wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

QUARTER 4 EXAM_FILIPINO_GRADE 11

Total questions: 30

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tawag sa  proseso kung saan inoorganisa ang mga datos na nakalap mula sa sarbey o panayam sa pamamagitan ng paglalapat nito sa mga working table?

a)

Paglilista

b)

Pagsusuri

c)

Tabulation 

d)

Tallying

2.

Kung sa presentasyon ng datos ay karaniwang sinasagot ang tanong na “ano”, ano naman ang sinasagot ng interpretasyon ng datos?

a)

bakit

b)

saan

c)

kailan

d)

ano-ano

3.

Anong bahagi ng pananaliksik ang kinapalolooban ng presentasyon at pagsusuri ng datos?

a)

Kaligiran ng Pananaliksik

b)

Konseptuwal na Balangkas

c)

Metodolohiya at Pamamaraan

d)

Resulta at Diskusyon

4.

Ano ang ginagawa ng isang mananaliksik kung iniuugnay niya ang pagsusuri ng isang grupo ng datos sa iba pang datos na bahagi rin ng resulta?

a)

cross-referencing

b)

cross-sectioning

c)

cross-dissecting

d)

cross-analyzing

5.

Bakit itinuturing na pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik ang presentasyon, pagsusuri at interpretasyon ng datos?

a)

Dahil pinakamahaba ito

b)

Dahil dito ipakikita ang mga talahanayan at dayagram

c)

Dahil ito ang nagpapakita ng mga bagong impormasyon at pagsusuri na ambag ng mananaliksik sa pagbuo ng kaalaman

d)

Dahil dito makikita kung gaano kahusay ginampanan ng mananaliksik ang mga tungkulin niya

6.

Kailan mabuting gamitin ang line graph?

a)

Maghahalintulad at mag-iiba

b)

Magpapakita ng iba’t ibang antas sa paglipas ng panahon

c)

Magpapakita ng iba’t ibang kulay

d)

Magpapakita ng iba’t ibang bilang

7.

Alin sa sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa pagsusuri ng datos?

a)

Ang mga talahanayan, graph o anomang uri ng presentasyon ng datos ang pinagmumulan ng talakayan.

b)

Ang opinyon at pananaw ng mananaliksik ang pinagmumulan ng talakayan

c)

Ang impormasyon galling sa ibang pag-aaral at literatura ang pinagmumulan ng talakayan

d)

Ang metodolohiya ng pananaliksik ang pinagmumulan ng talakayan

8.

Ano ang tawag sa proseso ng pagbibigay ng kaayusan o estruktura sa napakaraming datos na nakolekta sa mga naunang bahagi ng pananaliksik?

a)

Interpretasyon

b)

Pagsusuri

c)

Pamamaraan

d)

Presentasyon

9.

Alin sa sumumsunod ang MALING pahayag tungkol sa pagsusuri at interpretasyon ng datos?

a)

Ipinaliliwanag ang mga dahilan sa kinalabasan ng pananaliksik

b)

Mahalaga ang cross-referening sa pagtalakay ng datos

c)

Nagbibigay ng opinyon ang mananaliksik kahit walang basehan

d)

Sinasagot ng bahaging ito ang katumpakan ng haypotesis

10.

Alin sa  sumusunod ang katangian  na HINDI dapat taglayin ng isang mananaliksik maliban sa isa?

a)

matuwid

b)

makatarungan

c)

matapat

d)

 makasarili

11.

Ano ang responsibilidad ng isang mananaliksik?

a)

Kumita mula sa kaniyang pagsaliksik

b)

Mapansin ng karamihan

c)

Maglagay ng sanggunian o references sa sinaliksik

d)

Kumuha ng ideya sa iba na walang paalam

12.

Alin sa sumusunod ang isa sa naging hamon sa maka-Pilipinong pananaliksik?

a)

Walang budget 

b)

Patakarang pangwika sa edukasyon

c)

Kakulangan sa mananaliksik

d)

Kahirapan ng balarilang Filipino

13.

Alin sa sumusunod ang tamang pagsulat ng bibliyograpiya gamit ang APA pormat?

Uri:  Journal Article

a)

Grady, J. S., Her, M., Moreno, G., Perez, C., & Yelinek, J. (2019). Emotions in storybooks: A        comparison of storybooks that represent ethnic and racial groups in the United States. Psychology of Popular Media Culture8(3), 207–217. https://doi.org/10.1037/ppm0000185

b)

Emotions in storybooks: A        comparison of storybooks that represent ethnic and racial groups in the United States. Psychology of Popular Media Culture8(3), 207–217.  Grady, J. S., Her, M., Moreno, G., Perez, C., & Yelinek, J. (2019)  https://doi.org/10.1037/ppm0000185

c)

https://doi.org/10.1037/ppm0000185; A. Grady, J. S., Her, M., Moreno, G., Perez, C., & Yelinek, J. (2019). Emotions in storybooks: A        comparison of storybooks that represent ethnic and racial groups in the United States. Psychology of Popular Media Culture8(3), 207–217. 

d)

Grady, J. S., Her, M., Moreno, G., Perez, C., & Yelinek, J. (2019). https://doi.org/10.1037/ppm0000185. Emotions in storybooks: A        comparison of storybooks that represent ethnic and racial groups in the United States. Psychology of Popular Media Culture8(3), 207–217

14.

Alin sa sumusunod ang tamang pagsulat ng bibliyograpiya gamit ang APA pormat?

Uri:  Whole Author Book

a)

Jackson, L. M. (2019). https://doi.org/10.1037/0000168-000. The psychology of prejudice: From attitudes to social action (2nd ed.). American Psychological Association

b)

The psychology of prejudice: From attitudes to social action (2nd ed.). American Psychological Association. Jackson, L. M. (2019). https://doi.org/10.1037/0000168-000

c)

https://doi.org/10.1037/0000168-000. Jackson, L. M. (2019).

d)

Jackson, L. M. (2019). The psychology of prejudice: From attitudes to social action (2nd ed.). American Psychological Association. https://doi.org/10.1037/0000168-000

15.

Alin sa sumusunod ang tamang pagsulat ng bibliyograpiya gamit ang APA pormat?

Uri:  Maraming volume

a)

Harris, K. R., Graham, S., & Urdan T. (Eds.). (2012). APA educational psychology handbook (Vols. 1–3). American Psychological Association.

b)

Harris, K. R., Graham, S., & Urdan T. (Eds.). APA educational psychology handbook (Vols. 1–3). American Psychological Association. (2012). 

c)

APA educational psychology handbook (Vols. 1–3). American Psychological Association. Harris, K. R., Graham, S., & Urdan T. (Eds.).(2012).

d)

(2012) American Psychological Association. Harris, K. R., Graham, S., & Urdan T. (Eds.). APA educational psychology handbook (Vols. 1–3). American Psychological Association.

16.

Anong disenyo ng pananaliksik ang pinakaangkop na disenyong gagamitin batay sa pagksa na inilahad?

Paksa: Suliranin ng mga mag-aaral na naninirahan sa dormitory.

a)

Deskriptibo

b)

Action Research

c)

Case Study

d)

Komparatibo

17.

Anong disenyo ng pananaliksik ang pinakaangkop na disenyong gagamitin batay sa pagksa na inilahad?

Paksa: Kasaysayan ng pista ng Nazareno.

a)

Eksploratori

b)

Historikal

c)

Normative

d)

Action Research

18.

Anong disenyo ng pananaliksik ang pinakaangkop na disenyong gagamitin batay sa pagksa na inilahad?

Paksa: Pag-aaral sa kaso ng isang mag-aaral na sumali sa gang.

a)

Deskriptibo

b)

Action Research    

c)

Case Study

d)

Komparatibo

19.

Anong disenyo ng pananaliksik ang pinakaangkop na disenyong gagamitin batay sa pagksa na inilahad?

Paksa: Kuwento ng buhay ng isang kabataang dumaan sa proseso ng aborsyon.

a)

Deskriptibo

b)

Action Research

c)

Case Study

d)

Komparatibo

20.

Anong disenyo ng pananaliksik ang pinakaangkop na disenyong gagamitin batay sa pagksa na inilahad?

Paksa: Pagsusuri sa editorial cartoon ng dalawang diyaryo: Philippine Daily Inquirer at Philippine Star

a)

Deskriptibo

b)

Action Research

c)

Case Study

d)

Komparatibo

21.

Anong disenyo ng pananaliksik ang pinakaangkop na disenyong gagamitin batay sa pagksa na inilahad?

Paksa: Epektibo nga ba paggamit ng komiks sa pagtalakay sa mga klasikong panitikang Filipino?

a)

Deskriptibo

b)

Normative

c)

Case Study

d)

Komparatibo

22.

Anong disenyo ng pananaliksik ang pinakaangkop na disenyong gagamitin batay sa pagksa na inilahad?

Paksa: Pinagmulan at mga impluwensiya ng dula sa Pilipinas.

a)

Eksploratori

b)

Historikal

c)

Normative

d)

Action Research

23.

Anong disenyo ng pananaliksik ang pinakaangkop na disenyong gagamitin batay sa pagksa na inilahad?

Paksa: Nakasasabay ba ang mga mag-aaral sa elementarya ng Don Juan Elementary School sa itinakdang kakayahan ng DepEd sa Matematika at Siyensya?

a)

Eksploratori

b)

Historikal

c)

Normative

d)

Action Research

24.

Anong disenyo ng pananaliksik ang pinakaangkop na disenyong gagamitin batay sa pagksa na inilahad?

Paksa: Panimulang pag-aaral sa cyber bullying sa piling unibersidad ng Maynila

a)

Eksploratori

b)

Historikal

c)

Normative

d)

Action Research

25.

Anong disenyo ng pananaliksik ang pinakaangkop na disenyong gagamitin batay sa pagksa na inilahad?

Paksa: Desporsoyo: Katekesis sa mga Mag-iisang Dibdib sa mga Gilid-dilid at Sulok-sulok ng mga Bayan ng Malolos at Hagonoy (Arvin D. Eballo, PhD)

a)

Etnograpiya

b)

Historikal

c)

Normative

d)

Action Research

26.

Anong disenyo ng pananaliksik ang pinakaangkop na disenyong gagamitin batay sa pagksa na inilahad?

Paksa : Epekto ng palagiang paggamit ng gadgets ng mga batang may edad 12 taon  pababa

a)

Kuwantitatibong Pananaliksik

b)

Kuwalitatibong Pananaliksik

c)

Presentasyon ng Datos

d)

Graphs at Charts

27.

Suriin ang talahanayan at piliin ang may pinakaangkop na interpretasyon ng resulta.

Tanong para sa mga kalahok:

a)

Ipinapakita ng talahanayan na 4 sa mga kalahok ay hindi dumadalo sa workshop tungkol sa kampanya sa wastong kaalaman sa sakit na AIDS.

b)

Ipinapakita sa talahanayan na ang Variable na E ang may pinakamataas na bilang ng dalas ng pagdalo sa workshop tungkol sa AIDS.

c)

Ipinapakita sa talahanayan na malaki ang bilang ng mga kalahok na walang alam tungkol sa AIDS.

d)

Ipinapakita sa talahanayan na hindi interesadong dumalo ang mga kalahok na makinig sa anumang workshop tungkol sa AIDS.

28.

Suriin ang chart/talahanayan at piliin ang may pinakatamang interpretasyon ng resulta.

Tanong para sa mga kalahok: Ikaw ba ay nakasubok nang magpa-HIV Blood Test?

a)

30% sa mga kalahok ay nakasubok nang magpa-HIV Blood Test.

b)

Mas maliit ang bilang na kalahok na hindi pa nakasusubok ng HIV Blood Test

c)

Pantay lamang ang bilang ng nakasubok at hindi nakasubok ng HIV Blood Test

d)

May mga kalahok na piniling ‘wag na lamang sagutin ang tanong na ito.

29.

Gamitin ang kaalaman upang mapili ang tamang paliwanag kung tama o mali ang uri ng tanong sa sarbey batay sa layunin nito.

Layunin ng Sarbey: Makuha ang isaktong bilang ng taong mahilig kumain ng spaghetti at mahilig kumain ng cake

Tanong/Panuto sa sarbey: Bakit mahilig kang kumain ng spaghetti/cake?

a)

Ang tanong ay tama sapagkat inaalam nito ang dahilan kung bakit pinili ng kalahok ang tugon.

b)

Ang tanong ay mali sapagkat hindi agad makukuha ng isaktong bilang ng preperensiya ng kalahok

c)

Ang tanong ay mali sapagkat wala namang kaugnayan ang dalawang pinagpipilian.

d)

Ang tanong ay tama sapagkat parehong pagkain ang nasa pagpipilian.

30.

Gamitin ang kaalaman upang mapili ang tamang paliwanag kung tama o mali ang uri ng tanong sa sarbey batay sa layunin nito.

Layunin ng Sarbey: Makuha ang edad ng mga komyuter na sumasakay ng jeep,tren,at motorsiklo papuntang trabaho.

Tanong/Panuto sa Sarbey: Piliin ang edad kung saan ka nabibilang [Drop down menu].

Alin sa mga sumusunod ang iyong sinasakyan papuntang trabaho? Pumili lamang ng isa batay sa dalas mong sakyan [Drop Down menu]

a)

Ang tanong ay mali sapagkat maraming pinagpipilian at maaaring malito ang kalahok.

b)

Ang tanong ay mali sapagkat dapat na isa lamang ito.

c)

Ang tanong ay tama sapagkat lahat ng pagpipilian ay saksakyan

d)

Ang tanong ay tama sapagkat nakahanay ang mga tanong sa layunin at malinaw ang panuto.