wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Diskriminasyon sa lahat ng kasarian

Total questions: 21

Worksheet time: 1hrs 3mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay anumang aksiyon na nagkakait ng oportunidad, pribilehiyo, o gantimpala ng isang tao dahil sa kasarian.

a)

diskriminasyon sa relihiyon

b)

diskriminasyon sa kulay

c)

diskriminasyon sa lahi

d)

diskriminasyon sa kasarian

2.

Ang salik na nagiging dahilan sa diskriminasyon kapag nakikita ang kababaihan bilang mas maliliit at mas mahihina

a)

pisikal na kaanyua

b)

kultura

c)

relihiyon

d)

edukasyon

3.

Ang salik ng diskriminasyon kapag may mga uri ng hanapbuhay o propesyon na parang nilikha lamang sa “mas malakas” na kasarian-ang lalaki.

a)

pisikal na kaanyuan

b)

kultura

c)

relihiyon

d)

edukasyon

4.

Ang salik ng diskriminasyon kung saan may mga kursong pinaniniwalaang dapat kunin ng lalaki lamang o kaya ng babae lamang.

a)

pisikal na kaanyuan

b)

kultura

c)

relihiyon

d)

edukasyon

5.

Ito ay diskriminasyon laban sa kabilang sa nangingibabaw o mayoryang grupo na pabor sa mga kasapi ng isang minoryang grupo  o disadvantaged group

a)

reverse discrimination

b)

racial discrimination

c)

age discrimination

d)

disability discrimination

6.

Ito ay tumutukoy sa saliwang diskriminasyon:

Unang pangungusap: Ang saliwang diskriminasyon ay isang anyo na pabor sa mga kasapi ng isang mayoryang grupo o disadvantaged group.

Pangalawang pangungusap: Ang pagkakaloob ng promosyon sa kababaihan dahil sa kanilang kasarian ay isang halimbawa ng reverse discrimination.

a)

Ang unang pangungusap ay TAMA habang ang pangalawa ay MALI

b)

Ang unang pangungusap ay MALI habang ang pangalawa ay TAMA

c)

Ang dalawang pangungusap ay TAMA

d)

Ang dalawang pangungusap ay MALI

7.

Ito ay tumutukoy sa anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan.

a)

Diskriminasyon

b)

Karahasan

c)

Gender Roles

d)

Magna Carta

8.

Si Mae ay nakaranas ng domestic violence. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng kaniyang naging karanasan?

a)

Hindi nalilimutan ng kaniyang asawa ang kanilang anibersaryo.

b)

Laging sinusubaybayan ng kaniyang asawa ang kaniyang social media account.

c)

Laging may nakahandang sorpresa ang kaniyang asawa sa kaniyang kaarawan

d)

Madalas siyang tinatawagan ng kaniyang asawa upang alamin ang kaniyang kalagayan

9.

Ang sumusunod ay halimbawa ng domestic violence MALIBAN sa isa.

a)

Pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan.

b)

Sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural na bayolente.

c)

Pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan

d)

Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o mga alagang hayop.

10.

Ito ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang anyo ng karahasan sa mga kababaihan.

a)

GABRIELA

b)

USAID

c)

LADLAD

d)

UNDP

11.

Kung si Edna ay biktima ng domestic violence, alin sa mga sumusunod ang maaari niyang naranasan?

a)

Pinagbantaan siya ng karahasan

b)

Sinabihan siya na ang mga lalaki ay natural na bayolente

c)

Tinawag siya sa ibang pangalang hindi maganda (name calling).

d)

Humingi sa kaniya ng tawad ang taong may sala at nangakong magbabago.

12.

Ang sumusunod ay halimbawa ng karahasan sa mga kababaihan MALIBAN sa isa.

a)

berbal

b)

pisikal

c)

biyolohikal

d)

seksuwal

13.

Alin sa sumusunod na pangungusap ang higit na nagpapaliwanag sa domestic violence?

a)

Ito ay karahasan para sa babae lamang

b)

Ito ay karahasan laban sa mga kalalakihan.

c)

Ito ay karahasan laban sa miyembro ng ikatlong kasarian.

d)

Ito ay karahasang nagaganap sa isang relasyon; heterosexual at homosexual na relasyon.

14.

Ito ay tumutukoy sa anyo ng diskriminasyon sa kasarian sa lugar ng trabaho:

Unang Pangungusap: Pagbibigay ng isang posisyon na mababa ang sahod dahil sa kasariang mayroon ang isang tao

Pangalawang Pangungusap: Lahat ng kasarian ay tanggap sa isang kumpanya

a)

Ang unang pangungusap ay TAMA habang ang pangalawa ay MALI

b)

Ang unang pangungusap ay MALI habang ang pangalawa ay TAMA

c)

Ang dalawang pangungusap ay TAMA

d)

Ang dalawang pangungusap ay MALI

15.

Ito ay tumutukoy sa Labor Force Participation Rate:

Unang Pangungusap: Nanatiling mas mababa ang LFPR ng mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan Pangalawang Pangungusap: Maaaring maiugnay sa paglaganap ng diskriminasyon batay sa kasarian ang mataas na LFPR ng mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan

a)

Ang unang pangungusap ay TAMA habang ang pangalawa ay MALI

b)

Ang unang pangungusap ay MALI habang ang pangalawa ay TAMA

c)

Ang dalawang pangungusap ay TAMA

d)

Ang dalawang pangungusap ay MALI

16.

Ang sumusunod ay halimbawa ng Seven Deadly Sins Against Women MALIBAN sa isa.

a)

incest

b)

pangangaliwa

c)

pambubugbog

d)

panggagahasa

17.

Ilan sa bawat babaeng may edad 15-49 ang nakararanas ng pisikal, seksuwal, at emosyonal na pananakit mula sa kanilang asawa o partner?

a)

isa sa bawat tatlong babae

b)

isa sa bawat apat na babae 

c)

dalawa sa bawat tatlong babae

d)

dalawa sa bawat apat na babae

18.

Ilang porsyento ng mga babae ang nakaranas ng pisikal na pananakit mula sa kanilang asawa o partner?

a)

12%

b)

16%

c)

14%

d)

18%

19.

Ilang porsyento ng mga babaeng may-asawa ang nakararanas ng emosyonal na pananakit mula sa kanilang mga asawa o partner.

a)

18%     

b)

22%

c)

20%

d)

24%

20.

Ito ay tumutukoy sa anyo ng diskriminasyon sa kasarian sa lugar ng trabaho:

Unang Pangungusap: Sapat ang kinikita ng isang empleyado kahit anong kasarian ang taglay

Pangalawang Pangungusap: Pinagkaitan ng mataas na posisyon ang isang bakla dahil sa kanyang kasarian

a)

Ang unang pangungusap ay TAMA habang ang pangalawa ay MALI

b)

Ang unang pangungusap ay MALI habang ang pangalawa ay TAMA

c)

Ang dalawang pangungusap ay TAMA

d)

Ang dalawang pangungusap ay MALI

21.

Ito ay batas na ipinatupad sa bansang Uganda na nagsasaad na ang same-sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabangbuhay na pagkakabilanggo.

a)

Humanity Act

b)

Anti-Homosexuality Act

c)

Magna Carta for Women

d)

Violence Against Women