wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo

Total questions: 10

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa sumusunod ang kauna-unahang bansang Europeo na naglunsad ng eksplorasyon sa mga kalupaan at karagatan sa Silangan?

a)

Netherlands           

b)

Portugal   

c)

Spain

d)

United Kingdom

2.

Sa panahon ng kolonyalismo, naghanap ng mga manggangalugad ng mga pampalasa sa Asya. Alin sa sumusunod ang itinuturing na "Isla ng mga Pampalasa?

a)

Java                          

b)

Moluccas  

c)

Sulawesi  

d)

Sumatra

3.

Higit na nakatulong sa mga manlalayag dahil sa pagkakatuklas ng instrumentong pandagat. Ano ang mga instrumentong ito na sumusukat sa taas ng bituin at tamang direksiyon?

a)

astrolabe at compass                 

b)

GPS at Echo sounder

c)

  wavelength at radio transmitter

d)

Electronic chart at Radar monitor

4.

Sino ang itinuturing na tagapagtaguyod ng mga paglalayag sa pamamagitan ng pag-aanyaya ng mga mandaragat, tagagawa ng mapa, matematesisyan at astologo na mag-aaral ng siyensiya ng nabigasyon?

a)

Haring Juan                                  

b)

Prinsipe Henry

c)

  Reyna Elizabeth

d)

Prinsipe Juan II

5.

  Alin sa mga salik ang HINDI nagbunsod sa paglulunsad ng unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo?

a)

Umusbong ang gitnang uri o middle class mula sa mga taong nakilahok sa kalakalan.

b)

Naghanap ang mga Europeo ng mga bagong produktong pangkalakal, hilaw na sangkap at mga pampalasa sa pagkain.

c)

Nakaimbento o nakatuklas ang mga Europeo ng kagamitang makatutulong sa pagpapadali at pagpapabilis ng  paglalakbay sa karagatan.

d)

Naakit ang maraming Europeo sa kwento ng mga kabalyerong lumahok sa mga Krusada tungkol sa pamumuhay at kultura sa mga lupain sa labas ng Europa, partikular na sa Ehipto at Gitnang Silangan.

6.

Ano ang katangian ang ipinakita ng mga manlalayag dahil sa kabila ng panganib sa dagat ay nagpapatuloy pa rin sila hanggat may matuklasang kalupaan sa ibayong-dagat?

a)

     disiplinado                 

b)

mapagtimpi 

c)

matalino    

d)

matiisin

7.

Kung ikaw ay manlalayag na Portuguese, bakit ang Portugal ang nanguna sa paghahanap ng mga spices at ginto?

a)

dahil mas magaling ang mga Portuguese sa paglalayag

b)

dahil mas mayaman ang mga Portugal kaysa sa Espanya

c)

dahil sa husay ng paggawa ng malalaking barko na maaaraing gamiting paglalayag

d)

dahil pinangunahan ni Prinsipe Henry the Navigator ang tagapagtaguyod ng paglalayag

8.

Bago pa man lumaganap ang unang yugto ng kolonyalismo , mahalaga na ang spices sa Europa. Alin sa sumusunod ang HINDI maituturing na gamit ng spices o pampalasa sa panahong yaon?

a)

bilang pampamlasa sa mga pagkain

b)

upang mapreserba ang mga karne

c)

ginagamit para sa mga pabango, kosmetiks at medesina

d)

bilang gamit sa pag-eeksperimento ng mga halaman-gamot

9.

Ang eksplorasyon ay nagbigay-daan sa kolonyalismo o ang pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga itinuturing na motibo para sa kolonyalismong dulot ng eksplorasyon?

a)

paghahanap ng kayamanan

b)

pagpapalaganap ng Kristiyanismo

c)

   paghahangad ng katanyagan at karangalan

d)

pagtuklas ng mga lupain at pagtatag ng kabisera ng kalakal

10.

Ano ang kahalagahang ginampanan ng mga tala ni Marco Polo sa unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Asya?

a)

Nagsimula na maghanap ng mga bagong ruta patungo sa kayamanan ng Asya.

b)

Natuklasan ang mga kagamitang paglalayag na sadyang nakatulong para sa mga manlalayag.

c)

Nalinang ang paggamit ng mas komprehensibong teknolohiya sa paglalayag at pagtuklas ng mga lupain sa Asya.

d)

Napukaw ang kanilang paghahangad ng mga Europeo na marating ito dahil sa paglalarawan dito bilang mayayamang lugar.