wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 4 Q3 PAGTATAYA 4

Total questions: 5

Worksheet time: 4mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa sariling kultura at kultura ng ibang pangkat-etnikong Pilipino?

a)

Nagbabasa ako ng kuwentong bayan ng samu’t saring buhay ng mga Pilipino.

b)

Pinagtatawanan ko ang naririnig ko na kakaiba ang tono ng pananalita sa amin.

c)

Mas nais kong pag-aralan ang mga awiting dayuhan

dahil masigla ang himig nito.

d)

Pinagtatawanan ko ang mga awiting ng ibang

pangkat etniko dahil sa kakaibang tono at wika nito.

2.

Sa kasalukuyan, mayroon pa ring pangkat etnikong Pilipino na nakasuot ng kanilang katutubong kasuotan sa pang-araw-araw nilang pamumuhay. Ano ang saloobin mo rito?

a)

Dapat nakikisabay na rin sila sa modernong pananamit.

b)

Dapat tulungan sila ng gobyerno upang maging

moderno na rin.

c)

Mainam na may mga Pilipino nagsusuot pa rin ng katutubong pananamit.

d)

Nakakaawa naman sila kasi hindi sila nakasuot

ng maayos na pananamit sa panahon ngayon.

3.

Bilang isang Pilipino, paano mo maibabahagi ang pagpapahalaga sa kulturang Pilipino lalo na sa kasalukuyang mas pinagtutuunan ng iba ang kultura ng ibang bansa?

a)

pagturo ng mga larong Pinoy sa iba

b)

pagsuot ng mga usong pananamit ng ibang bansa

c)

pagpost sa facebook ng mga sikat na artista ng

ibang lahi

d)

pagbisita ng mga makasaysayang lugar sa ibang

bansa

4.

May bagong lipat na kaklase sina Susan na mula sa ibang pangkat- etniko. Iba ang tono ng kaniyang pananalita kumpara sa kanila. Kaya naman, madalas siyang pagtawanan nina Susan. Tama ba ang

kanilang ginagawa? Bakit?

a)

Opo dahil nakakatawa talaga iyon.

b)

Hindi po dahil bababa ang marka nila sa EsP.

c)

Hindi po dahil dapat igalang ang pananalita ng iba.

d)

Opo dahil wala namang masama sa ginagawa nila.

5.

Nagkaroon kayo ng family reunion. May tiyo ka na nakapangasawa na iba ang paniniwala sa inyong nakagisnan. Paano mo ito tatanggapin?

a)

Iwasan ang tiyahin.

b)

Sabihan siya na kakaiba siya.

c)

Huwag nalang siyang kausapin.

d)

Igalang ang kaniyang paniniwala.