wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Bahagi ng Pahayagan

Total questions: 22

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Hilig ng pamilya ni Jack ang pamamasyal, sa Pilipinas man o sa ibang bansa. Madalas silang nagbabasa ng __________ sa pahayagan upang malaman kung mayroong bagong pasyalan na maaari nilang puntahan.

a)

Ulo ng Balita

b)

Lathalain

c)

Isports Balita

2.

Maliban sa pamamasyal, malaki rin ang paghanga ng pamilya ni Jack sa kampong Azkals na nagrerepresenta sa Pilipinas sa larong football. Ayon sa __________ ito ay nagsimula noong 2020.

a)

Ulo ng Balita

b)

Lathalain

c)

Isports Balita

3.

Katatapos pa lamang sa pag-aaral ni Jack, at gusto niya na agad makahanap ng trabaho kaya kinuha niya ang pahayagan at binuksan ito sa bahagi ng __________.

a)

Lathalain

b)

Komiks at iba pa

c)

Patalastas

4.

Ekonomiya ng Pilipinas, unti-unting tumataas’ masayang-masaya si Jack nang mabasa ang ___________ na ito na hudyat nang muling pag-unlad ng buhay ng mga Pilipino.

a)

Patalastas

b)

Ulo ng Balita

c)

Komiks at iba pa

5.

Habang naghihintay sa kaniyang tatay, binasa muna ni Jack sa ___________ ang kaniyang horoskopyo ngayong araw, ayon dito, siya ay papalarin sa linggong ito.

a)

Komiks at iba pa

b)

Patalastas

c)

Isports Balita

6.

Planong panoorin ng pamilya Santos ang Doctor Strange in the Multiverse of Madness sa sinehan. Ito ay nakita nila sa bahaging ___________ ng pahayagan. 

a)

Ulat-Panahon

b)

Obituaryo

c)

Movie Guide

7.

Ayon sa ___________ ng pahayagan, kapag nagpatuloy ang mababang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, babalik ang mataas na ekonomiya ng bansa. Ang sinehan at ibang negosyo ay muling magbubukas.

a)

Business Section

b)

Obituaryo

c)

Ulat-Panahon

8.

Nararamdaman na ngayon ang kaunting init ng panahon, batay sa ___________ nalalapit na ang pagpasok ng panahon ng tag-init sa Pilipinas. 

a)

Ulat-Panahon

b)

Business Section

c)

Movie Guide

9.

Ang isa sa mga kakilala ni Luisa ay namatay dahil sa aksidente. Kasalukuyan itong nakaburol sa St. Peter's Chapel na kaniyang nabasa sa ____________ ng pahayagan.

a)

Business Section

b)

Ulat-Panahon

c)

Obituaryo

10.

Nabasa ni Ronnie sa ____________ ang bagong palabas sa telebisyon ngayon na Mano po Legacy: The Family Fortune, panonoorin nila ito mamaya pagkatapos ng mga takdang-aralin.

a)

Obituaryo

b)

TV Guide

c)

Ulat-Panahon

11.

"Presyo ng bigas tumaas sa ilang pamilihan", kaagad na sinabi ni Maria sa tatay ang ____________ na kaniyang nabasa sa unang pahina ng pahayagan.

a)

Ulo ng Balita

b)

Komiks at iba pa

c)

Isports Balita

12.

Nasira ang makinang ginagamit ng tatay ni Maria sa pagsasaka, madali siyang tumingin sa __________ ng pahayagan ng mga serbisyong maaaring gumawa nito. 

a)

Komiks at iba pa

b)

Patalastas

c)

Lathalain

13.

Nais ni Maria maging mahusay na manunulat sa iba’t ibang paksa, ayon sa kaniyang mga karanasan. Isa sa mga tinitingnan niya ay ang __________ kung saan mababasa ang mga akdang tungkol sa pagluluto, pamamasyal, at kalikasan.  

a)

Isports Balita

b)

Lathalain

c)

Komiks at iba pa

14.

Saglit munang nagpahinga ang mag-ama sa ginagawa, nagbasa sila  ng nakatutuwang ________,  pati na ang mga balitang pang-artista, habang umiinom ng mainit na kape.

a)

Ulo ng Balita

b)

Patalastas

c)

Komiks at iba pa

15.

Pumunta rin sila sa ____________ upang malaman ang kasalukuyang iskor ni Eugene Torre sa larong chess

a)

Isports Balita

b)

Komiks at iba pa

c)

Patalastas

16.

"OFW, pwede nang pumasok sa Taiwan simula sa Pebrero 15," napangiti si Ate Sofia nang mabasa ang  ______________ ito sa pahayagan. 

a)

Ulo ng Balita

b)

Ulat Panahon

c)

Isports Balita

17.

Natanggap kasi siya sa trabaho roon bilang isang Nurse, masuwerte siyang nakita ito sa ______________ ng pahayagan. 

a)

Movie Guide

b)

Patalastas

c)

Komiks at iba pa

18.

Nag-schedule na si Ate Sofia ng kaniyang flight papuntang Taiwan sa buwan ng Abril, ayon kasi ______________ ng pahayagan, ay magiging maganda ang panahon sa buong buwan na ito. 

a)

Ulo ng Balita

b)

Ulat Panahon

c)

Isports Balita

19.

Bago umalis, mamamasyal muna silang buong pamilya sa Coron, Palawan. Maganda ang lugar na iyon para sa pamilya, nalaman niya ito dahil sa ______________. 

a)

Business Section

b)

Obituaryo

c)

Lathalain

20.

Batay sa ______________ maaaring ipalit ang isang New Taiwan dollar sa halagang 1.85 pesos

a)

Business Section

b)

Obituaryo

c)

Lathalain

21.

Dahil malapit na ang araw ng pag-alis ni Sofia, palaging na silang naghahanap sa ______________ ng pahayagan ng palabas na maaaring mapanood sa sinehan. Ito ang kanilang bonding tuwing Linggo. 

a)

Movie Guide

b)

TV Guide

c)

Business Section

22.

Bago matulog, binabasa niya muna ang ______________, sa bahaging ito makikita rin ang mga balita tungkol sa artista, horoskopyo, at ilang mga palaisipan o crossword.

a)

Obituaryo

b)

Ulo ng Balita

c)

Komiks at iba pa