Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO 6 Q3 M3 OPINYON O KATOTOHANAN

Total questions: 12

Worksheet time: 4mins

Name
Class
Date
1.

Basahing mabuti ang mga talata. Isa-isahin ang mga argumentong makikita

sa teksto. Piliin kung ito ay opinyon o katotohanan. Nakahanda ka na ba?

a)

Oo, Handa na ako!

b)

Hindi pa ako nakahanda :(

2.

Marami ang naghihirap sa buhay. Katunayan, may mga

pamilyang isang beses lang kung kumain sa maghapon. Maraming hindi malaman

kung saan nila kukunin ang susunod na kakainin.

a)

Katotohanan

b)

Opinyon

3.

Dahil sa kahirapan ng buhay kaya maraming nangyayaring

krimen. Ang kahirapan ang isa sa mga ugat kaya may nangyayaring pagnanakaw.

a)

Katotohanan

b)

Opinyon

4.

Kilala ang mga Pilipino sa galing sa musika. May mga mang-aawit

at manunugtog na Pilipino sa iba’t ibang panig ng daigdig, at marami sa kanila

ang naging tanyag at nagtagumpay.

a)

Opinyon

b)

Katotohanan

5.

Ayon sa mga manghuhula o psychic, malapit nang magunaw

ang mundo. Maraming senyales ang nangyayari sa ngayon gaya ng pagbaha,

paglindol ng malakas, paglaganap ng sakit, pagputok ng bulkan at pagkagutom ng maraming tao.

a)

Opinyon

b)

Katotohanan

6.

Talagang napakahusay ng Pilipino sa musika. Kahit dahon ng

halaman ay nagagawang instrumento, gaya ng ginawa ni Levi Celerio, na isang tunay na maestro sa musika.

a)

Opinyon

b)

Katotohanan

7.

Ang Pilipinas ay paunlad nang paunlad. Patunay nito ay ang dumaraming

kabuhayan sa buong bansa at ang mga magandang pagbabago.

a)

Katotohanan

b)

Opinyon

8.

Pinaparusahan na ng Panginoon ang mga tao sa kanilang kasalanan.

Nagpapadala Siya ng maraming kalamidad upang bawiin ang buhay ng nakararami. Hinahayaan niyang lumaganap ang mga sakit at pandemya para

maipamulat sa mga tao ang kanilang kasalanan.

a)

Katotohanan

b)

Opinyon

9.

Pinaparusahan na ng Panginoon ang mga tao sa kanilang kasalanan.

Nagpapadala Siya ng maraming kalamidad upang bawiin ang buhay ng nakararami. Hinahayaan niyang lumaganap ang mga sakit at pandemya para

maipamulat sa mga tao ang kanilang kasalanan.

a)

Katotohanan

b)

Opinyon

10.

Ayon sa kasaysayan, Si Hen. Douglas MacArthur ay umalis ng Pilipinas

upang pamunuan ang Southwestern Pacific noong Marso 17, 1942.

Ipinahayag niya sa kanyang pag-alis ang mga katagang “I shall return”.

a)

Katotohanan

b)

Opinyon

11.

Kung minsan ay nagiging tagapagwasak tayo ng kalikasan sa halip na

tagapangalaga. Kaya nararanasan na natin ang ganti ng kalikasan. Umiinit

na ang panahon dahil sa kawalan ng lilim ng mga puno at pagkasira ng

ozone layer.

a)

Katotohanan

b)

Opinyon

12.

Ayon sa mga nanay, ang karamihan ay hindi pa handa sa pagbukas ng

klase. Maraming mga magulang ang nag-aalinlangan na papag-aralin ang

kanilang mga anak dahil sa takot na mahawa ang mga ito ng COVID-19.

Ang iba naman ay hindi pa handa sa bagong modality ng pag-aaral dahil

wala silang gadget at internet connection.

a)

Katotohanan

b)

Opinyon