wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Roxas 1946-1948

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Anong batas ang nagtakda ng kalayaan ng Pilipinas matapos ang 10 taong transisyon ng Pamahalaang Komonwelt?

a)

Batas Tydings- McDuffie

b)

Batas Pilipinas

c)

Batas Cooper

d)

Batas Jones

2.

Sino ang unang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas?

a)
b)
c)
d)
3.

Ito ay batas na nagtakda ng pagkakaroon ng malayang kalakalan sa pagitan ng US at Pilipinas.

a)

Parity Rights

b)

Bell Trade Act

c)

Rehabilitation Act

d)

Treaty of General Relations

4.

Naglaan ang batas na ito ng $620 milyon sa Pilipinas bilang bayad-pinsala at tulong ng US upang maayos ang mga nasira sa panahon ng digmaan.

a)

Parity Rights

b)

Bell Trade Act

c)

Tydings Rehabilitation Act

d)

Treaty of General Relations

5.

Sa pamamagitan ng batas na ito, nagkaroon ang mga Amerikano ng karapatang ibenta, linangin, galugarin, paunlarin at gamitin ang lahat ng yamang natural ng Pilipinas.

a)

Parity Rights

b)

Bell Trade Act

c)

Tydings Rehabilitation Act

d)

Treaty of General Relations

6.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI naging suliranin ng bansa noong panahon ni Roxas?

a)

pagbaba ng antas ng kalusugan

b)

pagbagsak ng produksiyong agrikultural

c)

pagbaba ng moral ng mga Pilipino

d)

pagdami ng dayuhan sa bansa

7.

Ayon sa Batas Bell o Bell Trade Act, walang limitasyon ang mga produktong maaaring ipasok ng mga Amerikano sa Pilipinas.

a)

Tama

b)

Mali

8.

Sinong lider ng HUKBALAHAP ang nahalal sa kongreso ngunit natiwalag din dahil sa kaniyang pagsalungat sa Parity Rights agreement?

a)

Ninoy Aquino

b)

Luis Taruc

c)

Macario Sakay

d)

Claro M. Recto

9.

Isa ang Pilipinas sa orihinal na miyembro ng United Nations na itinatag noong Oktubre 24, 1945.

a)

Tama

b)

Mali

10.

Bakit hindi natapos ni Roxas ang kaniyang panunungkulan?

a)

Nakasuhan siya ng pandarambong.

b)

Namatay siya sa atake sa puso.

c)

Napatay siya ng mga namundok na HUK.

d)

Nagkaroon ng biglaang eleksiyon.

11.

Ginamit ng US ang edukasyon upang ipakilala sa mga Pilipino ang kultura nila. Ano ang tawag sa mga Pilipinong ipinadala sa US upang mag-aral?

a)

ilustrado

b)

ambasador

c)

iskolar

d)

pensionado

12.

Nagkaroon ng paniniwala ang mga Pilipino na higit na mahusay, maganda, at de-kalidad ang mga produkto ng mga Amerikano kaysa sa sariling gawa. Anong uri ng kaisipan ito?

a)

Neokolonyalismo

b)

kaisipang kolonyal

c)

Kaisipang Nasyonalismo

d)

Makabayan

13.

Anong kasunduan ang nagbigay ng karapatan sa US upang papanatilihin ang kanilang base militar sa bansa sa loob ng 99 taon?

a)

Balikatan Exercises

b)

Visiting Forces Agreement

c)

Military Bases Agreement

d)

Treaty of General Relations

14.

Tinaguriang mga _______ ang mga Pilipinong inakusahang nakikipagtulungan sa mga Hapones. Kasama rito sina Jose Laurel at Benigno Aquino Sr.

a)

kempeitai

b)

kolaborador

c)

komunista

d)

taksil

15.

Kailan namatay si Manuel Roxas?

a)

Abril 15, 1946

b)

Abril 5, 1945

c)

Abril 25, 1947

d)

Abril 15, 1948