NEW
Font size
Worksheets(Q3) 1- Pakikilahok at Bolunterismo
Total questions: 10
Worksheet time: 10mins
Ang mga sumusunod ay kahulugan ng pakikilahok maliban sa:
Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
Ang pakikilahok ay isang malayang pagpili . hindi maaaring pilitin o pwersahin ang tao upang isagawa ito.
Ang pakikilahok ay maaaring tawaging bayanihan , damayan, o kawanggawa.
Ang pakikilahok ay tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapwa.
Bakit mahalaga na dapat may kamalayan at pananagutan sa Pakikilahok?
Upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
Upang magampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan.
Upang maibahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng
kabutihang panlahat.
Upang maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan.
Ito ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at
paggalang mula sa kaniyang kapwa.
Bolunterismo
Pakikilahok
Dignidad
Pananagutan
Ang pakikilahok ay makakamit lamang kung kinikilala ng tao ang kanyang _________.
Pananagutan
Tungkulin
Dignidad
Karapatan
Alin sa mga sumusunod ang hindi benepisyo ng bolunterismo?
Nagkakaroon ang tao ng personal na paglago.
Nagkakaroon siya na makilalang higit ang sarili.
Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan.
Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at relasyon sa iba.
Sa Bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan. Ang pahayag na ito ay:
Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.
Mali, sapagkat ang hindimo pagtulong ay isang bagay na maaring makaapekto sa iyo.
Tama, sapagkat maari kang managot sa iyong konsensiya sapagkat hindi ka tumugon
sa pangangailangan ng iyong kapwa sa mga sandaling yaon.
Mali, sapagkat hindi maaring pilitin ang tao sa kanyang gagawin. Ito dapat ay
manggaling sa puso.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng bolunterismo?
Tuwing Sabado at Linggo ay tinuturan ni Karen ang mga batang hindi nakapag-aaral
sa kanilang lugar upang matutong bumasa at sumulat.
Si Jerick ay pumupunta sa bahay ampunan ng mga bata upang alagaan ang mga ito
tuwing bakasyon.
Tuwing eleksyon ay sinisigurado ni Rechelle na bumoto at piliing mabuti ang tunay na
karapat-dapat na mamuno.
Sumali si Darlyn sa paglilinis ng paligid sa kanilang barangay sapagkat nais niyang
makiisa sa layunin nitong mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng kaniyang mga
kapit-bahay.
Hindi nakalahok si Rico sa Oplan Linis ng kanilang barangay sapagkat inalagaan niya ang kanyang bunsong kapatid na maysakit ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis tingting at sako na paglalagyan ng basura. Ano kayang antas ng pakikilahok ang ipinakita ni Rico?
Impormasyon
Konsultasyon
Sama-samang Pagkilos
Pagsuporta
Ano-ano ang dapat Makita sa isang tao na nagsasagawa ng pakikilahok at
bolunterismo?
Pagmamahal, Malasakit at Talento
Panahon, Talento at Kayamanan
Talento, Panahon at Pagkakaisa
Kayamanan, Talento at Bayanihan
Ano ang makakamit ng ating lipunan kung ang bawat isa ay nagsasagawa ng kanilang taos pusong pakikilahok at bolunterismo?
Pagkakaisa
Kabutihang Panlahat
Pag-unlad
Naitataguyod ang Pananagutan
