WorksheetsAnapora at Katapora
Total questions: 30
Worksheet time: 30mins
Sina Jose Rizal at Andres Bonifacio ang mga bayaning Pilipino. Sila ay mga dakilang Pilipino at kilala bilang mga tanyag na tao sa ating bansa.
Anapora
Katapora
Itong bahaging ng lungsod ang hindi nawawalan ng tao, mapagabi man o araw. Ang Tondo ay isa sa lugar sa Pilipinas na may pinakamadaming populasyon.
Anapora
Katapora
Sila ang dahilan kung bakit nabasag ang salamin. Nagtatakbuhan at naglalaro sina Marc at Jayson sa loob ng silid kanina.
Anapora
Katapora
Nagkasakit siya kahapon kaya lumiban sa klase. Kaya naman gustong bumawi ni Jake sa mga aralin.
Anapora
Katapora
Si Mina ay naglalakad sa kalye nang makita niyang nadapa ang isang bata. Agad niya itong tinulongan upang makabangon.
Anapora
Katapora
Nakapili na ng damit na bibilhin si Trixie nang mapansin niyang nabutas ang kaniyang bag at wala na ang kaniyang pitaka.
Anapora
Katapora
Si Via ay isang masipag na mag-aaral at nangangarap ng magandang buhay para sa kaniyang pamilya. Naisipan niyang sumali sa mga patimpalak upang lalong mahasa ang kaniyang kaalaman.
Anapora
Katapora
Dinamdam niya ang pagkamatay ng kaniyang asawa. Nalugmok sa kalungkutan at napabayaan ni Dina ang sarili gayun din ang kaniyang mga anak.
Anapora
Katapora
Sila ay laging nag-aagawan sa pila tuwing kainan. Mababakas sa mukha ng mga batang iskwater ang gutom na kanilang nararanasan.
Anapora
Katapora
Sina Jared at Jake ang mga batang nangunguna sa klase. Sila ay mahilig magbasa ng libro at nakagawian ng maglaan ng oras sa gabi para mag-aral.
Anapora
Katapora
Nabili niya ang pinapangarap na cellphone kaya masayang-masaya si Rommel.
Anapora
Katapora
Si Gracia Burnham ay isa sa mga dayuhang turista na pumunta sa Dos Palmas Resort dahil ayon sa kanya, paborito niya itong pasyalan.
Anapora
Katapora
Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Dos Palmas Resort sa Palawan dahil sila’y totoong nagagandahan dito.
Anapora
Katapora
Nag- download sa internet si Efren kaya nakuha niyaang kinakailangang impormasyon.
Anapora
Katapora
Ito ay panghalip na ginagamit sa unahan ng pangungusap bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan ng salita.
Anapora
Katapora
Namimimili si Ana sa mallkaya siya natagalan nang pagdating
Anapora
Katapora
Iyo ay ginagamit na panghalip sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalang binanggit sa unahan ng pangungusap
Anapora
Katapora
Sila ay sopistikado kung manamit. Nagustuhan din nila ang masasarap na pagkain at alak. Ang mga taga-France ay masayahin at mahilig dumalo sa mga kasayahan.
Anapora
Katapora
Ang mga kababaihan sa Pilipinas ay kilala bilang malambing at matapang ipinaglalaban ang kanilang karapan. Sila ay hinahangaan ng mundo dahil sa mga katangiang ito.
Anapora
Katapora
Sila ay laging nag-aagawan sa pila tuwing kainan. Makikita sa mukha ng mga kalahok na kontento sila at nasisiyahan sa seminar.
Anapora
Katapora
Ano ang tawag sa mga salitang ginagamit upang pagdugtungin o pag-ugnayin ang mga pangungusap?
Kohesyong Gramatikal
Mga Kohesyong Pahayag
Kohesyong Reperens
Gramatikal na Pahayag
Ano ang reperensiya na kadalasan ay panghalip na tumutukoy sa mga nabanggit na sa unahan ng teksto o pangungusap?
Anapora
Katapora
Kohesyon
Anapora at Katapora
Ano ang reperensiya na bumabanggit at tumutukoy sa mga bagay na nasa hulihan pa ng teksto o pangungusap?
Anapora
Katapora
Kohesyon
Anapora at Katapora
Sa pangungusap na "Siya ay magiling umawit. Kilala si Celine bilang sikat na mang-aawit sa Amerika." Aling salita ang tumutukoy sa panghalip na siya?
Amerika
Celine
Mang-aawit
Sikat
Sa pangungusap na, "Ang France ay galing sa salitang Francia. Noong panahon ng Iron Age at Roman era, ito ay tinatawag na Gaul." Anong salita ang pinalitan ng nakasalungguhit sa pangungusap?
France
Gaul
Iron Age
Roman Era
"Siya ay isang mapanghalinang babae. Si Mathilde ay isinilang sa angkan ng mga manunulat." Anong kohesyong gramatikal ang nagamit sa pangungusap?
Anapora
Katapora
Panghalip
Pangngalan
"Si Mathilde ay nagtagumpay sa gabing iyon. Siya ay nagningning sa piging." Anong kohesyong gramatikal ang nagamit sa pangungusap?
Anapora
Katapora
Panghalip
Pangngalan
Anong panghalip ang angkop sa patlang ng pangungusap?
_____ isa sa mga magaganda't mapanghalinang babae na sa pagkakamali ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat.
Ako'y
Kami'y
Kanila
Iyo
"Pinapangarap niyang maging maganda. Lubos na dinadalamhati ni Maria ang kanyang pangit na mukha." SIno ang binigyang turing ng panghalip na niya?
Maganda
Maria
Mukha
Pinapangarap
Paano nakakatulong ang anapora at katapora bilang reperensiya sa pangungusap?
Dinadagdagan nito ang konseptong hatid ng pangungusap.
Taglay nila ang pangunahing kaisipan ng pangungusap.
Madaling matukoy ang pinag-uusapan sa pangungusap.
Pantukoy sa pinag-uusapan at panghalili sa pangngalan upang hindi na paulit-ulit na bigkasin pa.
