NEW
Font size
WorksheetsSUBUKIN
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Ang pagtatapos ng Masidlawin class ang una sa loob ng halos 100 taong kasaysayan ng PMA kung saan sarado ang pagtitipon sa publiko, kahit sa kanilang mga magulang at mahal sa buhay dahil ipinagbabawal ang "mass gatherings" ngayong may coronavirus disease (COVID-19).
Argumentatib
Deskriptib
Impormatib
Persuweysib
Imadyinin natin ang isang bata, tumatakbo sa kalsada, pipi siya, at tabingi ang mukha, pinagtatawanan ng ibang bata, kaya lagi siyang umiiyak at tumatakbo.
Argumentatib
Deskriptib
Impormatib
Persuweysib
Ngayon, tuluy-tuloy ang digital technology sa bansa. Lumalakas ang digital economy kaya dapat umarangkada rin ang digital taxation. Maganda ang hangarin ng panukala ni Salceda lalo ngayong nangangailangan ng pondo. Panahon na rin para sumabay ang digital economy ng bansa. Kaya lang, babalik ako sa punto ni Locsin. Bakit di unahin ang mga nasa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na kumakamal nang malaking pera sa pagsusugal?
Argumentatib
Deskriptib
Persuweysib
Prosidyural
Mga hakbang sa pagtatanim: Una, ihanda ng binhi o punlang gagamitin. Pangalawa, ihanda ng lupang pagtataniman o plotting. Ikatlo, itanim na ang binhi ng may 0.6 cm ang lalim. Ikaapat, siguraduhing may sapat na tubig at katamtamang sikat ng araw.
Argumentatib
Deskriptib
Persuweysib
Prosidyural
Ayon pa sa SWS, 16.7% ang nakaranas ng moderate hunger na tinatayang nasa 3.5 milyong pamilya samantalang nasa 2.8% o 699,000 pamilya ang nakaranas ng severe hunger
Deskriptib Impresyunistik
Obhektibo
Deskriptib Teknikal
Subhektibo
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng tekstong impormatib maliban sa:
Paglalahad ng totoong pangyayari o kasaysayan
Pag-uulat ng impormasyon
Pagpapaliwanag
Pagbibigay ng hakbang na kronolohikal
Naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong pangyayari, bagong paniniwala, at mga bagong impormasyon. Ang mga kaalaman ay nakaayos ng sekwensiyal at inilalahad nang buong linaw at kaisahan.
Argumentatib
Deskriptib
Impormatib
Persuweysib
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi wasto hinggil sa tekstong impormatib?
Iisa lamang ang sinusunod na estruktura ng mga tekstong impormatib.
Mahalaga ang malawak na bokabularyo ng mambabasa sa komprehensiyon ng mga tekstong impormatib.
Hindi sinasagot ng tekstong impormatib ang tanong na bakit.
Lahat ng nabanggit.
Nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang tao, lugar, at bagay. Madali itong makilala sapagkat ito ay tumutugon sa tanong na ano.
Argumentatib
Deskriptib
Impormatib
Persuweysib
Isang pamamaraan ang photo essay o paggamit ng larawan o litrato sa pagsasalaysay o paglalahad ng anomang bagay at pangyayari. Anong uri ng teksto ang photo essay?
Deskriptib
Impormatib
Persuweysib
Prosidyural
