wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Paglalagom

Total questions: 10

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay pinasimple o pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda.

a)

A. Abstrak

b)

Bionote

c)

Sinopsis

d)

Paglalagom

2.

Mahilig manood ng iba’t ibang pelikula si Kyle, nais niyang gawan ito ng buod at i-post sa social media upang mabigyan ng ideya ang ibang nais manood ng mga pelikulang ito? Anong uri ng lagom ang puwede niyang gawin?

a)

Abstrak

b)

Bionote

c)

Sinopsis

d)

Paglalagom

3.

Ito ay uri ng paglalagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabula, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan.

a)

Abstrak

b)

Bionote

c)

Sinopsis

d)

Paglalagom

4.

Ang nobela ay akdang maaaring gawan ng lagom. Anong uri ng lagom ang dapat isagawa rito?

a)

Abstrak

b)

Bionote

c)

Sinopsis

d)

Paglalagom

5.

Sa pagsulat ng sinopsis, dapat na ibatay ito sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi. Nangangahulugan lamang ito na______?

a)

dapat maramdaman ng mambabasa ang totoong damdaming naghahari mula sa akda.

b)

dapat maisulat ang mga pangunahing tauhan at kanilang mga gampanin.

c)

suriin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.

d)

pagtatala ng mga kaisipan habang nagbabasa.

6.

Sa pagsulat ng paglalagom na sinopsis, mahalagang maibuod ang nilalaman ng akda gamit ang_____?

a)

sariling salita

b)

salita ng awtor

c)

salita ng kahit sino

d)

salita ng awtor at sariling salita

7.

Alin sa mga sumusunod ang unang dapat gawin sa pagsulat ng sinopsis o buod?

a)

A. pagbuo ng balangkas

b)

Pagbasa sa buong seleksiyon o akda

c)

Paghahanay ng ideya ayon sa orihinal

d)

Pagsusuri ng pangunahin at di pangunahing kaisipan

8.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga hakbang sa pagsulat ng paglalagom na sinopsis?

a)

Basahin ang buong seleksiyon o akda.

b)

Habang nagbabasa, magtala o magbalangkas.

c)

Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon.

d)

Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan

9.

Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng sinopsis o buod?

a)

Para mapadali ang pagbasa ng isang pananaliksik.

b)

Para makasunod sa pagbabago ng lipunan.

c)

Para maayos na maipakilala ang sarili sa social network.

d)

Para makapagpahayag nang mabisa sa simple at maikling raan.

10.

Sa pagsulat ng sinopsis, huwag kalimutang isulat ang _________ na ginamit kung saan hinango ang orihinal na sipi ng akda.

a)

sanggunian

b)

awtor

c)

aklat

d)

lagom