wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

3rd Qurter Exam Review

Total questions: 25

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay tumutukoy sa panahon kung saan muling nabuhay ang interes ng mga tao sa klasikong kaalaman at pagpapahalaga.

a)

Gitnang Panahon

b)

Panahon ng Renaissance

c)

Panahon ng Karimlan

d)

Kontemporaryong Panahon

2.

Ito ay tumutukoy sa kaparusahan na ipinataw sa mga kolonista na naging kabahagi ng Boston Tea Party

a)

Stamp Act

b)

Intolerable Act

c)

13 Colonies

d)

Insurrection

3.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang dahilan kung bakit hindi nagawang makipaglaban ng mga Aprikano at Asyano sa mga bansang Kanluranin?

a)

Ayaw nilang magkaroon ng gulo

b)

Hindi sila marunong makipaglaban

c)

Wala silang makabagong armas upang lumaban

d)

Sila ay takot at hinayaan na laman nila na sila ay sakupin ng mga ito

4.

Bakit nahatulan ng pagkakabilanggo si Galileo Galilei?

a)

Dahil sa pagsuporta niya sa Romano Katoliko

b)

Dahil sa pagsuporta niya sa ideya ni Kepler

c)

Dahil sa pagsuporta niya sa ideya ni Ptolemy

d)

Dahil sa pagsuporta niya sa ideya ni Copernicus

5.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isang gabay para sa paggamit ng pagtataguyod ng isang pundasyon ng pagiging objective na isinulat ni Francis Bacon?

a)

Discourse on Method

b)

Two Treatises of Government           

c)

Novum Organum

d)

The Spirit of Laws

6.

Sa anong dahilan nagsimula ang kaisipan sa panahon ng enlightenment?

a)

Nang gamitin ito ng tao sa mabuting paraan sa lipunan

b)

Nagsimula noong mamulat ang kaisipang pantao

c)

Sa panahon ng kaalaman ng tao ukol sa mga batas

d)

Ang rason ay ang “ilaw” na tatanglaw sa wastong daan

7.

Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panglabing-anim na pangulo ng bansa, siya ang nagsisilbing puno ng estado, puno ng pamahalaan, at punong komandante ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Sa anong sangay ng pamahalaan kabilang ang pangulo?

a)

Ehekutibo

b)

Lehislatibo

c)

Hudikatura

d)

Monarkiya

8.

Si Bran ay isang magsasaka sa huling bahagi ng 1700s sa France. Saang estate napapabilang si Bran?

a)

Unang Estate

b)

Ikalawang Estate

c)

Ikatlong Estate

d)

Ikaapat na Estate

9.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa dahilan ng rebolusyon na kung saan binibigyang diin ang aristokrasyang pamumuhay ng mga mamamayan?

a)

Ekonomiya

b)

Lipunan

c)

Pulitika

d)

Agham

10.

Noong 1773 ay isang grupo ng mga kolonista ang nagsuot ng katutubong kasuotan ng mga Amerikano at nakapasok sa isang pangkalakal na bapor ng mga Ingles. Kanilang itinapon ang mga tone-toneladang tsaa sa pantalan ng Boston Harbor sa Massachusetts. Bakit nila nagawa ito?

a)

Bilang pagsuporta sa mga Pranses

b)

Bilang protesta sa mga rebolusyonaryo

c)

Bilang protesta sa ipinataw na buwis sa tsaa na inaangkat ng mga kolonya

d)

Bilang deklarasyon ng digmaan laban sa mga Ingles

11.

Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa Rebolusyong Industriyal?

a)

Paggamit ng mga makinarya upang maibsan ang mga gawaing manwal

b)

Pagdami ng mga mamamayang lumipat mula sa siyudad papuntang mga probinsya

c)

Pagsikat nina Galileo Galilei at Thomas Hobbes

d)

Pagsikat ni Graham Bell dahil sa kaniyang imbensyon na telepono

12.

Alin sa mga sumusunod ang may tamang paglalarawan sa teorya ni Johannes Kepler?

a)

Ang mga planeta ay hindi pare-pareho ang bilis ng paggalaw ngunit bumibilis sa pag-ikot kung papalapit sa araw

b)

Ang mga planeta ay hindi pare-pareho ang bilis ng paggalaw at bumabagal ang ikot kung papalapit sa araw

c)

Umiikot at pumapalibot sa buwan

d)

A at C

13.

Sa panahon ngayon, maraming mga Pilipino ang nagnanais na lumuwas ng Maynila kaysa manatili sa kanilang mga probinsya. Maihahalintulad natin ito sa Rebolusyong Industriyal na kung saan dumagsa ang mga taong nasa rural na lugar patungo sa siyudad. Bakit kaya mas ninanais ng mga tao na magtungo sa mga lungsod?

a)

Upang bumili ng mga makina

b)

Upang maghanap ng trabaho

c)

Upang makalayo sa polusyon

d)

Upang mamasyal sa mga parke

14.

Sino sa mga sumusunod na personalidad ang HINDI kabilang sa mga pangyayaring naganap sa Rebolusyong Pranses?

a)

George Danton

b)

Leopold

c)

Maximilien Robespierre

d)

Paul Revere

15.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga dahilan ng himagsikan sa Amerika?

a)

Pulitika

b)

Ekonomiya

c)

Lipunan

d)

Mahinang Lider

16.

Bakit nakaranas ng pag-aalsa ang grupo nila Magellan habang sila ay naglalakbay?

a)

Dahil sa haba ng kanilang nilakbay, napagod at labis ang pagkagutom ang kanilang naranasan

b)

Dahil natakot ang mga ito na magpatuloy sa paglalayag

c)

Dahil hindi nila matagpuan ang Spice Island

d)

Dahil hindi magaling na pinuno si Magellan

17.

Alin sa mga sumusunod na barko ang Nawala sa unang bahagi ng paglalayag ni Magellan?   

a)

Santiago

b)

San Antonio

c)

Victoria

d)

Concepcion

18.

Bakit mahalaga ang paglalakbay ni Magellan?

a)

Dahil ito ang ikalawang circumnavigation o pag-ikot sa mundo

b)

Itinama nito ang lumang kaalaman na ang mundo ay patag

c)

Maraming buhay ang Nawala dahil sa paglalakbay na ito

d)

Mas lumala ang pagnanais ng mga kanluranin sa mga pampalasa

19.

Batay sa naging pamumuno ni Haring Louis XVI, bakit mahalagang malaman ang katangian ng isang lider?

a)

Dahil sa kanya nakasalalay ang kinabukasan ng bansa

b)

Dahil siya ang kumokontrol sa buhay ng mga mamamayan

c)

Dahil sa kanya nakasalalay ang kinabukasan ng kaniyang pamilya

d)

Dahil siya ang magpapayaman sa mga negosyanteng namumuhunan sa bansa

20.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa konsehong ehekutibo na binubuo ng limang direktor?

a)

Parliamento

b)

Kongreso

c)

Directory

d)

Diet

21.

Nakita mo na halos pakinabangan ng mga opisyal at ng kanilang pamilya ang mga buwis na ibinabayad natin sa pamahalaan. Sa kabila ng kanilang marangyang pamumuhay, ay patuloy na naghihirap ang mga kababayan natin. Sa paanong paraan mo babaguhin ang isang hindi makatarungang gobyerno?

a)

Tamang pagpili ng mga kandidatong ihahalal sa eleksyon

b)

Pagpapakalat at paniniwala sa mga propaganda at maling impormasyon

c)

Panghihikayat sa mga kinauukulan na imbestigahan ang mga yaman ng bawat opisyal

d)

Lahat ng nabanggit

22.

Gusto ng mga kaibigan mo na mapuntahan ang bansang sinilangan ng Renaissance. Saan mo sila dadalhin?

a)

Italy

b)

France

c)

Greece

d)

America

23.

Ano ang naging epekto ng digmaan para sa Kalayaan ng Amerika sa mga nasyong naghahangad ng paglaya sa kanilang mga mananakop ng panahong iyon?

a)

Nagsilbing tagapaggawa ng mga armas

b)

Nagsilbing inspirasyon sa mga bansang nais lumaya mula sa hindi makatarungang pamamahala

c)

Nagsilbing tahanan para sa mga taong ayaw madamay sa digmaan

d)

Nagsilbing tagapamagitan ng mga bansa

24.

Bakit kaya ang First at Second Estate ang laging kumokontra para sa pagbabago?

a)

Dahil mawawalan sila ng kapangyarihan

b)

Dahil mababawasan ang kanilang yaman

c)

Dahil ayaw nilang magbayad ng buwis     

d)

Lahat ng nabanggit

25.

Ang unti-unting pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga dayuhang mananakop ay patunay ng isang realidad. Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy nito?

a)

Inaabuso ng mga mananakop ang pagtitiwala ng mga katutubo

b)

Natural sa sinaunang tao na lumaban kung inaapi

c)

Naghahangad ng mabuting pamumuhay ang mga katutubo mula sa mga dayuhan

d)

Kailanman ay hindi nagustuhan ng mga katutubo ang pagdating ng mga dayuhan