wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PAGBASA AT PAGSUSURI - PRACTICE DRILLS #1

Total questions: 20

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay isang proseso ng pagtanggap at pagpapakahulugan sa mga nakakakodang impormasyon sa anyo ng wika sa pamamagitan ng limbag na midyum.

a)

Pagsulat

b)

Pagbasa

c)

Pakikinig

d)

Panonood

2.

Tinatawag din itong "outside-in" or "data driven", nagmula sa teksto ang pagpapakahulugan patungo sa pagkatuto ng mambabasa sa pamamagitan ng yugto-yugtong pagkilala sa mga letra sa salita, sa parirala, sa pangungusap, at sa buong teksto bago pa man ang pagpapakahulugan.

a)

Bottom Up

b)

Top Down

c)

Iskema

d)

Interactive

3.

Walang kahulugang taglay sa sarili ang teksto. Nagbibigay lamang ito ng direksyon sa mga mambabasa kung paano gagamitin at nabibigyang-kahulugan ang teksto mula sa dating kaalaman.

a)

Bottom Up

b)

Top Down

c)

Iskema

d)

Interactive

4.

Mapanuring pag-iisip ang ginagawa sa ganitong uri ng pagbasa. Kalimitan itong ginagawa upang masukat ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pag-unawa sa mga teorya, simulain, o prinsipyong nabasa sa tekstong itinakda ng guro.

a)

Pagsusuring Pagbasa

b)

Paaral na Pagbasa

c)

Mabilis na Pagbasa

d)

Pahapyaw na Pagbasa

5.

Pansamantalang pagbasa ito sapagkat pampalipas-oras ang layunin ng ganitong teknik kung kaya't magaan lamang gawin.

a)

Iskiming

b)

Iskaning

c)

Kaswal

d)

Komprehensibo

6.

Hinahanap sa ganitong pagbabasa ang mga pangkalahatang impormasyon na madaling nagagawa sa mga tekstong maiikli, may malaking tipo ng pagkakalimbag, at pamilyar ang teksto.

a)

Iskiming

b)

Iskaning

c)

Kaswal

d)

Komprehensibo

7.

Iniisa-isa rito ang bawat detalye at inuunawa ang bawat kaisipan.

a)

Iskiming

b)

Iskaning

c)

Kaswal

d)

Komprehensibo

8.

Sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat.

a)

Analitikal

b)

Primarya

c)

Mapagsiyasat

d)

Sintopikal

9.

Binibigyang diin sa araling ito ang kahalagahan ng paggamit ng angkop na paglalarawan upang kalugdang basahin ang isang teksto

a)

Tekstong Impormatibo

b)

Tekstong Naratibo

c)

Testong Deskriptibo

d)

Tekstong Prosidyural

10.

Maituturing na pinakapopular na uri ng tekstong tinatangkilig sa buong mundo at kung paano ito magagamit upang magparating ng mahalagang mensahe/kuwento sa mambabasa

a)

Tekstong Naratibo

b)

Tekstong Deskriptibo

c)

Tekstong Impormatibo

d)

Tekstong Persuweysib

11.

Sa araling ito ay mauunawaan mo kung ano at bakit mahalagang matutunan ang mga impormasyong nakasulat sa teksto.

a)

Testong Deskriptibo

b)

Tekstong Naratibo

c)

Tekstong Prosidyural

d)

Tekstong Impormatibo

12.

Isang mahalagang sangkap ng tekstong argumentatibong naglalayong mapaniwala ang isang mambabasa.

a)

Panig

b)

Dahilan

c)

Patunay

d)

Argumento

13.

Layunin ng tekstong ito na manghikayat o makumbinsi ang babasa.

a)

Tekstong Naratibo

b)

Tekstong Persuweysib

c)

Tekstong Prosidyural

d)

Tekstong Impormatibo

14.

Layunin nitong magsalaysay ng mga pangyayari, may tauhan, tagpuan, at banghay na sinusunod

a)

Tekstong Persuweysib

b)

Tekstong Deskriptibo

c)

Tekstong Impormatibo

d)

Tekstong Naratibo

15.

Nakabubuo ng sariling perspektiba o pananaw sa isang tiyak na larangan mula sa paghahambing ng mga akdang inunawa

a)

Primarya

b)

Mapagsiyasat

c)

Analitikal

d)

Sintopikal

16.

Pangunahing layunin ng tekstong impormatib ang magpaliwanag sa mga mambabasa tungkol sa anomang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig. Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi kabilang sa tekstong impormatib?

a)

Biyograpiya

b)

Encyclopedia

c)

Maikling Kuwento

d)

Papel Pananaliksik

17.

Kung ang bottom-up ay isang text-based approach, ano naman ang top-down approach?

a)

interactive approach

b)

reading approach

c)

reader-based approach

d)

basic approach

18.

Ano ang pagkakaiba ng prosesong bottom-up at top-down?

a)

Ang bottom-up ay pag-alam sa kaalaman, samantalang ang top-down ay pag-alam sa karanasan

b)

Ang bottom-up ay pagsusuri ng teksto, ang top-down naman ay pagsusuri ng komprehensiyon

c)

Ang bottom-up ay pag-unawa matapos masuri ang impormasyon, ang top-down naman ay ang pag-uawa ng kaalaman ng mambabasa.

d)

Ang bottom-up ay pag-unawa na nagsisimula sa teksto patungo sa mambabasa, ang top-down naman ay pag-unawang nagmumula sa dating kaalaman patungo sa teksto.

19.

Para sa kanyang takdang-aralin, minabuti ni Jeanette ang kanyang pagbabasa sa internet sa pamamagitan ng pagtatala ng mahahalagang impormasyon sa kanyang kwaderno. Ipinakita niya ang teknik na:

a)

Kaswal

b)

Suring-basa

c)

Muling Basa

d)

Basang-Tala

20.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi katangian at nilalaman ng mahusay na tekstong argumentatib?

a)

Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto

b)

Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto

c)

Kinahahantungan ng tunggalian o komplikasyon

d)

Matibay na ebidensiya para sa argumento