Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Axe and Yosef AP Reviewer

Total questions: 33

Worksheet time: 17mins

Name
Class
Date
1.

Ito ang uri ng pamahalaan na mayroon ang Pilipinas.

a)

Demokratiko

b)

Diktaturya

c)

Monarkiya

d)

Parliamentary

2.

Ito ang sangay na kilala bilang tagapaganap ng mga batas.

a)

Ehekutibo

b)

Hudisyal

c)

Lehislatibo

3.

Ito ang sangay na kilala bilang tagagawa ng mga batas.

a)

Ehekutibo

b)

Hudisyal

c)

Lehislatibo

4.

Siya ang namumuno sa ehekutibong sangay ng pamahalaan.

a)

Pangulo

b)

Senador

c)

Kongresista

d)

Husgado

5.

Ito ang pinakamataas na korte sa hudisyal na sangay ng pamahalaan.

a)

Court of Appeals

b)

Metropolitan Trial Court

c)

Regional Trial Court

d)

Supreme Court

6.

Ito ang sangay ng pamahalaan na kinabibilangan ng mga senador at kongresista.

a)

Ehekutibo

b)

Hudisyal

c)

Lehislatibo

7.

Sino ang namumuno sa isang lungsod?

a)

punong mahistrado

b)

punong barangay

c)

gobernador

d)

alkalde

8.

Ilan ang Senador sa Pilipinas?

a)

22

b)

23

c)

24

d)

25

9.

Ano ang bumubuo sa lehislatibo?

a)

alkalde, at punong mahistrado at mga hukom

b)

mahistrado at mga hukom

c)

pangulo at pangalawang pangulo

d)

mga senador at mga kinatawan

10.

Ito ay binubuo ng iba’t-ibang sangay na may kapangyarihang gumawa at magpatupad ng batas sa isang nasasakupang teritoryo.

a)

Bansa

b)

Estado

c)

Pamahalaan

d)

Saligang Batas

11.

Ang pamahalaan ng Pilipinas ay may dalawang sangay lamang.

a)

Tama

b)

Mali

12.

Ayon sa Artikulo 7, Seksiyon 2 at 3 ng Saligang Batas 1987 anong edad ang kailangan bago tumakbo o kumandidato bilang pangulo o pangalawang pangulo ng Pilipinas?

a)

35

b)

40

c)

45

13.

Mataas na kapulungan sa Kongreso

a)

House of Representatives

b)

Senado

c)

Hukuman

d)

Korte Suprema

14.

Hukumang naglilitis sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan na nahaharap sa kasong katiwalian at korapsyon

a)

Sandiganbayan

b)

Korte Suprema

c)

Court of Appeals

d)

Trial Courts

15.

Sangay ng pamahalaan na nagbibigay interpretasyon sa mga batas na pinaiiral ng sangay na tagapagpaganap.

a)

Tagapaghukom

b)

Tagapagpaganap

c)

Tagapagbatas

d)

Ehekutibo

16.

Isa sa mga kuwalipikasyon para sa nagnanais maging Pangulo ng Pilipinas ay dapat nakababasa at nakasusulat.

a)

Tama

b)

Mali

17.

Ang mga Bill o Panukalang Batas ay mga batas na hinuhulma pa lamang.

a)

Tama

b)

Mali

18.

Ang pangulo ang pinakamataas na pinuno ng bansang Pilipinas.

a)

Tama

b)

Siguro

c)

Mali

d)

Lahat at Tama

19.

Paano pinipili ang isang namumuno sa Pilipinas?

a)

Ibinoboto ng mga nanalong pinuno.

b)

Ibinoboto ng mga mamamayan.

c)

Itinatalaga ng namumuno sa bansa.

d)

Paunahana sa upuan

20.

Ang termino ng pangulo ay may habang apat (4) na taon.

a)

Tama

b)

Mali

21.

May dalawang uri ng mambabatas sa Mababang Kapulungan, alin ang mga ito?

a)

pandistrito o district represetative

b)

senador o senate

c)

pansektor o party-list

d)

gabinete

22.

Ito ang uri ng pamahalaan kung saan iisa lamang ang namumuno. Maaaring ang pinuno ay hari, reyna, sultan o emperador

a)

Monarkiya

b)

Oligarkiya

c)

Aristokrasya

d)

Demokrasya

23.

Ito ay uri ng pamahalaan na pinamumunuan ng iilang mabubuti at pinakamahuhusay na tao.

a)

Monarkiya

b)

Oligarkiya

c)

Aristokrasya

d)

Demokrasya

24.

Ang kabaliktaran nng Aristokrasya kung saan ang iilang namumuno ay pawang mayayayaman lamang.

a)

Monarkiya

b)

Oligarkiya

c)

Aristokrasya

d)

Demokrasya

25.

Ito ay uri ng pamahalaan na pinamumunuan ng mga mamamayan o mga tao.

a)

Monarkiya

b)

Oligarkiya

c)

Aristokrasya

d)

Demokrasya

26.

Uri ng Demokrasya kung saan ang mga mamamayan ay pumipili o naghahalal ng mga kakatawan sa kanila. Ang mga nahalal na ito ang siyang magpapasya para sa mga tao

a)

Direct democracy

b)

Representative democracy

27.

Uri ng Demokrasya kung saan ang mga mamamayan ang direktang may kontrol sa pamahalaan. Ang kapangyarihan sa paggawa at pagdedesisyon ay ayon sa kagustuhan ng mga mamamayan

a)

Direct democracy

b)

Representative democracy

28.

ito ang uri ng monarkiya kung saan ang lahat ng kapangyarihan ay nasa iisang pinuno lamang.

a)

Absolute monarchy

b)

Limited monarchy

29.

ito ang uri ng monarkiya kung saan ang kapangyarihan ng pinuno ay may hangganan o limitasyon. Sa pagkakataong ito ang kapangyarihan ng hari, reyna, sultan, o emperador ay nalilimitahan ng konstitusiyon

a)

Absolute monarchy

b)

Limited monarchy

30.

Ang ikatlong klasipikasyon ng pamahalaan ay ayon sa pagkilala ng pandaigdigang komunidad o international community. Dalawa ang uri nito:

a)

de jure

b)

de facto

c)

compacto

31.

ito ang uri ng pamahalaan na legal naitatag sa paraan na alinsunod sa konstitusyon o saligang batas ng bansa

a)

de jure

b)

de facto

32.

ito naman ang uri ng pamahalaan na naitatag sa pamamagitan ng paraan na ‘di alinsunod sa konstitusyon. Upang maitatag ang ganitong uri ng pamahalaan, maaaring gumamit ng puwersa o dahas. Ang military junta at pagpapatalsik sa katungkulan ng mga mamamayan sa nanunungkulan katulad ng “people power” ay ilan sa paraan ng ganitong uri ng pamahalaan.

a)

de jure

b)

de facto

33.

Ang mga ________ ang kumakatawan sa Pangulo sa pagpapatupad, gamit ang basbas nito, ng mga kapangyarihan ng presidente sa kani-kaniyang kagawaran.

a)

Kalihim ng Gabinete

b)

Senador

c)

Kongreso