NEW
Font size
WorksheetsAP9-QUARTER3-EXAM-REVIEWER-PART1
Total questions: 20
Worksheet time: 20mins
Ano ang tawag sa dayagram na naglalarawan sa ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya at ipinapakita kung paano tumtatanggap ng kita at gumagasta ang bawat sektor?
Datos pang-ekonomiya ng bansa
Paikot na daloy ng Pambansang Ekonomiya
Pambansang ugnayan ng mga sektor sa ekonomiya
Datos ng mga ugnayan ng sektor sa ekonomiya
Sa pananaw ng sambahayan, ang interes, renta at pasahod sa manggagawa ay pinagmumulan ng kita, ano naman ang mga ito sa pananaw ng bahay kalakal?
Bahagi ng produksiyon
Bahagi ng paglago ng produksiyon
Mga salik sa produksiyon
Mga gastusin sa produksiyon
Ang pag-aaral ng ekonomiya ay nahahati sa dalawang sangay na makroekonomiks at maykroekonomiks. Alin sa sumusunod ang di-kabilang sa pag-aaral ng makroekonomiks?
Implasyon
Pambansang Kita
Demand at Supply
Resesyon
Ang sektor sa salik ng produksyon na responsable sa pagsasama-sama ng mga kinakailangan sa produksyon upang makabuo ng mga produkto at serbisyo ay tinatawag na____________.
Bahay-kalakal
Sambahayan
Pamilihan ng salik ng produksiyon
Pamilihan ng kalakal at paglilingkod
Ang dinepositong Php100,000 ni Jordan sa bangko ay nagpapakita ng paglabas (outflow) ng salapi sa paikot na daloy ng ekonomiya. Ano ang nararapat na gawin upang pumasok (inflow) muli ang salapi sa paikot na daloy?
Magpataw ng mataas na interes upang makahikayat ng pag-iimpok.
Ipautang ng bangko ang idineposito upang magamit ng panibagong kapital sa negosyo.
Ibaba ang interes mula 10% patungong 5% upang madagdagan ang paggastos ng tao.
Magbigay ng insentibo sa mga depositor upang lumaki ang reserba ng mga bangko.
Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
Kita at gastusin ng pamahalaan
Kalakalan sa loob at labas ng bansa
Transaksiyon ng mga institusyong pampinansyal
Pangunahing gawain ng pamahalaan sa paikot na daloy ng ekonomiya ay mangolekta ng buwis sa bahay-kalakal at sambahayan. Ginagawa ito ng pamahalaan upang __________________.
gawing pondo sa mga proyektong hindi mapakinabangan ng mga mamamayan na nasasakupan nito.
gawing reserba ng bansa ang nakolektang buwis bilang paghahanda sa digmaan.
gamitin para sa kanilang pansariling interes.
ang nalikom na buwis ay makalikha ng mga pampublikong paglilingkod.
Ang Gross National Product (GNP) ay isang mahalagang panukat ng paglago ng ekonomiya ng isang bansa. Ano ang pinakawastong kahulugan ng GNP?
Sukat ng paglago ng ekonomiya sa isang taon.
Halaga ng mga produkto at serbisyong nagagawa ng bansa sa loob ng isang taon.
Dami ng produkto na nagawa sa loob ng bansa sa loob ng isang taon.
Kabuuang halaga ng mga produkto na nagawa ng pambansang ekonomiya sa loob ng isang taon.
Ano ang tawag sa sukatang pang-ekonomiya na tumutukoy sa produkto at serbisyong ginagawa sa loob ng bansa, kasama ang produksyon ng mga dayuhan?
Gross National Product
Net National Product
Gross Domestic Product
National Income
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pagkwenta ng GNP?
Remittance na ipinadala ng mga Overseas Filipino Workers.
Kita ng mga Pilipinong may negosyo sa bansa.
Mga negosyo na kabilang sa impormal na sektor.
Mga industriya sa loob ng bansa.
Si Louie, isang Chinese National ay nagtatrabaho sa kompanya na nasa Pilipinas. Saan kabilang ang kanyang kinita?
Sa Gross Domestic Product ng China dahil mamamayan siya nito.
Sa Gross National Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang
kanyang kita.
Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang
kanyang kita.
Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas at China dahil parehong
dito nagmula ang kanyang kita.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa implasyon na bunga ng demand-pull?
Sa pagdiriwang ng kapaskuhan, maraming pamilya ang bumibili ng panghandang pagkain sa Noche Buena
Tumataas ang presyo ng ng sardinas dahil sa nagtaas ang presyo ng lata na ginagamit sa paggawa nito
Iniutos ng pamahalaan na ipatupad ang pagtaas sa winimum wage sa mga manggagawa
Asahang magtaas ang presyo ng pandesal bunga ng pagtaas sa presyo ng harina sa pamilihan
Mahalaga ang pagsukat ng pambansang kita upang _________________.
matukoy ang kita ng impormal na sektor.
mabigyan ng wastong sahod ang mga manggagawa.
matuklasan ang presyo ng mga produkto at serbisyo.
malaman ang estado ng ekonomiya ng bansa
Ang karne ng manok ay nagkakahalaga ng ng Php100.00 bawat kilo noong nakaraang buwan. Ano ang presyo ng manok sa kasalukuyan kung ang antas ng implasyon ay umabot ng 5%?
95
100
105
110
Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsukat ng implasyon upang mapag-aralan ang pagbabago sa presyo ng mga produkto.
Market basket Index
Basket of goods
Peso purchasing power
Consumer Price Index
Anong ahensya ng pamahalaan ang nangunguna sa pagpaplano ng taunang pambansang badyet?
Kagawaran ng Pananalapi
Kagawaran ng Pagbabadyet at
Pamamahala
Kagawaran ng Agrikultura
Alin sa sumusunod ang tungkulin ng bangkong rural?
Dahil sa malaking kapital, ang mga bangkong ito ay nagpapautang para sa ibang layunin tulad ng pabahay at iba pa.
Itinatag ito upang mapabuti ang kalagayang pangkabuhayan sa kanayunan.
Pangunahing tungkulin nito na tustusan ng pondo ang programang pansakahan ng pamahalaan.
Layunin ng pamahalaan na lahat ng empleyado sa bansa ay mabigyan ng proteksyon lalo sa oras ng pangangailangan at sa panahon ng pagreretiro. Aling ahensya ng pamahalaan ang nagbibigay seguro sa mga kawani ng pribadong kompanya?
PAG-IBIG Fund
GSIS
Social Security System
Gustong bumawi ang mga magsasaka mula sa pagkalugi sa nakaraang tag- init. Alin sa mga sumusunod na bangko maaaring mangutang ang mga magsasaka ng kanilang puhunan?
Development Bank of the Philippines
Landbank of the Philippines
Commercial Banks
Rural Banks
Isang layunin ng patakarang pananalapi ng pamahalaan ay mahikayat ang mga negosyante na palakihin o magbukas pa ng bagong negosyo kaya naman ibinababa nito ang interest sa mga pautang sa mamumuhunan. Kung mangyayari ito, lilikha ito ng maraming ________________.
trabaho para sa mga Pilipino
pambayad sa utang
produktong bibilhin ng tao
kompetisyon sa mga negosyante
