wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

QUARTER 3 EXAM_GRADE 11_FILIPINO 11

Total questions: 30

Worksheet time: 51mins

Name
Class
Date
1.

Anong estratehiya ng pagbasa na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinakda bago bumasa?

a)

Teoryang Bottom-up  

b)

Scanning

c)

Skimming

d)

Teoryang Top-down

2.

Ano ang tawag sa proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto?

a)

Pagbasa

b)

Pagsulat

c)

Pakikinig

d)

Pagsasalita

3.

Anong uri ng pagbasa ng isang teksto na tumutukoy sa mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng buong teksto?

a)

Teoryang Bottom-up

b)

Scanning

c)

Skimming

d)

Teoryang Top-down

4.

Anong uri ng paglalarawan ang ginamit sa sumunod na pahayag?

Mabula ang nabiling sabon ni nanay kumpara sa mamamahaling brand na binibili niya noon.

a)

Pagmamalabis

b)

Obhetibo

c)

Idyomatiko

d)

Subhetibo

5.

Anong uri ng paglalarawan ang ginamit sa sumunod na pahayag?

Malakas ang loob ng kapatid kong si Kristine kung kaya kapag magkasama kami ay lumalakas din ang loob ko. Isa siyang sandigan na nagpapatatag sa akin sa mga panahong maraming suliranin ang pamilya.

a)

Pagmamalabis

b)

Obhetibo

c)

Idyomatiko

d)

Subhetibo

6.

Anong uri ng paglalarawan ang ginamit sa sumunod na pahayag?

 Mataba at maganang kumain ang alaga kong aso.

a)

Pagmamalabis

b)

Obhetibo

c)

Idyomatiko

d)

Subhetibo

7.

Anong uri ng paglalarawan ang ginamit sa sumunod na pahayag?

Muling nagkabuhay si Venus sa katauhan ni Matet. Ang maamo niyang mukha tila anghel ay sadyang kinahuhumalingan ng mga anak ni Adan. Alon- alon ang kanyang buhok na bumagay sa kainggit-inggit niyang katawan at taas.

a)

Pagmamalabis

b)

Obhetibo

c)

Idyomatiko

d)

Subhetibo

8.

Anong uri ng paglalarawan ang ginamit sa sumunod na pahayag?

Tahimik ang paligid at walang ibang maririnig kung hindi ang awit ng ibon at tunog ng mga dahon na sumasayaw sa ihip ng hangin.

a)

Pagmamalabis

b)

Obhetibo

c)

Idyomatiko

d)

Subhetibo

9.

Anong uri ng tekstong impormatibo ang nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at kung paanong ang kinalabasan ay naging resulta ng mga naunang pangyayari?

a)

Sanhi at Bunga

b)

Paghahambing

c)

Pagbibigay-depinisyon

d)

Paglilista ng klasipikasyon

10.

Anong uri ng tekstong impormatibo ang tumutukoy sa paghahati-hati ng isang malaking paksa o ideya sa iba’t ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ang pagtalakay?

a)

Sanhi at Bunga

b)

Paghahambing

c)

Pagbibigay-depinisyon

d)

Paglilista ng klasipikasyon

11.

Anong uri ng tekstong impormatibo kung saan ipinapaliwanag ang kahulugan ng isang salita, termino, o konsepto?

a)

Sanhi at Bunga

b)

Paghahambing

c)

Pagbibigay-depinisyon

d)

Paglilista ng klasipikasyon

12.

Anong uri ng tekstong impormatibo ang kadalasang nagpapakita ng mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anomang bagay, konsepto, o pangyayari?

a)

Sanhi at Bunga

b)

Paghahambing

c)

Pagbibigay-depinisyon

d)

Paglilista ng klasipikasyon

13.

Tukuyin kung anong uri ng paglalarawan ang ginamit sa pangungusap:

Ang hangin ay malamig.

a)

Karaniwan

b)

Masining

c)

Pagmamalabis

d)

Idyomatiko

14.

 

Tukuyin kung anong uri ng paglalarawan ang ginamit sa pangungusap:

Ang kanyang ganda ay parang rosas sa gitna ng disyerto.

a)

Karaniwan

b)

Masining

c)

Pagmamalabis

d)

Idyomatiko

15.

 

Tukuyin kung anong uri ng paglalarawan ang ginamit sa pangungusap:

Kasing-dami ng patak ng ulan ang kanyang niluha noong gabing iyon.

a)

Karaniwan

b)

Masining

c)

Pagsasatao

d)

Idyomatiko

16.

 

Tukuyin kung anong uri ng paglalarawan ang ginamit sa pangungusap:

Ang pinto ay kulay pula.

a)

Karaniwan

b)

Masining

c)

Pagsasatao

d)

Idyomatiko

17.

Alin sa sumusunod ang dapat taglayin ng isang mahusay na tekstong persuweysib kung saan ang manunulat ay gumagamit ng datos o impormasyon mula sa mga pag-aaral upang pagtibayin ang kanyang paninindigan?

a)

Kaalaman sa mga posibleng paniniwala ng mga mambabasa

b)

Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig ng isyu.

c)

Malalim na pananaliksik

d)

Brainstorming

18.

Anong pamamaraan ng narasyon ang tinutukoy ng sumunod na pahayag?

Angel: Kamusta ka na Roger, antagal nating hindi nagkita dahil nagbakasyon kayo sa Mindanao.

Roger: Kaya nga Angel, ngunit ang bakasyon ay tapos na at balik eskwela na. Angel: Oo nga e, nakabili ka na ba ng iyong kagamitan para sa eskwela?

a)

Diyalogo

b)

Foreshadowing

c)

Plot Twist

d)

Comic Book Death

19.

Anong pamamaraan ng narasyon ang tinutukoy ng sumunod na pahayag?

“Pamagat ng isang teleserye: Babawiin ko ang lahat."

a)

Diyalogo

b)

Foreshadowing

c)

Plot Twist

d)

Comic Book Death

20.

Anong pamamaraan ng narasyon ang tinutukoy ng sumunod na pangyayari?

Sa ikaapat na episodyo ng isang serye sa Netflix, namatay ang isa sa mga pangunahing tauhan ngunit pagdating ng ikapitong episodyo ay buhay pala siya at ibinunyag niya ang katotohanan.

a)

Diyalogo

b)

Foreshadowing

c)

Plot Twist

d)

Comic Book Death

21.

Anong pamamaraan ng narasyon ang tinutukoy ng pahayag sa ibaba?

Ang akala ni Ji Sun-Woo ay kabit ng kanyang asawa na si Lee Tae-Oh ang babaeng nagngangalang Yeo Da-Kyung ngunit nalaman niyang anak pala ito sa labas.

a)

Diyalogo

b)

Foreshadowing

c)

Plot Twist

d)

Comic Book Death

22.

Anong pamamaraan ng narasyon ang tinutukoy ng pahayag sa ibaba?

“Sila’y nagtalo at dahan-dahang umalis sa silid si Ji Sun-woo…”

a)

Plot Twist

b)

Foreshadowing

c)

Ellipsis

d)

Deus ex Machina

23.

Anong pamamaraan ng narasyon ang tinutukoy ng sumunod na pangyayari?

“Nakahiga sa damuhan, puno ng putik at walang saplot sa katawan ang isang bente anyos na babae. Mainit na dumadaloy ang dugo sa ulo ni Alice. Siya’y namimilipit sa kirot mula sa nabaling balakang. Ano ang nangyari kay Alice?”

Ilang araw bago mangyari ang insidente (Flashback).

a)

Diyalogo

b)

In medias Res 

c)

Deus ex Machina

d)

Plot Twist

24.

Anong pamamaraan ng narasyon ang tinutukoy ng sumunod na pahayag?

Si Angelo ay nagkuwento ng kanyang karanasan sa dinalohang party sa kanyang kaibigan. Sinimulan niya ang pagsasalaysay sa dulong bahagi ng pangyayari hanggang sa makapunta sa simula.

a)

Ellipsis

b)

Deus ex Machina

c)

Reverse Chronology

d)

Foreshadowing

25.

Anong pamamaraan ng narasyon ang tinutukoy ng sumunod na pangyayari?

 

“Nag-ensayong mabuti si Freddie upang gapiin ang kanyang kaaway na si Rick. Ilang taon siyang nag-insayo gamit ang kanyang espada. Nang sila’y magtuos ay naging maiinit ang kanilang labanan. Sa ‘di inaasahan, ang bidang si Freddie ay halos bawian ng buhay dahil sa mga sugat na natamo nito. Akmang pupugutan na siya ng ulo ni Rick nang lumabas si Barney at binaril ang halimaw sa ulo. Namatay si Rick at naligtas si Freddie. Wakas.”

a)

In medias Res

b)

Foreshadowing

c)

Ellipsis

d)

Deus ex Machina

26.

Anong uri ng pahayag ang tinutukoy ng pahayag sa ibaba?

 

Ang Divorce Bill ay dapat na maipasa upang mabawasan ang karahasan laban sa kababaihan.

a)

Proposisyon

b)

Argumento

c)

Paglilinaw

d)

Idyomatiko

27.

Anong uri ng pahayag ang tinutukoy ng pahayag sa ibaba?

 

“Sa kabila ng pagiging praktikal ng programang K-12, hindi pa rin ito dapat ipatupad dahil kulang ang pamahalaan sa paghahanda. Walang ginanap na pag-aaral kung magiging mabisa ba ito para sa mga Pilipinong mag-aaral.”

a)

Proposisyon

b)

Argumento

c)

Paglilinaw

d)

Idyomatiko

28.

Anong uri ng pahayag ang tinutukoy ng pahayag sa ibaba?

 

Nakasasama sa pamilya ang pag-alis ng isang miyembro nito upang magtrabaho sa ibang bansa.

a)

Proposisyon

b)

Argumento

c)

Paglilinaw

d)

Idyomatiko

29.

Alin sa sumusunod na nilalaman ng tekstong prosidyural kung saan inilalahad ang serye ng mga hakbang na isasagawa upang mabuo ang proyekto?

a)

Nilalaman

b)

Kagamitan

c)

Ebalwasyon

d)

Metodo

30.

Alin sa sumusunod na nilalaman ng tekstong prosidyural kung saan nakapaloob ang mga kasangkapan at kagamitang kakailanganin upang mabuo ang ginagawang proyekto?

a)

Nilalaman

b)

Kagamitan

c)

Ebalwasyon

d)

Metodo