wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PRELIM WEEK 3 QUIZ BSMT1-B

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

TAMA O MALI:

Malinaw sa nasabing memo buhat sa CHED na wala nang asignaturang Filipino sa antas-kolehiyo sapagkat ang mga ito ay ibinaba na sa antas Senior High School — mas nararapat na kalagyan ng Filipino ayon sa mga bumalangkas ng naturang kurikulum sa paniniwalang sapat na rin naman ang asignaturang Filipino at ‘di na kailangang dagdagan pa.

(a)  

2.

TAMA O MALI:

Batay sa patakarang pangwika ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP), ang wikang Filipino ay wikang pagdudukalan ng pagkakakilanlang pambansa.

(a)  

3.

TAMA O MALI:

Batay naman sa inilabas na paninindigan ng Pamantasang Ateneo de Manila (Ateneo) na pinamagatang Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwika sa Kasalukuyan na inilathala sa Manila Today laban sa suliraning pangwikang ibinunsod ng CHED Memo Bilang 20, disiplina ang Filipino.

(a)  

4.

TAMA O MALI:

Hindi lamang isang midyum sa pagtuturo ng asignaturang Filipino ang Filipino. Sa katunayan, lumilikha ito ng sariling larang ng karunungan na nagtatampok sa pagka-Pilipino ng ano mang usapin sa loob at labas ng akademya.

(a)  

5.

Sa inilabas na papel ng _____ na pinamagatang Pahayag para sa Pagpapatibay ng Wikang Filipino bilang mga Sabjek sa Kolehiyo, Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ay binanggit ang tatlong pangunahing punto na nagpapatunay na ang Filipino ay higit pa sa pagiging midyum ng komunikasyon.

a)

Petras

b)

UST Press

c)

Komisyon sa Wikang Filipino

d)

Kolehiyo ng Arte at Literatura ng UP-Diliman

e)

Ateneo de Manila Press

6.

Makikita ito sa librong inilathala ng _____ na pinamagatang Babasahin sa Kultural na Malayuning Komunikasyon (2017). Sa nasabing artikulo, binanggit na sa konteksto ng pag-aaral, hindi nakapagtatakang madukal ang yaman ng mga salitang pandamdamin sa wikang Filipino gaya ng saya na nakabatay din ang pagpapakahulugan sa kultural na kalagayan ng Pilipinas.

a)

Petras

b)

UST Press

c)

Komisyon sa Wikang Filipino

d)

Kolehiyo ng Arte at Literatura ng UP-Diliman

e)

Ateneo de Manila Press

7.

Bilang paglalagom, sinabi ni/ng _____ ang salitang pandamdaming tumutukoy sa saya ay isang pag-alingawngaw sa malaon nang sinasabing katangian ng mga Pilipino. Binuksan ng pag-aaral na ito ang partikular at kompleksyong pagpapakahulugan sa saya na masasalamin sa sariling wika tungo sa paghango ng isang malaking larangan ng pananaliksik na nagtatampok sa pananaw-pandaigdig ng mga Pilipino sa usaping damdamin.

a)

Petras

b)

UST Press

c)

Komisyon sa Wikang Filipino

d)

Kolehiyo ng Arte at Literatura ng UP-Diliman

e)

Ateneo de Manila Press

8.

... ang wikang Filipino ay itinuturing na kasaysayan ng bansa. Sapagkat simula nang ituro ito sa sistema ng edukasyon noong 1940 hanggang sa maging midyum ng pagtuturo alinsunod sa Patakarang Bilinggwal noong dekada 70, umunlad na ito bilang ganap na disiplina at pananaw sa pakikipag-ugnayang pandaigdig. Binanggit din sa nasabing papel, na ang Filipino bilang disiplina ay isa na ring maunlad na larangan dahil sa pagkakaroon nito ng iba’t ibang sub-erya at dahil sa interdisiplinal at transdisiplinal na ugnayan nito sa ibang larangan gaya ng panitikan, antropolohiya, kasaysayan, pilosopiya, sikolohiya at politika.   

a)

Petras

b)

UST Press

c)

Komisyon sa Wikang Filipino

d)

Kolehiyo ng Arte at Literatura ng UP-Diliman

e)

Ateneo de Manila Press

9.

... ang wikang Filipino ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ito ay nagbibihis sa pagiging Pilipino ng bawat isa. Sa katunayan, pananaw at kamalayan ang wikang Filipino. Dahil nasa wika mismo ang kaalaman sa sariling pisikal at ‘di pisikal na daigdig, hindi lamang usapin ng wikang panturo ang Filipino kundi usapin higit ng pagkilala sa pagka-Pilipino. Bilang asignatura, sakop ng Filipino ang iba’t ibang kaalamang may kinalaman sa pagiging Pilipino na magpapatibay sa pagkaugat ng mga estudyante sa sariling identidad.

a)

Petras

b)

UST Press

c)

Komisyon sa Wikang Filipino

d)

Kolehiyo ng Arte at Literatura ng UP-Diliman

e)

Ateneo de Manila Press

10.

... ang wikang Filipino ay susi sa kaalamang bayan dahil nasa wika ang kaalamang patuloy na hinubog at humuhubog sa bayan. Sariling wika rin ang pinakamabisang daluyan para mapalaganap ang dunong-bayan at kaalamang pinanday sa akademya. Layunin dapat ng edukasyon ang humubog ng mga mag-aaral na tutuklas ng dunong-bayang pakikinabangan ng bayan.

a)

Petras

b)

UST Press

c)

Komisyon sa Wikang Filipino

d)

Kolehiyo ng Arte at Literatura ng UP-Diliman

e)

Ateneo de Manila Press

11.

Ayon Sa UP Diksiyonaryong Filipino ni Almario, tumutukoy ito sa ano mang nagdudulot ng kasiyahang-loob at katuwaan.  Samantalang batay sa Bagong Diksiyonayong Pilipino-Pilipino ni Silverio, ito ay kasingkahulugan o may kauganyan sa salitang kasiyahan, kaginhawahan, kaluwagan o ginhawa na ipinagkaloob o tinanggap, konsolasyon, konswelo; ligaya, kaligayahan, libang

a)

ALIW

b)

GALAK

c)

LIGAYA

d)

WILI

e)

TUWA

12.

Ito ay kasingkahulugan ng saya ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino ni Almario. Binigyang-depinisyon naman ito sa Diksiyonaryo ng Wikang Filipino ng KWF bilang damdamin ng pagkatuwa o_kasiyahan, pagkamasaya, natutuwa, nagsasaya.

a)

ALIW

b)

GALAK

c)

LIGAYA

d)

WILI

e)

TUWA

13.

Tuwa, luwalhati, galak, lugod, saya, pelisidad, glorya, at ligaya ang pagpapakahulugan nito sa Bagong Diksiyonaryong Pilipino-Pilipino ni Silverio. Para naman sa Diksiyonaryong FiIipino—FiIipin0 2000 ng Sangay ng mga Paaralang Lungsod ng Maynila, ito ay tumutukoy sa salitang luwalhati, glorya, igaya, kaligayahan.

a)

ALIW

b)

GALAK

c)

LIGAYA

d)

WILI

e)

TUWA

14.

Tumutukoy ito sa pagkagusto sa mabuting karanasan ayon sa Bagong Diksiyonaryong Pilipino-Pilipino ni Silverio at batay naman sa Diksiyonaryo ng Wikang Filipino ng KWF, ito ay isang kasiyahang tinatamasa sa isang pook na tinitirhan o pinagliliwaliwan na ang ibig ay doon na mamalagi, pagkaaliw sa pinapanood o binasa na siyang naging dahilan sa pagkalimot sa ibang bagay.

a)

ALIW

b)

GALAK

c)

LIGAYA

d)

WILI

e)

TUWA

15.

Galak, lugod, kasiyahan ng Ioob, saya, ligaya ang mga sinonim nito ayon sa Bagong Diksiyonaryong Pilipino-Pilipino ni Silverio. Ito ang kasiyahang-Ioob na nararamdaman ng tao kapag nakukuha niya ang kanyang gusto, o nakakita siya ng bagay na katawa-tawa, at iba pa.  

a)

ALIW

b)

GALAK

c)

LIGAYA

d)

WILI

e)

TUWA