NEW
Font size
WorksheetsHirarkiya ng Pagpapahalaga
Total questions: 10
Worksheet time: 6mins
Ang _____ay tumutukoy sa pagbibigay-halaga sa mga bagay na tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao at sa mga bagay na maituturing lamang ng rangya o luho.
pambuhay
ispirituwal
pandamdam
banal
Ito ay halagang may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay. Pinahahalagahan ito upang masiguro niya ang kaniyang kaayusan at mabuting kalagayan.
pambuhay
ispirituwal
pandamdam
banal
Sinasabing ang pera ay nakapagbibigay ng saya, ngunit may mga taong maraming pera subalit inaaming hindi ito ang makapagpapasaya sa kanila. Sa paglipas ng panahon, mahihinuha nila na ang pagkakaroon ng buong pamilya at mga tapat na kaibigan pala ang tunay na mas makapagpapasaya sa kanila. Ang halimbawang ito ay patunay sa anong katangian ng mataas na antas ng halaga?
Habang tumatagal ang halaga, mas tumataas ang antas nito.
Mataas ang antas ng halaga kung ito ay lumilikha ng iba pang halaga.
Higit na malalim ang kasiyahan na nadama sa pagkamit ng halaga, mas mataas ang antas nito.
Higit na mahirap mabawasan ang kalidad ng halaga kahit pa dumarami ang nagtataglay nito, mas mataas ang antas nito.
Kadalasan mahalaga para sa mga nagdadalaga/nagbibinata ang pagkakaroon ng iba't ibang mga gadget katulad ng cellphone. Nasa anong antas ito ng pagpapahalaga?
pambuhay
ispirituwal
pandamdam
banal
Sa panahon ngayon, nauuso na ang mga instant foods na mas mabilis lutuin kumpara sa mga mas masustansiyang pagkain. Nasa anong antas ito ng pagpapahalaga?
pambuhay
isipirituwal
pandamdam
banal
Kapag ang pinahahalagahan ay nasa Ispirituwal na lebel, tinutukoy nito ang mga ______________.
Diyos/simbahan/
sambahan/
mosque/banal na aklat
pag-eehersisyo, pamamahinga, pagkain ng masustansiyang pagkain
pagmamahal/
kapayapaan/
katarungan
gadyet/
mamahaling alahas/magarang
sasakyan/
malaking mansyon
Ang pinakamataas na antas ng Hirarkiya ng Pagpapahalaga ay______________.
pambuhay
ispirituwal
pandamdam
banal
Ang mga sumusunod ay mga antas ng hirarkiya ayon kay Max Scheler, MALIBAN sa ____________.
Pambuhay na halaga
Pandamdam na Halaga
Makabansang halaga
Banal na halaga
Kapag ang pinahahalagahan ay nasa Pambuhay na lebel, tinutukoy nito ang mga ______________.
Diyos/simbahan/
sambahan/
mosque/banal na aklat
pag-eehersisyo, pamamahinga, pagkain ng masustansiyang pagkain
pagmamahal/
kapayapaan/
katarungan
gadyet/
mamahaling alahas/magarang
sasakyan/
malaking mansyon
Ano ang marapat na una mong pahalagahan?
Pambuhay na halaga
Pandamdam na halaga
Ispirituwal na halaga
Banal na halaga
