wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 7_Ikatlong Markahan Reviewer

Total questions: 45

Worksheet time: 23mins

Name
Class
Date
1.

Ang sumusunod ay karaniwang bilang ng pantig sa isang tula maliban sa isa. Ano ito?

a)

14

b)

12

c)

16

d)

18

2.

Ang sumusunod ay elemento ng tula MALIBAN sa:

a)

Tugma

b)

Sukat

c)

Pagtutulad

d)

Talinghaga

3.

Anong elemento ng tula ang tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.

a)

Tugma

b)

Sukat

c)

Talinghaga

d)

Pagtutulad

4.

Ito ay elemento ng tula kung saan sadyang inilalayo ang paggamit ng mga karaniwang salita upang higit na maging mabisa at kaakit-akit ang tula.

a)

Talinghaga

b)

Tugma

c)

Sukat

d)

Saknong

5.

Anong uri ng tugma ang may magkakaparehong tunog sa huling pantig o dulumpantig ng bawat taludtod?

a)

Tugmang Di-Ganap

b)

Tugmang Palaganap

c)

Tugmang Ganap

d)

Tugmang-tugma

6.

Anong uri ng tayutay ito:

Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa taas at minsan nasa ibaba.

a)

Metapora

b)

Pagtutulad

c)

Pagpapalit-saklaw

d)

Pagtawag

7.

Anong uri ng tayutay ito:

Siya ang ahas sa kanilang magkakaibigan.

a)

Metapora

b)

Pagtutulad

c)

Personipikasyon

d)

Pagmamalabis

8.

Anong uri ng tayutay ito:

Handa akong maglaba ng gabundok na damit, makuha ko lang ang iyong matamis na oo.

a)

Metapora

b)

Pagtutulad

c)

Personipikasyon

d)

Pagmamalabis

9.

Anong uri ng tayutay ito:

Hindi naman sa pangit ka, pero pangit ka talaga.

a)

Personipikasyon

b)

Pagmamalabis

c)

Pagtanggi

d)

Pagtawag

10.

Anong uri ng tayutay ito:

Kamatayan, bakit di pa wakasan yaring buhay?

a)

Personipikasyon

b)

Pagtawag

c)

Pagmamalabis

d)

Pagtanggi

11.

Anong uri ng tayutay ito:

Nang dahil sa sampung mga kamay ay natapos nang mabilis ang aming gawain.

a)

Pagmamalabis

b)

Pagpapalit-saklaw

c)

Pagtanggi

d)

Pagtawag

12.

Anong uri ng tayutay ito:

Niyakap ako ng malamig na hangin.

a)

Pagtutulad

b)

Pagtawag

c)

Personipikasyon

d)

Pagtanggi

13.

Ito ay uri ng tayutay kung saan gumagamit ng panangging hindi upang magpahiwatig ng isang makabuluhang pangsang-ayon o pagsalungat.

a)

Pagtutulad

b)

Pagtawag

c)

Personipikasyon

d)

Pagtanggi

14.

Ito ay uri ng tayutay na pinalalabis o pinakukulang ang kalagayan o katayuan ng tao o bagay na tinutukoy.

a)

Pagtutulad

b)

Pagmamalabis

c)

Personipikasyon

d)

Pagtanggi

15.

Ito ay uri ng tayutay kung saan pinaghahambing ang dalawang magkaiba subalit may pagkakaugnay na mga bagay.

a)

Pagtutulad

b)

Pagmamalabis

c)

Personipikasyon

d)

Pagtanggi

16.

Ito ay akdang patula na ang layunin ay manlibak, manukso o mang-uyam at may himig na nagbibiro kaya kilala rin sa tawag na Pagbibirong Patula. Ano ito?

a)

Tulang de Gulong

b)

Bugtong

c)

Palaisipan

d)

Tulang/Awiting Panudyo

17.

Ito ay tumutukoy sa mga paalala o babala na makikita sa mga pampublikong sasakyan at ito ay may kinalaman sa pagbibiyahe ng mga pasahero.

a)

Tulang de Gulong

b)

Bugtong

c)

Palaisipan

d)

Tulang/Awiting Panudyo

18.

Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan na binibigkas ng patula at kalimitang maiksi lamang.

a)

Tulang de Gulong

b)

Bugtong

c)

Palaisipan

d)

Tulang/Awiting Panudyo

19.

Ito ay kabilang sa mga kaalamang-bayan na ang layunin ay pukawin o pasiglahin ang kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon sa isang lugar.

a)

Tulang de Gulong

b)

Bugtong

c)

Palaisipan

d)

Tulang/Awiting Panudyo

20.

Ito ay uri ng ponemang suprasegmental na tumutukoy sa lakas ng bigkas ng pantig sa salita.

a)

Haba

b)

Diin

c)

HInto

d)

Antala

21.

Anong uri ng ponemang suprasegmental ang tumutukoy sa saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na malinaw ang mensaheng ipinapahayag.

a)

Haba

b)

Diin

c)

HInto

d)

Tono

22.

Anong uri ng ponemang suprasegmental ang tumutukoy sa pagtaas at pagbaba sa pagbigkas ng pantig sa salita.

a)

Haba

b)

Intonasyon

c)

Hinto

d)

Tono

23.

Ano ang dalawang uri ng di-berbal na palatandaan.

a)

Kumpas ng kamay at Galaw ng Ulo

b)

Kumpas ng Kamay at Galaw ng Kuko

c)

Kumpas ng Mata at Galaw ng Katawan

d)

Kumpas ng Kamay at Galaw ng Mata at Katawan

24.

Ito ay nakatutulong sa mabisang pagpapahayag lalo na sa pagbigkas ng tula gaya ng kumpas ng kamay at galaw ng mata at katawan.

a)

Ponemang Suprasegmental

b)

Di-berbal na Palatandaan

c)

Kaalamang Bayan

d)

Tugmang de Gulong

25.

Anong kaalamang bayan ito:

Sa isang kulungan ay may limang baboy si Mang Juan. Lumundag ang isa, ilan ang natira?

a)

Tulang de Gulong

b)

Bugtong

c)

Palaisipan

d)

Tulang/Awiting Panudyo

26.

Anong kaalamang bayan ito:

Nagtago si Pilo, nakalitaw ang ulo.

a)

Tulang de Gulong

b)

Bugtong

c)

Palaisipan

d)

Tulang/Awiting Panudyo

27.

Anong kaalamang bayan ito:

Pasaherong masaya, tiyak na may pera.

a)

Tulang de Gulong

b)

Bugtong

c)

Palaisipan

d)

Tulang/Awiting Panudyo

28.

Anong kaalamang bayan ito:

Bata batuta!

Isang perang muta!

a)

Tulang de Gulong

b)

Bugtong

c)

Palaisipan

d)

Tulang/Awiting Panudyo

29.

Ang sumusunod ay mga hudyat sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari maliban sa isa. Ano ito?

a)

Pagbibigay-pokus

b)

Pagbibigay-alay

c)

Pagbabagong-lahat

d)

Pagdaragdag

30.

Ang mito, alamat, at kuwentong-bayan ay nilika o isinalaysay upang makapagbigay ng gintong _____.

a)

Pera

b)

Aklat

c)

Buhok

d)

Aral

31.

Hulaan ang sagot sa bugtong:

Tumingin ka sa akin, ang makikita mo'y ikaw din.

a)

Paro Paro G

b)

Salamin

c)

Sapatos

d)

Yoyo

32.

Hulaan ang sagot sa bugtong:

Nagbibigay na, sinasakal pa.

a)

Bote

b)

Salamin

c)

Yoyo

d)

Paro Paro G

33.

Hulaan ang sagot sa bugtong:

Isang butil ng palay, sakop ang buong bahay.

a)

Bote

b)

Paro Paro G

c)

Bombilya

d)

Sapatos

34.

Hulaan ang sagot sa bugtong:

Hindi hayop, hindi tao, nagsusuot ng sombrero.

a)

Bote

b)

Salamin

c)

Paro Paro G

d)

Sabitan ng Sombrero

35.

Hulaan ang sagot sa bugtong:

Araw-araw nabubuhay, taon-taon namamatay.

a)

Bote

b)

Kalendaryo

c)

Yoyo

d)

Paro Paro G

36.

Hulaan ang sagot sa bugtong:

Maliit na bahay, puno ng patay.

a)

Bote

b)

Paro Paro G

c)

Yoyo

d)

Posporo

37.

Ang bugtong ay kabilang sa mga panitikang salin-dila.

a)

TAMA

b)

MALI

38.

Ang Mito ay tumatalakay sa mga kuwentong may kinalaman sa Diyos, Diyosa, Bathala, Diwata, at iba pang nilalang na may kapangyarihan.

a)

TAMA

b)

MALI

39.

Ang alamat ay isang maikling kuwento tungkol sa isang tauhang naninirahan at nagtataglay ng katangian, katutubong kulay o kultura sa isang partikular na lugar o pangkat.

a)

TAMA

b)

MALI

40.

Ang alamat ay kuwentong nagsasaad kung saan nanggaling o nagmula ang mga bagay-bagay.

a)

TAMA

b)

MALI

41.

Ang mito, alamat at kuwentong-bayan ay magkakaugnay sapagkat ito ay tumatalakay sa pagkain.

a)

TAMA

b)

MALI

42.

Ang ponemang suprasegmental ay mahalaga para sa mabisang pakikipagtalastasan at nakatutulong ito upang maging mas maliwanag at maiparating ang tamang damdamin sa pagpapahayag.

a)

TAMA

b)

MALI

43.

Ang "Nawawalang Kuwintas" ay isang pabula mula sa Negros Oriental.

a)

TAMA

b)

MALI

44.

Ang kuwentong "Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Canao" ay isinulat ni Simplicio Bisa.

a)

TAMA

b)

MALI

45.

Ang Uwak at Inahin ang mga pangunahing tauhan sa pabulang "Ang Nawawalang Kuwintas".

a)

TAMA

b)

MALI