WorksheetsNatatanging Produkto at Serbisyo
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Sa panahon ngayon na mabilis ang pag-unlad ng teknolohiya, alin ang angkop na pagkakakitaan?
Pagbebenta ng mga walis, basahan at timba.
Pagtitinda ng mga accessories ng cellphone, tablet at laptop.
Pagtitinda ng mga lumang damit, sapatos at bag.
Pagtitinda ng mga suman, biko,puto at kutsinta.
Si G. Manuel ay nag-aalok ng mga Pre-Selling na bahay sa kanyang mga kakilala. Ano ang napili niyang negosyong pagkakakitaan?
Negosyong konstruksiyon
Negosyong Pagkain
Negosyong Real Estate
Pamumuhunan sa Stock Market
Matumal ang benta ni Roland ng kanyang mga tindang prutas at gulay dahil kakaunti lang ang pumupunta sa palengke. Ano ang pinakaangkop niyang gawin para mabilis niyang maibenta ang mga paninda niya?
Pag-aalok
Paglalako
Online selling
Pagkakaroon ng re-seller
Si Elena ay masarap magluto ng mga kakanin. Paano niya mabilis na maibebenta ang mga ito ngayong limitado lang ang nakakalabas ng bahay dahil sa pandemya? Piliin ang pinakaangkop.
Online selling
Pagkakaroon ng re-seller
Pag-aalok
Paglalako
Paano mo maibebenta ang negosyong pagkain na maraming kakompetensiya?
Ibenta ito ng mura kahit malugi ka.
Pagandahin ang packaging upang makaakit sa mga mamimili.
Bawasan ang mga sangkap pero ganun parin ang presyo.
Awayin ang kakompetensiya.
Tuwing buwan ng Mayo umuuwi ka sa resort na pagmamay-ari ng iyong tiyahin. Bukod sa pagbabakasyon, ano ang angkop na pwede mong pagkakakitaan?
Pamumuhunan sa stock market
Pagbebenta ng souvenir items
Pag-aalok ng bahay at lupa
Pagbebenta ng pang konstruksiyon
Ito ay mga ani o isang bagay na ginawa upang maibenta, karaniwang mga bagay na ito ay ginawa sa pamamagitan ng pang-industriyang proseso.
produkto
serbisyo
tinda
pagkain
Si Lorie ay nang-aalok ng mga pre-selling na bahay. Anong natatanging serbisyo ito?
Negosyong Real Estate
Negosyong Konstuksyon
May kinalaman sa edukasyon
Negosyong Pangteknolohiya
Ang sumusunod ay mga katangian ng produkto at serbisyo MALIBAN sa isa.
Maayos ang plano ng pagbebenta.
Maganda at angkop ang lokasyon.
Kaakit-akit ang packaging.
Luma at kulang ang mga kagamitan.
Bakit kailangan maganda ang kabuuan o packaging ng iyong produkto?
A. Upang mas makaakit ng mga mamimili.
Upang maibenta mo ito ng mas mahal
Upang sosyal tingnan.
Upang mainggit ang kakompetensiya.
Ang pagpapatayo ng computer shop at photo copy ay mas patok kung ang lokasyon mo ay malapit sa _____________.
Palengke
plasa
simbahan
paaralan
Ito ay isang natatanging produkto na patok at kinahuhumalingan ng mga mamimili lalo na ng mga babae matanda man o bata.
Negosyong pagkain
Paggawa ng souvenir items
Pagkaing organiko
Pampaganda, pampaputi at pampabata
Anong negosyo ang patok ngayong panahon na mayroong pandemya dahil sa covid-19?
Negosyong Pagkain
Negosyong Real Estate
Negosyong Konstruksiyon
Negosyong Pampaganda
Alin ang natatanging produkto?
Barber shop
Computer shop .
Bag na gawa rattan
Laundry shop
Ang pagpapatayo ng ng isang computer repair shop ay may kinalaman sa negosyong __________.
Pangteknolohiya
Kontruksyon
Real Estate
Edukasyon
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng souvenir items MALIBAN sa isa.
Key chain na hugis ng sikat na produkto ng isang lugar
T-shirt na may tatak ng isang lugar
Pitaka na nabili sa resort
Bibingka na binili sa kapitbahay.
Maraming tao ang naniniwala na mas malaki ang kita o malaki ang tinutubo ng pera kapag nag-invest sa stock market, mutual funds, bonds at foreign exchange kaysa sa ______________.
banko
paluwagan
kooperatiba
bahay
Bakit kailangan maayos at maganda ang pagpaplano ng pagbebenta o pagsiserbisyo?
Upang makahikayat ng mga mamimili at magtagumpay sa negosyo.
Upang maipagmalaki sa mga kakompetensiya.
Upang maipagmayabang sa mga mamimili.
Upang makahikayat ng kaibigan.
Anong katangian ang nagpapakita ng isang natatanging serbisyo?
Luma ang mga kagamitan.
Madaling puntahan ang lokasyon.
Tanghali na nagbubukas.
masungit ang mga tauhan.
Ang paggawa ng mga tulay, building, kalsada at iba pang inprastraktura ay negosyong __________.
Real Estate
Negosyong Konstruksiyon
Negosyong Pangteknolhiya
Pamumuhunan sa stock market
