpapatupad ng mga batas at alituntunin ng bansa. Ito rin ang pangunahing ahensyang nagpapatupad ng mga batas at kaayusang nagpapahayag ng mithiin ng estado.

(a)  

20.

Ito ang pinakamataas na kapangyarihan ng bansa. Nagbibigay ito ng pahintulot na magpatupad ng batas sa mga mamamayang naninirahan sa teritoryo ng estado. Mahirap rin itong makamit sapagkat kailangang kilalanin muna ng iba pang mga bansa para masabing nagtataglay ang bansa ng elemento na ito.

(a)  

21.

Ano ang dalawang dimensyon ng soberanya?

a)

Panloob at Panlabas

b)

May Limitasyon at Walang Limitasyon

c)

Republika at Estado

d)

Estado at Nasyon

22.

Tanging Kapangyarihan ng Estado natumutukoy sa kapangyarihan sa pagbibigay ng restriksyon sa pagtataguyod at pangangalaga sa kalusugan, kaligtasan, moralidad, pangkalahatang kapakanan, at pampublikong interes na nakatalaga sa lokal na sangay ng pamahalaan.

a)

Kapangyarihang Pampulisya

b)

Kapangyarihang Mamahala ng Ari-ariang Sakop ng Teritoryo

c)

Kapangyarihang Magbuwis

d)

Kapangyarihang Panloob

23.

Tanging Kapangyarihan ng Estado na tumutukoy sa karapatan ng Estado na mag-angkin ng pribadong ari-arian para sa paggamit ng publiko sa pamamagitan ng pagbibigay ng kumpensasyon para sa anumang pribadong ari-ariang kinuha ng pamahalaan sa pamamagitan ng utos ng korte.

a)

Kapangyarihang Pampulisya

b)

Kapangyarihang Mamahala ng Ari-ariang Sakop ng Teritoryo

c)

Kapangyarihang Magbuwis

d)

Kapangyarihang Panloob

24.

Tanging Kapangyarihan ng Estado na tumutukoy sa kapangyarihang mangolekta ng halagang batay sa komputasyon ng kita sa isang tao o halaga ng ari-arian para sa gastusin ng pamahalaan na syang pinagkukunan ng pondo para sa pampublikong gamit.

a)

Kapangyarihang Pampulisya

b)

Kapangyarihang Mamahala ng Ari-ariang Sakop ng Teritoryo

c)

Kapangyarihang Magbuwis

d)

Kapangyarihang Panloob

25.

Ang mga sumsunod ay katangian ng isang Estado. Alin ang HINDI?

a)

Nagtataglay ng apat na elemento

b)

Pagiging kasapi ng mga internasyonal na organisasyon

c)

Isang konseptong etniko at kultural.

d)

Hindi napasailalim sa kontrol na panlabas.

26.

Pangunahing ahensya na nagtatanggol mula sa panlabas at panloob na panganib sa kapayapaan at seguridad ng ating bansa, nagsusulong ng kapakanan ng mga sundalo at beterano, at sumusuporta sa pag-unlad ng lipunan at ekonomiya.

a)

National Disaster Risk Reduction and Management Council

b)

Office of the Civil Defense

c)

Armed Forces of the Philippines

d)

Department of National Defense

27.

Pangunahing ahensya na nangangalaga sa soberanya, sumusuporta sa Saligang Batas, at nagtatanggol sa teritoryo ng bansa laban sa kaaway. Nagtataguyod at nagsusulong ng pambansang layunin. Nagpaplano, nag-oorganisa, nagpapanatili, naglilinang, at nagtatalaga ng mga regular at sibiliyang reserbang puwersa para sa pambansang seguridad.

a)

National Disaster Risk Reduction and Management Council

b)

Office of the Civil Defense

c)

Armed Forces of the Philippines

d)

Department of National Defense

28.

Ahensya sa ilalim ng DND na nangangasiwa ng produksyon ng armas, bala, at iba pang kagamitan militar para sa AFP at PNP.

a)

Government Arsenal

b)

National Defense College of the Philippines

c)

Office of Civil Defense

d)

National Disaster Risk Reduction and Management Council

29.

Ahensya sa ilalim ng AFP na nagpapatupad ng batas at ordinansang may kaugnayan sa pagtatanggol ng buhay at ari-arian. Tungkulin din nila na imbestigahan at hadlangan ang mga krimen, arestuhin ang mga kriminal, at tumulong sa kanilang paglilitis. Maaari din nilang gamitin ang mga kapangyarihang mag-aresto, maghalughog, at magkumpiska ayon sa itinakda ng Konstitusyon at ng iba pang mahalagang batas.

a)

Philippine Army

b)

Philippine Navy

c)

Philippine Air Force

d)

Philippine National Police

30.

Bakit dapat ipagtanggol ang teritoryo at soberanya ng ating bansa?

a)

Upang hindi magkawatak-watak ang Pilipinas

b)

Upang makamit ang mithiin ng ating bansa

c)

Upang masanay lumaban ang mga Pilipino

d)

Upang hindi maputol ang soberanya ng ating bansa

31.

Sino ang nanungkulan bilang ika-pitong Presidente ng Pilipinas mula Disyembre 30, 1953 hanggang Marso 17, 1957?

a)

Sergio Osmeña

b)

Elpidio Quirino

c)

Carlos Garcia

d)

Ramon Magsaysay

32.

Anong programa ang ipinatupad ni Magsaysay sa pagpapabuti sa kabuhayan ng mamamayan upang di sumapi sa komunista ang mamamayan?

a)

Land Tenure Reform Law

b)

Masagana 99

c)

Economic Development Corporation

d)

Farmers Cooperative Marketing Association

33.

Anong programa ang naglahad ng pagbili ng pamahalaan ng lupa ng mga haciendero? Ipinagbili rin ng hulugan ang mga lupa sa mga magsasakang walang lupa.

a)

Land Tenure Reform Law

b)

Masagana 99

c)

Economic Development Corporation

d)

Farmers Cooperative Marketing Association

34.

Ano ang binuo upang bigyan ng karapatan ang mga manggagawa upang magtatag ng unyon, magwelga, at makipag-ayos sa pamahalaan?

a)

Land Tenure Reform Law

b)

Magna Carta ng Paggawa

c)

Commission on National Integration

d)

Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration

35.

Sino ang pinuno ng mga Huk na sumuko noong May 16, 1954?

a)

Luis Taruc

b)

Jay Taruc

c)

Luis Curat

d)

Leo Taruc

36.

Ano ang nilalaman ng Reparations Agreement ng Pilipinas at Japan noong 1956?

a)

Paglaya ng Pilipinas

b)

Pagbabalik ng Amerika

c)

Pagsuko ng Japan

d)

Pagbabayad pinsala

37.

Layunin ng samahan na ito na mapaunlad ang kalakalan, ekonomiya, at pagtutulungan ng mga bansang kasapi. Ang mga bansang miyembro nito ay ang Brunei, Burma (Myanmar), Cambodia, Timor-Leste, Indonesia, Laos, Malaysia, the Philippines, Singapore, Thailand and Vietnam.

a)

SEATO o Southeast Asia Treaty Organization

b)

Association of Southeast Asia o ASA

c)

Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)

d)

MAPHILINDO o Malaysia, Philippines at Indonesia

38.

Ano ang dahilan kung bakit hindi natapos ni Magsaysay ang kanyang panunungkulan?

a)

Siya ay pinatalsik sa pwesto

b)

Siya ay nagbitiw sa pwesto

c)

Siya ay nagkaroon ng malubhang sakit

d)

Siya ay naaksidente at namatay

39.

Siya ang naging pangulo ng Pilipinas noong March 18, 1957 hanggang Disyembre 30, 1961. Nanumpa siya bilang pangulo matapos pumanaw ni Magsaysay.

a)

Sergio Osmeña

b)

Diosdado Macapagal

c)

Carlos Garcia

d)

Elpidio Quirino

40.

Ang programa ni Garcia na nagsasaad ng pagtitipid sa pamahalaan, maayos na paggawa, pagpapalaki ng kapakipakinabang na pamumuhunan, pagiging matapat, at pagbibigay ng kasiya-siyang paglilingkod sa mamamayan.

a)

Pilipino muna

b)

Austerity Program

c)

Filipino Retailers Fund Act

d)

National Marketing Corporation Act

41.

Ang programa ni Garcia na nagsasaad na dapat bigyan muna ng lahat ng pagkakataon ang mga Pilipino na mapa-unlad ang kanilang kabuhayan bago ang mga dayuhan.

a)

Pilipino muna

b)

Austerity Program

c)

Filipino Retailers Fund Act

d)

National Marketing Corporation Act

42.

Ang programa ni Garcia na ito ay nagtutustos sa maliliit na Pilipinong mangangalakal.

a)

Pilipino muna

b)

Austerity Program

c)

Filipino Retailers Fund Act

d)

National Marketing Corporation Act

43.

Ang programa ni Garcia na ito ay nagpapautang sa mga Pilipino

a)

Pilipino muna

b)

Austerity Program

c)

Filipino Retailers Fund Act

d)

National Marketing Corporation Act

44.

Ano ang ginawa ng Amerika nang naghabol ang Pilipinas sa mga buwis na siningil ng US?

a)

Binawasan ang tulong na pananalapi sa bansa

b)

Nagdeklara ng digmaan

c)

Sinalakay ang Japan

d)

Umalis ang mga Amerikano sa Pilipinas

45.

Ano ang kasunduan ng Pilipinas at Amerika hinggil sa paggamit ng mga lupain ng Pilipinas para sa base militar ng USA?

a)

Visiting Forces Agreement

b)

Military Defense Treaty

c)

Military Bases Agreement

d)

Parity Rights

46.

Sino ang pangulo ng ating bansa noong Dec. 30, 1961 hanggang Dec. 30, 1965? Ang kanyang layunin ay mataas na antas ng pamumuhay, pagtaas ng sahod ng manggagawa, murang pabahay, pagpapabuti sa kalagayan ng magsasaka, at pagpapa-unlad ng kabuhayan ng bansa.

a)

Diosdado Macapagal

b)

Carlos Garcia

c)

Ferdinand Marcos

d)

Ramon Magsaysay

47.

Ano ang pangunahing palatuntunan sa administrasyong Macapagal? Sa programang ito pinalitan ang patakaran ng paghahati ng ani o kita sa sakahang lupa o paupahang lupa

a)

Stonehill Scandal

b)

MAPHILINDO

c)

Reporma sa Lupa

d)

Pagbabago ng Araw ng Kalayaan

48.

Bakit inilipat ni Macapagal ang Araw ng Kalayaan mula sa Hulyo 4 papuntang Hunyo 12?

a)

Ito ang araw na lubusang lumaya ang bansa

b)

Ito ang araw na naging magkaibigan ang Pilipinas at Amerika

c)

Ito ang araw na umalis ang mga Hapon sa bansa

d)

Ito ang araw na unang iwinagayway ang ating bandila

49.

Anong teritoryo ang tinangkang kunin ni Macapagal na pagmamay-ari ng Sultan Sulu? Pinaupahan lamang ito sa mangangalakal na Ingles noong 1897.

a)

Basilan

b)

Sabah

c)

Borneo

d)

Sulu

50.

Anong samahan ang binuo upang pag-usapan ng maayos ang agawan ng teritoryo sa pagitan ng Malaysia, Pilipinas, at Indonesia?

a)

SEATO

b)

ASA

c)

ASEAN

d)

MAPHILINDO

51.

Sa kabila ng pagtatangkang agawin ang teritoryo na dating pagmamay-ari ng Sultan ng Sulu, kanino napunta ang Sabah?

(a)  

52.

Bakit nawalan ng pagtitiwala ang pamahalaan sa Administrasyong Macapagal?

a)

Hindi nila nais na maging pangulo si Macapagal

b)

Hindi natupad ang kanyang pangako

c)

May kakulangan ng panustos at katiwalian

d)

Hindi maganda ang kanyang mga programa

53.

Siya ang pangulo ng ating bansa noong Dec. 30, 1965 hanggang Sept. 21, 1972. Nangako siya na gagawing maunlad ang Pilipinas muli.

a)

Diosdado Macapagal

b)

Ferdinand Marcos

c)

Carlos Garcia

d)

Ramon Magsaysay

54.

Ano ang programa ng pangulong Marcos patungkol sa pagsasaka?

a)

Pagbili ng bigas sa ibang bansa

b)

Pagsasa-ayos ng sakahan

c)

Modernong irigasyon at paraan ng pagsasaka

d)

Pagbubungkal ng mga lupa

55.

Si Marcos ay nakapagpagawa ng higit sa 6,000 km na mga daan. Alin sa mga sumusunod ang daang pinagawa sa ialim ng kanyang administrasyon?

a)

NLex at SLex

b)

BGC-Ortigas Bridge

c)

C5 South Link Expressway

d)

Subic-Clark-Tarlac Expressway

56.

Anong programa ni Marcos ang naglalayon ng pagpapalaki ng produksiyon ng bigas at mais dahil sa modernong irigasyon at pagsasaka?

a)

Green Peace

b)

Green Revolution

c)

Green Nation

d)

Green and Clean

57.

Anong prgrama ang tinutukan ng Unang Ginang Imelda Marcos?

a)

Pagpapasigla sa proyektong pangkabataan

b)

Pakikipag-ugnayang panlabas

c)

Pagpapatayo ng iba'-ibang estrutura

d)

Pagpapasigla at pagtangkilik sa ating sining at kultura

58.

Anong grupo ang ipinadala ni Marcos sa Vietnam na binubuo ng mga mediko, sundalo, at inhenyerong Pilipino upang gumamot at magtayo ng tahanan sa Vietnam?

a)

Philippine Civic Action Group

b)

Arms Forces of the Philippines

c)

Philippine National Police

d)

Indigenous People

59.

no ang kalagayan ng bansa sa ikalawang termino ni Marcos?

a)

Lumaki ng husto ang utang na panlabas ng Pilipinas

b)

Malaki ang gastos at katiwalian sa pamahalaan

c)

Lugmok na ekonomiya

d)

Lahat ng Nabanggit

60.

Ano ang idineklara ni Marcos noong Setyembre 21, 1972 na siyang naging hudyat ng pagtatapos ng Ikatlong Republika ng Pilipinas?

a)

Martial Law

b)

Habeas Corpus

c)

State of Calamity

d)

Emergency Evacuation