Worksheets(Q3) 3-Panahon ng Renaissance
Total questions: 10
Worksheet time: 8mins
Saan nagsimula ang Renaissance?
Italya
Alemanya
Pransya
Inglatera
Ano ang tawag sa mga taong may kahusayan at talento sa iba’t ibang larangan noong panahon ng Renaissance?
Renaissance man
Renaissance genius
Renaissance idol
Renaissance hero
Sino ang ama ng humanismo?
Francesco Petrarch
Leonardo da Vinci
Martin Luther
Johannes Gutenberg
Bakit tinawag na panahon ng rebirth o muling pagkabuhay ang panahong Renaissance?
Muling nabuhay ang mga namatay na tao mula sa salot na Black Death
Muling nagkaroon ng interes sa mga ambag ng kabihasnang Griyego at Romano
Kumalat ang paniniwala tungkol sa reincarnation
Nagpasya ang nakararaming tao na magbagong buhay upang maging mas mabuting mga tao
Bakit sa Italya unang nagsimula ang Renaissance?
Ang kaunlaran ng mga lungsod ng Italya ay nagdala ng marangyang pamumuhay at pagtangkilik sa sining
Sa Italya matatagpuan ang marami sa mga ambag ng mga klasikong kabihasnan
Mas matalino ang mga tao sa Italya, kung kaya mas nauna ang panunumbalik ng kaalaman doon
Ang Italya ay sadyang mas sibilisado kaysa sa ibang bansa sa Europa dahil dito nagsimula ang kabihasnang Romano
Bakit naging malakas ang impluwensya ng sekularismo sa panahon ng Renaissance?
Naranasan ng mayayaman ang marangyang pamumuhay na taliwas sa simpleng pamumuhay ng mga relihiyoso
Nakita ng ilan na kinakailangan ng tagapagligtas na ipinapangako ng relihiyon upang mapabuti ang buhay
Hindi na naniniwala sa Diyos ang mga tao noong panahong iyon
Tumigil na sa pagpapalaganap ng relihiyon ang mga simbahan
Paano lumaganap ang impluwensya ng Renaissance mula sa Italya patungo sa ibang bahagi ng Europa?
Ang mga Italyano ay nagsilipatan sa iba’t ibang bahagi ng Europa
Nagkaroon ng pag-unlad ng ekonomiya sa ibang bahagi ng Europa
Malalayo ang mga paaralan kung saan napag-aralan ang tungkol sa kaalaman at pilosopiya mula sa Italya
Kumalat ang mga klasikong libro dahil sa paglilimbag
Alin sa mga sumusunod na impormasyon ang mali na ayon sa mga humanista, ang kasaysayan ay dulot ng mga gawain at kagustuhan ng tao, at ang mga tao mismo ay kabilang sa paghubog ng mga kaganapan sa kasaysayan. Ano ang ipinahihiwatig nito?
Ang mga tao ay walang dulot sa pagbuo ng kasaysayan
Ang kasaysayan ay hindi lamang dulot ng pagdaloy ng panahon
Ang kasaysayan ay hindi dulot ng isang Diyos na nagpapagalaw sa mga tao
Ang kasaysayan ay bunga ng gawain at kagustuhan ng mga tao
Ang Renaissance o ang panunumbalik ng kulturang klasiko ay nagsimula sa mga lungsod ng hilagang Italya na nakaranas ng pag-unlad ng ekonomiya. Ano ang ipinahihiwatig nito?
Mahalaga ang pag-unlad ng ekonomiya at pamumuhay ng tao sa pagyabong ng kultura
Mga mayayaman lamang ang makakaranas ng kultura
Ang kultura ay dulot lang ng kayamanan ng isang kabihasnan
Hindi maunlad ang ibang bahagi ng Europa kaya hindi nagsimula ang Renaissance sa mga bahaging iyon
Noong panahon ng Renaissance, ang indibiduwalismo na dala ng paniniwala sa sariling kakayahan na mapaunlad ang buhay ay nagdala din ng kumpiyansa sa pagpapahayag ng sariling personalidad at talento. Ano ang ipinahihiwatig nito?
Nagkaroon ng pagtitiwala sa sarili ang mga tao dulot ng pag-unlad ng kanilang buhay
Mahalaga ang talento at kahusayan noong panahong iyon
Naging mayabang ang mga tao noong panahong iyon dahil mayaman na sila
ng mga tao noon ay makasarili at hindi sila naniniwala na kailangan nila ng tulong
