Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Barayti ng Wika

Total questions: 11

Worksheet time: 4mins

Name
Class
Date
1.

Kilalang-kilala ng madlang tagapanood ang paraan ng pagsasalita ni Noli De Castro lalo na kapag sinasabi niya ang pamoso niyang linyang “Magandang gabi, Bayan!”

a)

Dayalek

b)

Idyolek

c)

Register

d)

Sosyolek

2.

Marami ang gumagaya sa paraan ng pagsasalita ni Kris Aquino lalo na ang mga malutong niyang “Ah, ha,ha! Okey! Darla! Halika!”

a)

Dayalek

b)

Idyolek

c)

Register

d)

Sosyolek

3.

Habang nakasakay sa bus si Larry ay narinig niyang nag-uusap ang dalawang babae sa unahan. Narinig niya sa usapan ang mga salitang lesson plan, quiz, essay at grading sheets. Mula rito’y alam na niyang mga guro ang mga nakaupo sa harap niya.

a)

Dayalek

b)

Idyolek

c)

Register

d)

Sosyolek

4.

Maririnig sa usapan nina Lauro a.k.a “Laura” at ng kaibigan niya si Danilo a.k.a “Dana” ang mga salitang charot, chaka, bigalou, at iba pa.

a)

Dayalek

b)

Idyolek

c)

Register

d)

Sosyolek

5.

Nagtatagalog din ang mga taga-Morong, Rizal pero may punto silang kakaiba sa Tagalog ng mga taga-Metro Manila.

a)

Dayalek

b)

Idyolek

c)

Register

d)

Sosyolek

6.

Bago ako sa paaralan na aking pinapasukan. Hindi ko talaga maiintindihan ang mga sinasabi ng aking mga katabi sa upuan gaya na lamang nito: “Janjalani Jones iyong chopopo, sayang otoko pa naman yun.”

a)

Dayalek

b)

Idyolek

c)

Register

d)

Sosyolek

7.

Girl, bukas na lang tayo maglayb . Mag-malling muna tayo ngayon.

a)

Dayalek

b)

Idyolek

c)

Register

d)

Sosyolek

8.

Kakaiba na talaga ang mga tao ngayon lalong-lalo na ang mga kabataan. Makikita mo sa facebook post nila na: ATM, BTW, TTYL,CYA

a)

Dayalek

b)

Idyolek

c)

Register

d)

Sosyolek

9.

“Handa na ba kayo?” Kahit hindi ka nakatingin sa telebisyon at naririnig lamang ang kanyang pagsasalita ay tiyak na malalaman mong si Korina ito dahil sa sarili niyang estilo sa pagbigkas.

a)

Dayalek

b)

Idyolek

c)

Register

d)

Sosyolek

10.

Ang mga mag-aaral sa Senior High School ay mula sa iba’t ibang lugar at paaralan. May nagsasalita na ang wikang ginamit ay Waray, Chavacano, Cebuano, Kinaray-a, Ingles at iba pa. Nang pumasok ang guro sa Filipino ay tinawag na ang bawat isa para magpakilala sa sarili at ang ginamit naman nila ay ang Wikang Filipino na kung saan nauunawaan ng lahat.

a)

Dayalek

b)

Idyolek

c)

Register

d)

Sosyolek

11.

Ito ang barayti ng wikang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.

a)

Dayalek

b)

Idyolek

c)

Etnolek

d)

Pidgin o creole