WorksheetsReview Recitation para sa Ikatlong Markahan AP 10
Total questions: 25
Worksheet time: 50mins
Ito ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki. Ito rin ay maaaring tumutukoy sa gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay reproduksyon ng tao.
Sex
Gender
Feminine
Masculine
Sila ang mga tao na nakararamdam na sila ay nabubuhay sa maling katawan, ang kanilang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma.
Bisexual
Gay
Lesbian
Transgender
Kung ikaw ay isang Barangay Kapitan sa inyong lugar at lingid na sa kaalaman mo na maraming LGBT sa iyong nasasakupang Barangay. Ano ang gagawin mo?
Tatawagan ko ang mga magulang nila para mapagsabihan.
Gagawa ako ng ordinansa na ipagbabawal ang pagiging LGBT.
Magpapatupad ako ng patakaran na di sila pwedeng sumali sa mga gawain ng Barangay.
Gagawa ako ng programa para sa kanila para mapaunlad nila ang kani-kanilang mga talento.
Tama o Mali. Ang mga asexual ay ang mga taong nakaramdam ng atrasksyon sa dalawang kasarian.
Tama
Mali
Tama o Mali. Ang mga gay ay isa sa mga bumubuo sa LGBT community.
Tama
Mali
Tama o Mali. Ang mga homosexual ay ang mga taong walang nararamdamang atraskyon
seksuwal sa anumang kasarian.
Tama
Mali
Mga lalaking nakararamdam ng atraskyon sa kapwa lalaki.
(a)
Isang tao na nakararamdam na siya ang nabubuhay sa maling katawan. Ang kanyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma.
(a)
Kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak kabilang ang personal napagtuturing niya sa sariling katawan (na maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos.
(a)
mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki
heterosexual
homosexual
bisexual
asexual
mga taong hindi pa tiyak o hindi pa sigurado ang kanilang sekswal na pagkakakilanlan
transgender
transexual
queer
asexual
isang indibidwal na taglay ang parehong pribadong ari (private part) o genetalia ng isang lalake o babae
(a)
Anong primitibong pangkat sa Papua New Guinea na ang babae at lalaki ay parehong maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak?
Abelian
Arapesh
Mundugumor
Tchambuli
Alin sa primitibong pangkat na ito, ang mga babae at lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente, at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat.
Abelian
Arapesh
Mundugumor
Tchambuli
Ano ang ibig ipahiwatig ng talahanayan sa ibaba?
Lalaki lamang ang pwedeng bumuto noong unang panahon.
Matagal natamasa ng mga kababaihan ang kanilang kalayaang bumuto.
Walang karapatang bumuto ang mga kababaihan noong unang
panahon.
Hindi pantay ang karapatan ng mga kalalakihan at kababaihan noong
unang panahon.
Sa kasaysayan ng Pilipinas, ipinapakita na ang asawang lalaki ang nagsisilbing haligi ng tahanan. Siya ang inaasahang bumuhay sa kanyang pamilya. Samatalang ang asawang babae naman ang nagsisilbing ilaw ng tahanan. Siya ang gumagawa sa gawaing bahay at nag-aaruga sa mga anak. Ano ang ibig ipahiwatig nito?
May karahasan na sa kababaihan at kalalakihan.
May diskriminasyon na sa kababaihan at kalalakihan.
May mataas na pagtingin sa mga kalalakihan kaysa sa kababaihan sa lipunan.
May nakatalaga ng papel na ginagampanan ang kalalakihan at kababaihan sa loob ng tahanan.
Sa anong dekada umusbong ang Philippine Gay Culture sa Pilipinas?
Dekada 50
Dekada 60
Dekada 70
Dekada 80
Ang Ladlad ay isang partido politikal na itinatag noong Setyembre 21, 2003? Sino ang nagtatag nito?
Danton Remoto
Neil Garcia
Reo Furtune
Anderson Cooper
Ang pinakamataas na uring timawa ay pagmamay-ari ng mga lalaki. Isa sa patunay nito ay ang pagkakaroon ng binukot at pagbibigay ng tinatawag na bigay-kaya. Sa anong kultura ito makikita ang pagkakaroon ng binukot?
Ifugao
Ivatan
Kalinga
Panay
Dumating ang mga Hapones sa Pilipinas noong pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang mga kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng kalalakihan sa paglaban sa mga hapones. Ano ang ipinapakita nito?
Ang mga babae ay magaling sa digmaan.
Kayang gawin ng babae ang ginagawa ng lalaki.
Pantay ang karapatan ng babae at lalaki tuwing digmaan lamang.
Nagpapakita ng pagmamahal sa bayan ang mga kababaihan noong panahon ng Hapones sa Pilipinas.
Ang Babaylan ay isang lider-ispirituwal na may tungkuling panrelihiyon at maihahalintulad sa mga sinaunang priestess at shaman.
Tama ang pahayag
Mali ang pahayag
Ang Female Genital Mutilation o FMG ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang benepisyong medikal.
Tama ang pahayag
Mali ang pahayag
Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination against Women. Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala din ito bilang The Women’s Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women. Bakit ito nalikha?
Para proteksyonan ang lahat ng tao.
Para proteksyonan ang mga kabataan.
Para proteksyonan ang mga kababaihan.
Para proteksyonan ang mga kababaihan at kabataan.
Sinasabi na ang layunin ng Magna Carta for Women ay itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao. Ano ang ibig ipahiwatig nito?
Ang karapatan ng kababaihan ay kabilang sa karapatang pantao.
Binibigyan ng malaking pagpapahalaga ang mga kababaihan sa lipunan.
Pantay-pantay ang karapatan ng lahat ng tao kahit ano man ang kanyang kasarian.
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa pag-unlad ng lipunan.
Ito ay nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga kaulang parusa sa mga lumalabag dito. Anong batas ito?
Anti-violence Against Women and Their Children Act
Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women
Magna carta for Women
Prinsipyong Yogyakarta
