WorksheetsA.P 1 REVIEW FOR THIRD SUMMATIVE TEST PART 1
Total questions: 25
Worksheet time: 28mins
1. Ano ang ating pambansang puno?
Anahaw
Acacia
Mahogany
Narra
2. Ano ang ating pambansang dahon?
Oregano
Anahaw
Malunggay
Lagundi
3. Ano ang pambansang ibon ng Pilipinas?
Kalapati
Kuwago
Agila
Maya
PILIIN KUNG TAMA O MALI.
4. Kapag ang asul na bahagi ng watawat ay nasa itaas, nangangahulugang ito na ang ating bansa ay nasa digmaan.
Tama
Mali
PILIIN KUNG OO O HINDI.
5. Maaari ba tayong lumakad-lakad habang kinakanta ang pambansang awit?
Oo
Hindi
6. Tuloy pa rin sa paglalaro ang iyong kapwa mag-aaral habang inaawit ang "Lupang Hinirang" ano ang iyong gagawin?
Hayaan silang maglaro
Sumali sa kanilang paglalaro.
Sabihing huminto sa paglalaro at tumayo ng matuwid habang inaawit ang pambansang awit
Sabihing huminto sa paglalaro at kapag nakaalis na sila ay ikaw naman ang maglalaro.
7. May kapitbahay Kang nag-aalaga ng Agila sa kanilang bakuran, ano ang iyong gagawin?
Ipagbigay alam ito sa mga kinaukulan upang maibalik Ito sa gubat.
Maghuli ng maraming sisiw upang ipakain sa agila.
Batuhin ito upang lumipad.
Kukunin ito at ikaw na ang mag-aalaga.
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang MALI tungkol sa pambansang sagisag ng Pilipinas
Ang Pambansang Sagisag ay kumakatawan sa ating pagka pilipino.
Ang Pambansang sagisag ng sumisimbolo sa katangian ng mga Pilipino
Ang Pambansang sagisag ng Pilipinas ay kumakatawan sa tradisyon, paniniwala at kultura nito.
Ang Pambansang sagisag ay walang naidudulot na mabuti sa pagkakakilanlan nating mga Pilipino
Bakit natin dapat pahalagahan ang mga Pambansang sagisag?
Dahil lagi itong tinatanong sa paaralan.
Dahil marami dumarayong bisita galing ibang bansa sa Pilipinas.
Dahil sa mga simbolong ito nakikilala ang mga Pilipino sa magaganda nitong katangian
Dahil ito ang itinuturo ng mga guro sa paaralan.
10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa ating pambansang sagisag?
Ikinakahiya ang paggamit at pagbili ng mga lokal na produkto.
Nagbabahagi ng kaalaman tungkol sa pagkakakilanlan nating mga Pilipino
Hindi dumadalo sa mga Virtual Flag Ceremony.
Hindi kinikilalang si Dr. Jose P. Rizal ang Pambansang bayani ng bansa.
11. Ano ang sinisimbolo ng ating Pambansang Ibon?
Ipinapakita nito ang katapangan at kalayaan ng mga Pilipino.
Ipinapakita nito ang kalinisan ng mga Pilipino.
Ipinapakita nito ang pagiging matatag ng mga Pilipino.
Ipinapakita nito ang Kalayaan ng mga Pilipino.
12. Ano naman ang sinisimbolo ng Pambansang Hayop ng Pilipinas?
Ipinakikita nito ang katapangan ng mga Pilipino.
ipinakikita nito ang pagiging masipag at maaasahan na katangian ng mga Pilipino.
ipinakikita nito ang pagkakaroon ng malinis na hangarin ng mga Pilipino.
Ipinakikita nito ang pagkakaroon ng kapayapaan at katahimikan sa paligid.
13. Ano naman ang sinisimbolo ng Pambansang puno ng Pilipinas?
Ito ay nagpapakita ng pagiging matatag ng mga Pilipino.
Ito ay nagpapakita ng katapatan ng mga Pilipino.
Ito ay nagpapakita ng pagiging masipag o masikap ng mga Pilipino.
Ito ay nagpapakita ng pagkakaroon ng kalayaan ng mga Pilipino.
14. Ano naman ang sinisimbolo ng Pambansang bulaklak ng Pilipinas?
Ito ay nagpapakita ng pagiging matatag ng mga Pilipino.
Ito ay nagpapakita ng katapatan ng mga Pilipino.
Ito ay nagpapakita ng Katapangan ng mga Pilipino.
Ito ay nagpapakita ng pagkakaroon ng malinis na hangarin ng mga Pilipino.
15. Alin sa mga nasa larawan ang ating pambansang hiyas?
16. Ano ang pambansang pagkain ng pilipinas?
inihaw na manok
litsong baboy
fried chicken
hotdog
17. Alin sa mga ito ang pambansang kasuotan ng kababaihan at kalalakihan sa Pilipinas
18. Ano ang ating pambansang sasakyan?
19. Ano ang pambansang Tirahan sa Pilipinas?
Kweba
Bangka
Bahay Kubo
Bahay na bato
20. Alin sa mga sumusunod na lugar ang kinakatawan ng tatlong bituin na nakalagay sa watawat ng Pilipinas?
Luzon, Visayas, at Mindanao
Maynila, Luzon at Visayas
Palawan, Visayas at Mindanao
Luzon, Visayas at Mindoro
PILIIN KUNG TAMA O MALI.
21. Lima ang kulay ng ating watawat
Tama
Mali
PILIIN KUNG TAMA O MALI.
22. Sinisimbolo ng hugis tatsulok sa watawat ng Pilipinas ang tatlong malalaking pangkat ng mga pulo na bumubuo dito.
TAMA
MALI
23. PILIIN KUNG TAMA O MALI.
Ang ''PAGIGING MAKADIYOS, MAKATAO, MAKAKALIKASAN AT MAKABANSA'' ay ang pambansang kasabihan/ motto sa Pilipinas.
TAMA
MALI
PILIIN KUNG TAMA O MALI.
24. Kulay dilaw ang isang mangga kung ito ay hilaw pa.
TAMA
MALI
PILIIN KUNG TAMA O MALI.
25. Karaniwang itim ang kulay ng kalabaw.
TAMA
MALI
