wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

MAHABANG PAGSUSULIT SA KOMFIL

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Ang ahensiyang binigyan ng karapatan ng saligang batas na magsasagawa ng pag-aral at panuntunan sa paggamit ng wikang pambansa.

a)

Surian ng wikang pambansa

b)

Linggwistikang wikang pilipino

c)

Komisyon ng wikang filipino

d)

Komisyon sa wikang pambansa

2.

Anong taon ang tawag sa ating wika ay tagalog.

a)

1959

b)

1987

c)

1869

d)

1896

3.

Ang konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa filipino at ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, arabic at kastila.

a)

Seksyon 9

b)

Seksyon 8

c)

Seksyon 7

d)

Seksyon 6

4.

Ang pag-aaral ng yunit ng isang tunog.

a)

Morpema

b)

Ponema

c)

Morpolohiya

d)

Ponolohiya

5.

Ang wikang pambansa ng pilipinas ay.

a)

Filipino

b)

Pilipino

c)

Tagalog

d)

Filipinas

6.

Iisang wika na sinasalita na maaaring mapagkasunduan ng nakararami.

a)

Kultura

b)

Napagbago

c)

Arbitraryo

d)

Sistema

7.

Isang teorya na nagsasabi ng pangagagagad ng taon sa naririnig na tunog sa kalikasan.

a)

Teoryang bow-wow

b)

Teoryang pooh-pooh

c)

Teoryang yum-yum

d)

Teoryang ta-ta

8.

Konstitusyon ng 1987 na tumatalakay sa “dapat magtatag ang kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang rehiyon at mga disiplina na magsasagawa at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili sa filipino at iba pang mga wika.

a)

Seksyon 6

b)

Seksyon 7

c)

Seksyon 8

d)

Seksyon 9

9.

Pinaniniwalaan sa teoryang ito na ang mga tao ay natutong humabi ng mga salita mula sa mga seremonya at ritwal na kanilang ginagawa.

a)

Teoryang ta-ta

b)

Teoryang pooh-pooh

c)

Teoryang tarara-boom-de-ay

d)

Teoryang la-la

10.

Taon na kung saan ang tawag sa ating wikang sinasalita ay pilipino.

a)

1987

b)

1978

c)

1959

d)

1896

11.

Ito ang araw na pinahintulutan ng Pangulo ng Pilipinas ang pagpapalimbag ng A Tagalog English Vocabulary at Ang Balarila ng Wikang Pambansa.

a)

Abril 4, 1940

b)

Abril 5, 1940

c)

Abril 3, 1940

d)

Abril 1, 1940

12.

Ito ang taon na kung saan isinigaw ng katipunan na maging pambansang wika ang Pilipino.

a)

1959

b)

1987

c)

1897

d)

1896

13.

Komon na wika sa rehiyong may iba’t ibang wikang sinasalita.

a)

Yunibersal Linggwa Franka

b)

Puristik Tagalog

c)

Rehiyunal na Linggawa Franka

d)

Pambansang Linggwa Franka

14.

Mga salitang nabuo batay sa layuning hindi maintindihan ng hindi nila kauri ang pananalita upang sa gayon maitago nila ang mensahe sa ibang taong nakikinig.

a)

Register na wika

b)

Balbal

c)

Idyolek

d)

Bekimon

15.

Siya ang naglarawan ng Maynila hango sa kanyang tula bilang lunan ng wikang dayuhan.

a)

Roberto Anonuevo

b)

Ruperto Cristobal

c)

Domingo Salazar

d)

Padre Pedro Chirino

16.

Siya ang nagsulong ng pagkakaroon ng isang tanggapang nagsusuri sa mga wikang katutubo sa Pilipinas.

a)

Manuel Roxas

b)

Manuel Quezon

c)

Sergio Osmena

d)

Emilio Aguinaldo

17.

Siya ang sumulat ng imperyalismo na nagtanggol sa katutubong wika at tinuligsa ang dulot ng wikang banyaga.

a)

Jose Dela Cruz

b)

Jose Corazon De Jesus

c)

Francisco Balagtas

d)

Marcelo H. Del Pilar

18.

Taon na kung saan nagsimula ang pagtuturo sa paaraalang publiko at pribado ang wikang pambansa.

a)

Hunyo 18,1939

b)

Hunyo 18, 1941

c)

Hunyo 19, 1940

d)

Hunyo 19, 1941

19.

Tawag sa indibidwal na paggamit ng wikang iba’t ibang propersyonal.

a)

Register na wika

b)

Balbal

c)

Idyolek

d)

Bekimon

20.

Wikang ginagamit sa isang lugar na sa loob ng maraming taon , na kakikitaan ng pagkakaiba ng bigkas, anyo ng salita at sintaks nito.

a)

Pambansang Linggwa Franca

b)

Rehiyunal na Dayalek

c)

Yunibersal na Linggwa Franca

d)

Bekimon

21.

 Sa uring ito ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter tumitingin. Sinusuri muna ang kabuoan at ang estilo at register ng wika ng sumulat.

a)

Iskaning

b)

Iskiming

c)

Previewing

d)

Kaswal

22.

Nagaganap ang ganitong uri ng komunikasyon sa harap ng maraming mamamayan o tagapakinig.

a)

Intrapersonal na Komunikasyon

b)

Interpersonal na Komunikasyon

c)

Komunikasyon Pampubliko

d)

Komunikasyon Pangmadla

23.

Ito ay nagsisimula sa kaisipan ng tagabasa patungo sa teksto sapagkat ang dating kaalaman ang nagpapasimula ng pagkillala ng teksto.

a)

Teoryang Iskiming

b)

Teoryang Top-Down

c)

Teoryang Bottom-up

d)

Teoryang Interaktibo

24.

Ito ay pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahahalagang kaisipan o ideya bilang pag-iimbak ng impormasyon. Kasama rito ang paggmit ng marker para bigyang pansin o highlights ang bahaging mahalaga sa binabasa.

a)

Pagtatala

b)

Iskiming

c)

Previewing

d)

Kaswal

25.

Matapos ang pagkuha ng impormasyon ay maaaring umpisahan na ang pagkakaroon ng diskusyon hinggil sa mga impormasyon na nakal[a ng mga mag-aaral.

a)

Pagtatala

b)

Paggamit ng Internet

c)

Debrief

d)

Mga koneksyon

26.

Isang proseso ng pagpapadala o pagtanggap ng impormasyon na maaaring berbal o di-berbal.

a)

Wika

b)

Komunikasyon

c)

Pagbasa

d)

Pagsulat

27.

Ito ang mabisang pakikipagtalastasan na kung saan nangangailangan ng mahusay na pakikipagkomunikasyon alinman sa negosyon upang magkaunawaan ang nagtitinda at ang mamimili.

a)

Kahalagahang Panlipunan

b)

Kahalagahang Pangkabuhayan

c)

Kahalagahang Pampulitika

d)

Kahalagahang Pang-impormasyon

28.

Nilalaman nito ang kaisipan, damdamin, ideya pag-uugali at sentimiyento na gustong ipabatid o maibahagi ang pinagmulan ng impormasyon

a)

Tagapaghatid

b)

Tsanel

c)

Fidbak

d)

Mensahe

29.

Ito ay tumutukoy sa sikolohikal, sosyal, kultural, at pisikal na kalagayan ng pinaggaganapan ng komunikasyon.

a)

Pook

b)

Tsanel

c)

Fidbak

d)

Mensahe

30.

Tumutukoy sa maaaring pagkakaiba ng interpretasyon sa mensahe na nais ipabatid

a)

Pisikal na Sagabal

b)

Semantikong Sagabal

c)

Pisyolohikal na Sagabal

d)

Sikolohikal na Sagabal

31.

Ang daluyan ay tumutukoy sa naging sagot ng tagatanggap, maaaring berbal o di berbal na pagsagot base sa impormasyon na natanggap mula sa tagapaghatid nito.

a)

TAMA

b)

MALI

32.

Ang potensyal na sagabal ay tumutukoy sa mga maaaring makasagabal sa pagbibigay kahulugan sa mensahe.

a)

TAMA

b)

MALI

33.

Ang tagapaghatid ay tumutukoy sa mga taong kasali sa komunikasyon.

a)

TAMA

b)

MALI

34.

Ang tsanel ay tumutukoy sa midyum na dinadaluyan ng mensahe upang maipaabot sa tagatanggap mensahe.

a)

TAMA

b)

MALI

35.

Pagpili na hanguan ng impormasyon na Isang kakayahang dapat taglayin ng mag-aaral sa kaniyang pananaliksik, para sa makabuluhang impormasyon kalakip ng kaniyang obserbasyon sa paligid. 

a)

Paggamit ng internet 

b)

Pagtatala 

c)

Debrief 

d)

Mga Koneksyon 

36.

Sa kanya nagmula ang modelo na tumatalakay sa pagiging dinamiko at fleksibol ng komunikasyon, dito ay malawak ang kaugnayan ng mga nakalipaspatungo sa hinaharap. Samakatuwid, ang proseso sa ganitong uri ng komunikasyon ay nagkakaroon ng malaking gampanin ang lahat ng karanasan ng tagapaghatid at tagatanggap ng mensahe, hindi napuputol o natitigil dahil ito ay patuloy na umiinog at walang eksaktong simula at katapusan.

a)

Modelo ni Schramm 

b)

Modelo ni Dance 

c)

Modelo ni Laswell 

d)

Modelo nin Aristotle

37.

Ito ay hanguan ng batis ng impormasyon na naglalaman ng  mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensaklopidya, taunang-ulat o yearbook, alamanac at atlas. Mga nalathalang artikulo sa joruna, magazine, pahayagan, at newsletter. Mga tisis, disertasyon at fisibiliti, nailathala man ang mga ito o hindi. Mga monograf, manwal, polyeto, manuskristo at iba pa.

a)

Batis ng Impormasyon

b)

Primaryang Batis ng Impormasyon 

c)

Sekondaryang Batis ng Impormasyon 

d)

Hangiang Elektroniko 

38.

Uri ng komunikasyong pansarili na nagaganap sa isang indibidwal lamang na mapapansin sa kanyang pagmumuni-muni, pag-iisip, meditasyon o pansariling pagdedesisyon,

A) Komunikasyong Pangkultura 

B) Komunikasyong Pangmadla 

C) Interpersonal na Komunikasyon 

D) Intrapersonal na Komunikasyon 

ANSWER: D

a)

Komunikasyong Pangkultura

b)

Komunikasyong Pangmadla 

c)

Interpersonal na Komunikasyon 

d)

Intrapersonal na Komunikasyon 

39.

Kategorya ng komunikasyon na may kinalaman sa aspekto ng buhay ng tao sa industriya, ekonomiya o anomang pangkabuhayan.

a)

Komunikasyong pangmadla 

b)

Komunikasyong Interpersonal 

c)

Komunikasyong Pangkaunlaran 

d)

Intrapersonal na Komunikasyon

40.

Tumutukoy ang sikolohikal na sagabal sa kultura na kinalakihan ng tao na maaaring maging sagabal sa interpretasyon ng mensahe.

a)

TAMA

b)

MALI

41.

Ang ganitong uri ng pagsulat ay kinakailangan upang masukat ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mga isyu sa lipunan o sa paksang kanilang pinag-aaralan.

a)

Sulating Panteknikal

b)

Sulating Jornalistik

c)

Sulating Pampropesyonal

d)

Pang-Akademikong Sulatin

42.

Basahin at unawaing mabuti ang mga nakala na impormasyon, literaturang may kaugnayan sa paksa o pag-aaral

a)

Pangangalap ng Impormasyon

b)

Pagsusuri ng nakalap na impormasyon

c)

Pagsulat

d)

Pag-eedit at Pagrerebisa

43.

Gumagamit ng Jargon o mga salitang ginagamit ng mga tao batay kanilang propesyon.

a)

Sulating Panteknikal

b)

Sulating Jornalistik

c)

Sulating Pampropesyonal

d)

Malikhaing Pagsulat

44.

Ito ang ginagamit sa paglalahad ng datos upang maipakita ang relasyon sa pagitan ng bilang o halaga.

a)

Venn Diagram

b)

Fishbone Diagram

c)

Bubble Diagram

d)

Grap

45.

Ito ang mga pinagsama-samang mga nakalap na impormasyon na kung saan ito ay nasa lohikal at kronolohikal na ayos ang mga impormasyon. Isusulat ito sa sariling pananalita.

a)

Hawig

b)

Lagom o Sinopsis

c)

Presi

d)

Buod

46.

Ito ay sumusunod sa pamantayan ng pagsulat.

a)

Pormal na Pagsulat

b)

Di-pormal na Pagsulat

c)

Sulating Pangnilalaman

d)

Sulating Pang-impormasyon

47.

Kinakailangang mayroong malawak na imahinasyon ang manunulat kung siya ay magsusulat ng isang akda.

a)

Sulating Panteknikal

b)

Sulating Jornalistik

c)

Sulating Pampropesyonal

d)

Malikhaing Pagsulat

48.

Sulating ginagamit ng manunulat upang mabigyang kahulugan ang mga gawain o mga bagay. Maaaring ito ay kompyuter, teknolohiya, robotiks, at elektroniks.

a)

Sulating Panteknikal

b)

Sulating Jornalistik

c)

Sulating Pampropesyonal

d)

Malikhaing Pagsulat

49.

Tinaguriang responsableng pagsusulat ang ganitong uri ng pagsulat sapagkat sinusulat dito ay mga balita o isyu sa loob o labas ng bansa

a)

Sulating Panteknikal

b)

Sulating Jornalistik

c)

Sulating Pampropesyonal

d)

Malikhaing Pagsulat

50.

Uri ng pagsulat ayon sa anyo na hindi sumusunod sa pamantayan ng pagsulat at hindi na kinakailangan ng mabusising pag-aaral pananaliksik.

a)

Pormal na Pagsulat

b)

Di-pormal na Pagsulat

c)

Sulating Pangnilalaman

d)

Sulating Pang-impormasyon