wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Aral. Pan 10 - Paunang Pagtataya (Unang Markahan)

Total questions: 15

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Ano sa sumusunod ang hamon na umiiral sa iba't-ibang aspekto ng lipunan sa kasalukuyang panahon?

a)

isyung showbiz

b)

kontemporaryong isyu

c)

kasaysayan

d)

balita

2.

Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutugon sa mga katangian ng kontemporaryong isyu?

I. nagaganap sa nakaraan at kasalukuyang panahon

II. walang epekto sa lipunan o mamamayan

III. mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan

IV. nagaganap sa kasalukuyang panahon

a)

I, II at III

b)

I at IV

c)

III at IV

d)

I, II, III at IV

3.

Alin sa sumusunod ang isa sa mga batayan kung paanong nagiging isyu ang isang kaganapan?

a)

nilagay sa social media website

b)

kilalang tao ang mga kasangkot

c)

napag-uusapan at dahilan ng debate

d)

walang pumansin kaya nakalimutan na lamang

4.

Alin sa sumusunod na pahayag ang pinakaangkop na paglalarawan sa konsepto ng kontemporaryong isyu?

a)

Ito ay mga pangyayaring naganap sa nakaraang panahon at walang kaugnayan sa kasalukuyan.

b)

Ito ay isyu na pinag-uusapan sa kasalukuyang panahon

c)

Ito ay mga isyung may positibong epekto lamang at may malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao.

d)

Ito ay mga suliraning gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan sa kasalukuyang panahon

5.

Alin sa sumusunod na aspekto ng kontemporaryong isyu ang kinabibilangan ng usapin ng pandemya tulad ng COVID-19?

a)

isyung panlipunan

b)

isyung pangkapaligiran

c)

isyung pangkalusugan

d)

isyung pangkalakalan

6.

Alin sa sumusunod na termino ang hindi kabilang sa pangkat?

a)

magazine

b)

journal

c)

internet

d)

lathalain

7.

Alin sa sumusunod ang nagsasaad ng mabuting epekto ng kamalayan sa kontemporaryong isyu?

I. Nagbibigay-daan ito sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan

II. Napauunlad rin ang koneksyon ng "sarili" sa lipunan

III. Nagiging higiht na malawak ang pundasyon ng kaalaman

IV. Nabibigyang-halaga ang paggalang sa iba't-ibang paniniwala

a)

I, II at III

b)

I

c)

I,II,III at IV

d)

I at II

8.

Alin sa sumusunod ang kasanayan na dapat taglayin sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu?

I. nahihinuha ang katotohanan at opinyon

II. hindi nagpapahayag ng kabutihan at di-kabutihan ng isang bagay

III. pagtukoy sa mga sanggunian

IV. pagbuo ng opinyon at ugnayan

a)

I

b)

I at II

c)

I, III at IV

d)

II at III

9.

Ito ay mahahalagang pangyayari sa loob ng bansa na may malawakang epekto sa iba't-ibang sektor ng lipunan tulad ng pamilya, simbahan, pamahalaan at sa paaralan.

a)

isyung pangkalusugan

b)

isyung pangkalakalan

c)

isyung panlipunan

d)

isyung pangkapaligiran

10.

Ito ay mga isyu na may kinalaman sa kapaligiran at pangkalahatang kaligtasan ng mamamayan.

a)

isyung pangkalusugan

b)

isyung pangkalakalan

c)

isyung panglipunan

d)

isyung pangkapaligiran

11.

Ito ang mga hamong may kinalaman sa globalisasyon at kalakalan

a)

isyung pangkapaligiran

b)

isyung pangkalakalan

c)

isyung panlipunan

d)

isyung pangkapaligiran

12.

Bakit mahalagang magkaroon ang mga mag-aaral ng malawak na kaalaman sa mga isyu at hamong panlipunan?

I. upang maunawaan ang mga sanhi at bunga nito sa lipunan

II. upang maging aktibong bahagi ng mga programa at polisiya

III. upang makamit ang ganap na transpormasyon ng tao lamang.

IV. upang maunawaan na pili lamang ang dapat makibahagi sa pagpapaunlad ng bansa

a)

I, III at IV

b)

I at III

c)

II at IV

d)

I at II

13.

Ang isang isyu ay maaaring pag-aralan sa pamamagitan ng pagsusuri ng ilang bahagi nito. Alin sa sumusunod ang kabilang dito?

I. uri II. sanggunian III. kahalagahan IV. epekto

a)

I, II at III

b)

I at III

c)

I at IV

d)

I, II, III at IV

14.

Sa pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu, nalilinang ang pagiging mabuting mamamayan. Alin-alin sa sumusunod na pahayag ang sakop nito?

I. aktibong pagganap sa mga gawain

II. damdaming makabayan

III. koneksyon ng lipunan sa sarili

IV. Kakayahan sa pagsisiyat at pagsusuri

a)

I

b)

I at II

c)

I, II at III

d)

I, II, III at IV

15.

Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mabuting epekto ng pagkakaroon ng kamalayan ng mga mag-aaral sa mga kontemporaryong isyu?

a)

ang pagsasagawa ng hakbang ng mga mag-aaral na pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa mamamayan

b)

ang pagiging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling komunidad

c)

ang pagiging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan

d)

ang pag-iwas na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan