NEW
Font size
Worksheets(Q3) 1- Espiritwalidadat Pananampalataya
Total questions: 15
Worksheet time: 15mins
Ito ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang desisyon na
malaman at tanggapin ang katotohanan sa pagkatao.
Espiritwalidad
Pananampalataya
Panalangin
Pag-ibig
Ang pagsasabuhay ng pananampalataya ng mga Muslim ay nakabatay sa Limang
Haligi ng Islam. Ang sumusunod ay sakop nito maliban sa:
Pagdarasal
Pag-aayuno
Pagninilay
Pagsamba
Ang sumusunod ay mahahalagang aral ng pananampalatayang Kristiyanismo
maliban sa:
Magmahalan at maging mapagpatawad sa bawat isa.
Ang Diyos ay nasa ating lahat sa bawat pagkakataon ng ating buhay.
Pagpapabuti sa pagkatao sa pamamagitan ng pag-iwas sa materyal na bagay.
Tanggapin ang kalooban ng Diyos na may kagaanan at likas na pagsunod.
Alin sa sumusunod ang nagsasabi ng tunay na diwa ng espiritwalidad?
Ang palagiang pag-aaral at pagbabasa ng salita ng Diyos.
Ang pagiging maawain at matulungin sa pangangailangan ng kapuwa.
Ang pananatili ng ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng pananalangin sa
araw-araw.
Ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at pagtugon sa tawag
ng Diyos.
Sinasabi sa Hebreo 11:1 na “Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa
mga bagay na inaasam, ang kasiguruhan sa mga bagay na hindi nakikita.” Alin sa
sumusunod na pahayag ang tama ukol dito?
Nagiging panatag ang tao dahil iniibig siya ng Diyos.
Nagiging panatag ang tao dahil siya ay naniniwala at nagtitiwala sa Diyos.
Nagiging panatag ang tao dahil siya ay umaasa sa pagmamahal ng Diyos.
Nagiging panatag ang tao dahil alam niya na hindi siya pababayaan ng Diyos.
“Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kaniyang
kapatid ay sinungaling.” Ang pahayag ay______.
Tama, dahil dapat mahalin ang kapuwa.
Mali, dahil maipakikita ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng
pagdarasal at pagsisisimba.
Mali, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay maipakikita sa mabuting ugnayan sa
Kaniya.
Tama, dahil maipakikita lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos kung
minamahal din ang kapuwa.
Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng pananahimik o pagninilay?
Upang malaman ng tao ang mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay.
Upang lumawak ang kaniyang kaalaman at magsabuhay ng aral ng Diyos.
Upang lumalim ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Diyos.
Upang lalong makilala ng tao ang Diyos at maibahagi ang Kaniyang mga Salita.
Araw-araw ay nagsisimba si Aling Cora at hindi nakalilimot na magdasal. Siya
rin ay nagbabasa ng Bibliya bago matulog sa gabi. Kahit ganito, malupit si Aling
Cora sa kaniyang kasambahay. Pinarurusahan niya ito kapag sila ay nagkakamali.
Nagsasabuhay ba si Aling Cora ng kaniyang pananampalataya?
Oo, dahil ginagawa naman niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos.
Oo, dahil ang kaniyang pagsisimba, pagdarasal, at pagbabasa ng Bibliya ay
ikinalulugod ng Diyos.
Hindi, dahil siya ay nagpaparusa sa kaniyang kasambahay.
Hindi, dahil nababalewala ang kaniyang ugnayan sa Diyos kung hindi maganda
ang ugnayan niya sa kaniyang kapuwa.
Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng aral ng Budismo?
Pag-aayuno.
Pagmamahal at pagpapatawad sa isa’t isa.
Pagdarasal ng limang beses sa isang araw.
Pagpapahalaga sa kabutihang panloob at mataas na antas ng moralidad.
Ang sumusunod ay naglalarawan ng buhay na pananampalataya maliban sa:
Kumikilala at nagmamahal sa Diyos.
Naglilingkod at palagiang nananalangin sa Diyos.
Nagmamahal at tumutulong sa kapuwa.
Nagmamahal sa Diyos at nagmamahal sa kapuwa.
“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo”.Ibig sabihin:
Naipahayag ito sa sarili ang una bago ang iba.
Anuman ang gawin mo sa iyong kapwa,ginawa mo sa iyong sarili.
Ang kapwa ay dapat hindi sila gumawa ng masama laban sayo.
Mahalin mo ang iyong sarili bago ang iba.
Ito ang isang pinakamataas na uri ng pagmamahal.
Philia
Eros
Agape
Affection
Ito ang pagmamahal pangkaibigan.
Affection
Eros
Philia
Agape
Ito ay pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng isang tao.
Agape
Affection
Eros
Philia
Ito ay ang pagmamahal bilang magkakapatid, lalo na sa mga magkakapamilya o maaaring sa mga taong nagkakilala at naging malapit o palagay na ang loob sa isa’t isa.
Agape
Eros
Philia
Affection
