NEW
Font size
WorksheetsIKALAWANG PAGSUSULIT SA IKATLONG MARKAHAN
Total questions: 25
Worksheet time: 50mins
Kung ikaw ay nagtatrabaho, ano ang tawag sap era na iyong kinikita?
Tubo
Interes
Utang
Suweldo
Kapag ang perang iyong kinita ay hindi mo ginastos. Sa halip ito ay iyong itinabi, anon a ang tawag dito?
Interest o Tubo
Investment o Puhunan
Dividend o Dibidendo
Savings o Ipon
Ang sitwasyon na ito ay nagaganap kung saan ang presyo ay patuloy na tumataas bawat oras, araw at linggo na naganap sa Pilipinas noong World War II.
Inflation
Deflation
Hyperinflation
Reflation
Ito ay halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ibinibigay.
Pera
Utang
Kita
Yaman
Ano ang katangian ng isang impulse buyer?
Inuuna ang pangangailangan bago ang kagustuhan
Kapag may hawak ng pera ay bili ng bili hanggang maubos.
Mahusay mag-impok sa mga financial intermediaries
Mahigpit sa pera at napaka tipid sa paggastos nito.
Si Juan Dela Cruz ay isang negosyanteng hindi nagbabayad ng buwis sa pamahalaan. Anong krimen ang kanyang nagawa?
Hoarding
Corruption
Money Laundering
Tax Evasion
Sangay ng pamahalaan na siyang nagpapairal ng sistemang pananalapi sa bansa.
Bangko Sentral ng Pilipinas
Bureau of internal Revenue
Philippine Depositors Insurance Corporation
Department of Budget and Mnagement
Ang pagtaas ng mga gastusing pamproduksiyon ang siyang sanhi ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin. Ano ang dahilan ng implayon?
Cost Push
Demand Pull
Monopolyo
Pambayad-utang
Ano ang tawag sa isang kaganapang pang-ekonomiya kung saan mas malaki ang paggasta ng pamahalaan kompara sa kita?
Buwis
Patakarang Piskal
Sin Tax
Budget Deficit
Magkano ang halaga na kayang protektahan ng Philippine Depositors Insurance Corporation sa bawat nag iimpok sa isang bangko?
Isang milyong piso
Kalahating milyong piso
Isang daang libong piso
Limampung libong piso
Dahil sa kagustuhang mapalago ni Pedro ang kanyang pera, ibinili niya ito ng dagdag motor at ginamit sa pagdedeliver ng mga order mula sa online shopping na Negosyo ng kanilang pamilya. Ang perang inilagak niya para sa negosyo ay maituturing na:
Interest o Tubo
Investment o Puhunan
Dividend o Dibidendo
Savings o Ipon
Dahil sobra ang salapi, malaki ang pagkakataon na patuloy na bibili ng maraming produkto ang mamimili na magtutulak sa pagtaas ng presyo. Ano ang dahilan ng implasyon?
Cost Push
Demand Pull
Monopolyo
Pambayad-utang
Isa sa mga Specialized Government Banks na ang layunin ay magkaloob ng pondo sa mga programang pansakahan.
Land Bank of the Philippines
Philippine National Bank
Development Bank of the Philippines
Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines
Masyadong dumedepende ang mga pabrika sa Pilipinas sa mga hilaw na sangakap mula sa ibang bansa. Anong dahilan ng implasyon?
Pagtaas ng suplay ng salapi
Pagdepende sa importasyon para sa hilaw na sangkap
Pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar
Pambayad-utang
Itinatag ito upang magpautang sa mga taong madalas mangailangan ng pera at walang paraan upang makalapit sa mga bangko. Ang mga indibidwal ay maaaring makipagpalitan ng mahahalagang ari-arian tulad ng alahas at kasangkapan.
Kooperatiba
Pawnshop o Bahay-Sanglaan
Pension Funds
Partnership
Alin sa mga sumusunod ang HINDI nakikinabang o NALULUGI sa implasyon?
Mga umuutang
Mga taong may tiyak na kita
Mga negosyante
Mga speculator at negosyanteng malakas ang loob na mamuhunan
Sa halip na magamit sa produksiyon ang bahagi ng pambansang badyet, ito ay napupunta lamang sa pagbabayad ng mga loans ng bansa.
Pagtaas ng suplay ng salapi
Pagdepende sa importasyon para sa hilaw na sangkap
Pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar
Pambayad-utang
Ano ang tungkulin ng Bureau of Internal Revenue?
Pagpasa ng mga batas na may kinalaman sa pananalapi
Pangongolekta ng buwis na siyang kita ng bansa
Pagpapanatili ng sapat sa supply ng salapi sa sirkulasyon.
Pagpapatupad ng mga patakarang piskal ng bansa.
Alin sa mga sumusunod ang maituturing na hindi pangunahing gamit ng pera?
Pamalit ng produkto o serbisyo
Panukat sa nabibiling produkto o serbisyo
Maaaring gamitin sa ibang panahon
Magamit bilang hilaw na sangkap
Ano ang papel na ginagampanan ng mga financial intermediaries?
Kumolekta ng buwis mula sa mga mamamayan.
Nagsisilbing tagapamagitan sa nag-iipon ng pera at sa nais umutang o mag-loan.
Tumatayong tulay sa pagitan ng mga mamimili at ng pamahalaan.
Tagapamahagi ng mga pampublikong serbisyo sa lahat ng mamamayan.
Ang mga sumusunod na pahayag patungkol sa pera ay tama MALIBAN sa:
Ang pera ay madaling kitain ngunit mahirap gastusin.
Ang pera katulad ng ating mga pinagkukunang-yaman ay maaaring maubos.
Ang pera ay ginagamit sa pagbili ng mga bagay na kinakailangan upang mapunan ang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao.
Ang pagkonsumo gamit ang salapi ay kinakailangan din ng matalinong pag-iisip at pagdedesisyon upang mapakinabangan nang husto at walang nasasayang.
Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit hindi dapat nag-iimpok ng pera sa alkansya MALIBAN sa:
Hindi ito kikita at maaari pang lumiit ang halaga dahil sa implasyon.
Maaari itong mawala, manakaw, o masira.
Maaaring magdulot ng kakulangan sa supply ng salapi sa pamilihan.
Mas dadami ang maglalagak ng kanilang pera sa mga financial intermediaries.
Alin sa mga sumusunod ang mga tamang paliwanag sa konsepto ng implasyon?
I. Pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga piling produkto na nakapaloob sa basket of goods
II. Pagtaas sa pangkalahatang antas ng mga presyo ng mga kalakal (goods) at mga serbisyo sa isang ekonomiya sa loob ng isang panahon.
III. Patuloy na pagtaas ng dami ng kaya at handing bilhin ng mga mamimili sa isang takdang presyo sa isang takdang panahon.
IV. Patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa pamilihan.
I, II, III
I, III, IV
II, III, IV
I, II, IV
Ang mga sumusunod ay katangian ng matalinong nag-iimpok MALIBAN sa:
Inaalam ng mabuti ang mga produkto ng gusting piliin na bangko.
Wastong iniingatan ang mga bank records, hindi ito ibinabahagi kanino man, at lagi itong ina-update.
Gumagamit ng mga middle man sa pakikipagtransaksyon sa mga financial intermediaries gaya ng bangko.
Inaalam ang serbisyo at mga bayarin sa iyong bangko.
Ang mga sumusunod ay mga indikasyon ng masiglang ekonomiya MALIBAN sa:
Maraming nag-iimpok ng salapi
Maraming namumuhunan na negosyante
Marami ang may trabaho sa bansa
Maraming nangungutang panggastos sa pangangailangan ng pamilya
