Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

El Filibusterismo (Kabanata 1-10)

Total questions: 25

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pangalan ng ilog na dinaraanan ng Bapor Tabo?

a)

Ilog Cagayan

b)

Ilog Pasig

c)

Ilog Maynila

d)

Ilog Laguna

2.

Sino ang hindi sumang-ayon sa mungkahi ni Simoun na gamitin ang mga bilanggo upang mag-ayos ng Ilog dahil magsisimula ng Himagsikan?

a)

Donya Victorina

b)

Kapitan Basilio

c)

Don Custodio

d)

Padre Salvi

3.

Sino ang nagsalaysay ng Alamat ng Malapad na Batong Buhay?

a)

Kapitan ng Barko

b)

Don Custodio

c)

Padre Florentino

d)

Kapitan Basilio

4.

Ayon kay Padre Camorra, ang pag-inom ng maraming ________________ ang sanhi ng kawalang sigla ng mga tao.

a)

Palamig

b)

Kape

c)

Serbesa

d)

Tubig

5.

Si _______ ang Bise-Rector ng mga Prayle.

a)

Padre Camorra

b)

Padre Irene

c)

Padre Sybila

d)

Padre Salvi

6.

Anong katungkulan sa pamahalaan ang iniatang kay Kabesang Tales?

a)

Cabeza de Barangay

b)

Kagawad ng Barangay

c)

Kapitan ng Barangay

d)

Kalihim ng Barangay

7.

Inalagaan ni Kabesang Tales ang isang bahagi ng kagubatan at nang malapit na nitong anihin ang unang pananim ay biglang inangkin ng isang korporasyon at sinisingil siya ng ______ at pataas ng pataas kada taon.

a)

P35-45

b)

P30-40

c)

P20-30

d)

P15-25

8.

Ano ang dahilan ng pagkakulong at binugbog muli ang kutsero habang dala dala ang kalesa?

a)

Namatayan ng ilaw ang parol ng karitela.

b)

Naiwan ang sedula.

c)

Natamaan ng karitela ang isang ginoo.

d)

Nakipagsagutan ang kutsero sa gwardya sibil.

9.

Ano ang ibig sabihin ng "sedula"?

a)

Liham

b)

Kontrata

c)

Kasulatan ng Titulo ng Lupa

d)

Katunayan na ang tao ay nagbabayad ng buwis

10.

Siya ang anak ng mangangahoy na umampon kay Basilio.

a)

Kapitan Tiyago

b)

Tata Selo

c)

Kabesang Tales

d)

Tano

11.

Mayayaman ang nasa ibabaw ng kubyerta at nasa ilalim naman ang mahihirap. Anong kaisipan ang mabubuo kaugnay ng pahayag?

a)

Inihihiwalay ang mayaman sa mahihirap.

b)

Pinangingilagan ng mayayaman ang mahihirap.

c)

Ito ang hati ng tao sa lipunan.

d)

Hindi pagkakapantay ng estado ng buhay tao ng sa lipunan.

12.

Sino sa mga sumusunod na tauhan ang nasa ibabaw ng kubyerta na itinakwil ang pagka-Pilipino at may magaspang na pag-uugali?

a)

Kapitan Basilio

b)

Simoun

c)

Paulita Gomez

d)

Donya Victorina

13.

"Binungkal ko't tinamnan ang lupang ito, namatay at inilibing ang aking asawa't anak na dalaga sa pagtulong sa akin kaya't di ko maibibigay ang lupang ito kundi sa sino mang didilig muna rito ng kaniyang dugo at maglibing muna ng kaniyang asawa't mga anak"

Ang nagsasalita sa pahayag ay larawan ng isang ____________.

a)

mapanuksong tauhan

b)

makasariling tauhan

c)

tauhan na kayang ipaglaban ang kaniyang karapatan pantao

d)

tauhan na handa pumatay upang siya lalo ang makinabang

14.

Batay sa kasaysayan, noong Panahon ng Kastila ang gawain ng isang Kabesa de Barangay ay?

a)

Tagapamahala sa barangay

b)

Tagapaningil ng buwis

c)

Tagapayo ng gobernador

d)

Tagapamayapa sa barangay

15.

Kinaumagahan, wala na si Kabesang Tales, gayundin ang rebolber ni Simoun. Ang naroon ay ang agnos at ang sulat niya kay Simoun na humihingi ng tawad dahil sa kanyang pagnanakaw sa rebolber. Ayon sa sulat, sasama na siya sa mga tulisan. Noong gabing iyon kumalat ang balitang namatay ang prayleng tagapangasiwa ng lupa, ang bagong may-ari ng lupain ni Kabesang Tales at ang asawa nito.

Sa ikinikilos at iniisip ni Simoun, ito'y nangangahulugang?

a)

Nagtagumpay siya sa kanyang pakay na manuluyan sa bahay ni Tales.

b)

Nakabayad na siya ng utang na loob.

c)

Hindi na siya mapagkakamalan na rebelde.

d)

Hindi na siya sisingilin ni Kabesang Tales sa kanyang pakikipanuluyan.

16.

Anong paksa ang pinagtalunan nina Basilio at Simoun sa kagubatan?

a)

Wikang Kastila

b)

Wikang Ingles

c)

Wikang Pranses

d)

Wikang Katutubo

17.

Matapos ng nangyari kay Kabesang Tales, ano naman ang nangyari sa kalusugan ni Tandang Selo?

a)

nabingi

b)

nabulag

c)

napipi

d)

napilay

18.

Siya ang kasintahan ni Isagani.

a)

Paulita Rivera

b)

Paulita Reyes

c)

Paulita Gomez

d)

Paulita Guzman

19.

Si Basilio ay dumalaw sa ina sa gubat ng San Diego noong ____

a)

Disyembre 31

b)

Disyembre 25

c)

Disyembre 24

d)

Disyembre 20

20.

Ano ang pamagat ng Kabanata 6?

a)

Maligayang Pasko

b)

Si Basilio

c)

Noche Buena ng Isang Kutsero

d)

Si Simoun

21.

Kanino kinumpara ni Rizal ang mga tao sa San Diego ng maghugas sila ng kamay sa sinapit ng pamilya ni Kabesang Tales?

a)

Tandang Baciong Macunat

b)

Matusalem

c)

Alperes

22.

Noong pinag-aral si Basilio ni Don Santiago Delos Santos o kilala bilang si Kapitan Tiyago, bakit hindi naging maganda ang kaniyang karanasan mula sa paaralan?

a)

Palagi siya pinagkukwentuhan ng mga guro dahil sa kaniyang nakaraan.

b)

Hinihingan siya ng pera palagi ng kaniyang mga kaklaseng Mestizo.

c)

Pinagtatawanan siya ng mga kaklase sapagkat luma ang kaniyang damit at wala siyang saplot sa paa.

d)

Ayaw siya papasukin sa silid-aralan sapagkat palagi siyang nahuhuli sa klase.

23.

Sino ang anak ni Kabesang Tales na ipinadakip ng mga guwardiya sibil ngunit ipinagwalang bahala ito?

a)

Tino

b)

Tano

c)

Tune

d)

Tani

24.

Ang mga sumusunod na pahayag ay mga dahilan kung bakit hindi pinatay ni Simoun si Basilio upang pangalagaan ang kanyang lihim, maliban sa _____.

a)

Si Basilio ay katulad din niyang sawimpalad sa pamahalaan at simbahan.

b)

Kailangan ni Simoun ang kabataang tulad ni Basilio sa balak niyang paghihimagsik at sa kabataan ay si Basilio ang higit sa lahat na makauunawa kay Simoun.

c)

Tumatanaw ito ng utang na loob at walang-hanggang pasalamat dahil sa pagtulong nito mailibing ang kanyang ina.

d)

Tiwala siya kay Basilio dahil nais lang nito mamuhay ng mapayapa at walang sinasaktan na tao.

25.

Bakit hindi sang-ayon si Simoun sa nais ng grupo ni Basilio sa pagtatayo ng akademya sa wikang Kastila?

a)

dahil mahihirap lamang ang mga Pilipino

b)

sapagkat ito hakbang tungo sa pagtanggap sa mananakop

c)

hindi lalo lamang na pagtatawanan at aalipinin ang mga Pilipino

d)

dahil galit si Simoun sa mga mayayaman at mga prayle