wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 9 - Review

Total questions: 25

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay isang sangay ng ekonomiks na nakatuon sa kabuuang kalagayan ng ekonomiya.

a)

Makroekonomiks

b)

Maykroekonomiks

2.

Sino ang kinikilala bilang "Ama ng Makroekonomiks?"

a)

Adam Smith

b)

John Maynard Keynes

3.

Dito nagmumula ang lahat ng gamit upang makagawa ang bahay-kalakal ng mga produkto at serbisyo.

a)

Pamilihan ng mga natapos na produkto

b)

Pamilihan ng mga salik ng produksyon

4.

Dito nagmumula ang lahat ng mga produkto na gumagamit ng mga salik ng produksyon.

a)

Sambahayan

b)

Bahay-kalakal

5.

Ito ang pokus o tuon ng ikaapat na modelo ng ekonomiya.

a)

Pamilihan ng panlabas na kalakal

b)

Pamahalaan

6.

Ito ang paglalaan ng salapi sa isang gawain na inaasahang magdaragdag ng kita paglaon.

a)

Puhunan

b)

Buwis

7.

Ito ay ang pangunahing sangay ng pamahalaan na nagsusulong at nagsasagawa ng mga plano upang maisakatuparan ang mga layuning pang-ekonomiko ng bansa.

a)

NEDA

b)

PSA

8.

Sinusukat nito ang kabuuang kita ng isang bansa, kasama ang kita ng mga mamamayan sa ibang bansa, ngunit hindi kabilang ang kita ng mga dayuhan sa loob ng bansa.

a)

Gross National Income

b)

Gross Domestic Product

9.

Ito ay ang pormulang ginagamit upang matuos ang Gross National Income (GNI) ?

a)

= C+G+I+ (X-M)

b)

= C+ G + I + (X-M) + NFIA

10.

Ito ay tumutukoy sa pagsukat sa pambansang kita na sumusuri sa halaga ng kita ng bawat mamamayan batay sa populasyon ng bansa.

a)

GDP/GNI Growth Rate

b)

GDP/GNI Per Capita Income

11.

Ito ay ang aktuwal na kitang natatanggap ng isang manggagawa o entreprenyur matapos ibawas ang lahat ng bayaring obligasyon sa pamahalaan.

a)

Monthly Income

b)

Disposable Income

12.

Ito ay ang salaping katumbas ng oras at kakayahan na inilaan ng isang manggagawa sa isang gawain.

a)

Sweldo

b)

Upa

13.

Ito ay ang salaping dumagdag mula sa pinuhunang kapital.

a)

Tubo

b)

Interes

14.

Ano ang pormula upang makuha ang Marginal Propensity to Save?

a)

ΔCΔY\frac{\Delta C}{\Delta Y}  

b)

ΔSΔY\frac{\Delta S}{\Delta Y}  

15.

Ito ay ang pinakamalalang antas ng implasyon na nakararanas ng 20% hanggang 100% na pagtaas ng presyo?

a)

Galloping Inflation

b)

Deflation

16.

Ito ay dulot ng pagtaas ng halaga ng mga salik ng produksyon.

a)

Structural Inflation

b)

Cost-push Inflation

17.

Ito ay isang sukatan ng kabuuang pagbabago ng mga presyo ng mga pangunahing produkto na binibili ng mga mamimili sa bansa.

a)

Producer Price Index

b)

Consumer Price Index

18.

Isang patakaran na may kaugnayan sa pagbubuwis at pagbabadyet ng pamahalaan sa pondo nito.

a)

Patakarang Piskal

b)

Patakarang Pananalapi

19.

Ito ay polisiyang ipinapatupad ng pamahalaan kung ang bansa ay nasa resesyon.

a)

Expansionary Fiscal Policy

b)

Contractionary Fiscal Policy

20.

Ito ay ang prinsipyo na ginagamit sa paraan ng pagbubuwis ng income tax sa Pilipinas?

a)

Proportional Taxation Principal

b)

Progressive Taxation Principal

21.

Ito ay gastusin ng pamahalaan na nakaalan para sa ahensiyang may kinalaman sa pagpapaunlad ng agrikltura, repormang agraryo, kalakalan, at industriya.

a)

Social Services

b)

Economic Services

22.

Ito ay gastusin ng pamahalaan na may kinalaman sa pagbibigay ng katarungan sa mga biktima ng krimen at panlabas na pakikipag-ugnayan ng bansa.

a)

Defense and Security Services

b)

General Public Services

23.

Ito ay ang patakaran ng pamahalaan na tumutukoy sa sirkulasyon ng salapi sa bansa.

a)

Patakarang Pananalapi

b)

Patakarang Piskal

24.

Ito ang tanging tagapamahala ng patakarang pananalapi na may karapatan na gumawa ng salapi at magpatatag ito.

a)

BIR

b)

BSP

25.

Ang kooperatiba, sanglaan at insurance company ay halimbawa ng ______.

a)

Institusyong Bangko

b)

Institusyong Hindi Bangko