Font size
WorksheetsM3 - 1 Singkronong Pagsusulit
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
Ano ang maikling kuwento?
Ito ay isang kuwento na maaaring may pagkakahalintulad sa Nobela
Anyo ng panitikan na naglalayong magsalaysay ng hindi mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan
Ito ay binubuo ng maraming kabanata at lubhang napakahaba dahil sa kakintala na iniiwan nito sa mga mambabasa
Ito ay isang panitikan na nagsasalaysay ng isang kuwento sa maikling pamamaraan at pinalulutang dito ang mahahalagang pangyayari mula sa karanasan ng pangunahing karakter
Ayon kina Lumbera, Tolentino, Villanueva, at Barrios (w.t.) sa Paano magbasa ng Maikling Kuwento ay mayroon tinataglay na elemento ang Maikling Kuwento. Ano-ano kaya ang mga ito?
Tunggalian, Tagpuan, Resolusyon, Tauhan, at Banghay
Panahon, Oras, Lunan, Banghay, at Tunggalian
Pinanggalingan, Resolusyon, Lunan, Tunggalian, at Oras
Tagpuan, Tauhan, Resolusyon, Tagpuan, Tunggalian, at Banghay
Ano ang pagkakaiba ng Tunggaliang Tao vs. Tao at Tao vs. Sarili?
Ang tunggaliang Tao vs. Tao ay tumutukoy sa maling pagdedesisyon ng tauhan habang ang tunggaliang Tao vs. Sarili ay nakatuon sa paghadlang ng ibang karakter sa pangunahing tauhan
Ang tunggaliang Tao vs. Tao ay nakatuon sa panlabas na aspekto kung saan ang pangunahing karakter ay may nakalaban o hinahadlangan ng kapuwa karakter o kontrabida habang ang tunggaliang Tao vs. Sarili ay nakatuon naman sa panloob na aspekto kung saan nagtatalo ang pangunahing karakter at ang kaniyang sariling desisyon o konsensiya
Ang tunggaliang Tao vs. Tao ay nakatuon sa panloob na aspekto kung saan nagtatalo ang pangunahing karakter at ang kaniyang sariling desisyon o konsensiya habang ang tunggaliang Tao vs. Sarili ay nagbibigay-pansin sa panlabas na aspekto kung saan ang pangunahing karakter ay may nakalaban o hinahadlangan ng kapuwa karakter o kontrabida
Kapuwa walang pinagkaiba ang dalawang uri ng Tunggaliang nabanggit dahil sila ay parehas lamang na tunggalian na makikita sa isang maikling kuwento
"Makikipagtulungan ba ako sa aking mga kapangkat na gumagawa ng gawain kahit na tinatamad ako?" Anong halimbawa ng tunggalian itong nabanggit?
Tao vs. Tao
Tao vs. Sarili
"Tumigil ka na Egna, hindi na ako natutuwa sa mga pinagsasabi mo. Kung gusto mo ikaw na lang ang kumain ng manok na 'yan!" Batay sa pahayag, anong uri kaya ng tunggalian ito?
Tao vs. Tao
Tao vs. Sarili
"Ilang beses na akong nasabihan ng aking kaibigan na ako raw ay laging nahuhuli sa klase ______, sinabi rin niya sa akin na hindi ako aktibong nakikiisa sa singkronong klase ng aming guro _____ sinisikap ko namang bumawi kahit na ganoon ang nangyayari." Mula sa pahayag na nabasa, ano kaya ang angkop na pang-ugnay na dapat gamitin sa bawat patlang?
"Nang" at "Bunsod nito"
"Kaya" at "Subalit"
"Bukod pa rito" at "Ngunit"
"Sa kabilang dako" at "Sa kabilang banda"
________ sinasabi na ang pangunahing sumakop sa Pilipinas ay walang iba kundi ang mga Kastila na nagpakalat ng konseptong kristiyanismo sa ating bansa. _______, maraming mga Pilipino sa ngayon ang naniniwala kay Hesukristo na siyang itinuturing na anak ng Diyos Ama. ______ hindi pa rin natin mapipigil ang iilan na patuloy na kinukuwestiyon ang relihiyong ito ______ hindi ito sumasang-ayon sa kanilang pinaniniwalaan.
"Noong araw", "Partikular", "Gaya ng", at "Bilang kabuoan"
"Noong unang panahon", "Sa ibang salita", "Sa Katotohanan", at "Subalit"
"Noong araw", "Bunsod nito", "Nang", at "Ngunit"
"Noong unang panahon", "Bunga nito", "Subalit" at "Sapagkat"
Ang mga (a) ay kadalasang ginagamit upang maidugtong ang isang pahayag o talata upang masistemang maisaayos ang balangkas ng isang pangyayari.
Mula sa akdang Rhodopis, ang Cinderella ng Ehipto, ano kaya ang naisasalamin nitong isyung panlipunan?
Pagmamaltrato sa kapuwa at hindi pagkakapantay-pantay
Kahirapan at Kagutuman
Polusyon at patuloy na pagtaas ng mga kababaihang nabibiktima
Daloy ng trapiko at isyung pangkalusugan
Ito ay ang pag-aaral ng pinagmulan ng isang salita o kataga at naipapakita nito ang pagbabagong nagaganap mula sa anyo at kahulugan nito habang lumilipas ang panahon.
(a)
