NEW
Font size
WorksheetsPagsasabuhay: Birtud ng Pasasalamat
Total questions: 10
Worksheet time: 7mins
Ang Pagpapasalamat ay gawi ng isang taong__________.
mapagkumbaba
masigasig
mapagpasalamat
maalalahanin
Ang mga sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat, maliban sa;
Pagiging maingat sa materyal na pagpapala buhat sa ibang tao.
Pagkakaroon ng kagalakan sa kinikilala mo ang mga kabutihang kaloob ng kapwa.
Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinakita mo ang pasasalamat sa kanila.
Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil naging positibo ka sa pananaw sa buhay.
Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng kawalan ng pasasalamat maliban sa_______.
Pagiging mataas o mayabang
Walang utang na loob.
pagsulat ng liham pasasalamat
Walang pakialam
Ang pagiging mapagpasalamat ay tanda ng isang taong puno ng ________.
Biyaya
Kabutihan
Saya
Katarungan
Nararapat bang pasalamatan ang mga magulang? Bakit?
Oo, dahil sila ang nagpapalaki sa iyo
Oo, dahil sa walang sawang kumakalinga sa iyo
Hindi, dahil karapatan nilang alagaan ang mga anak
Hindi, dahil responsibiliad nila ang kanilang mga ginagawa
Bakit mahalaga na maisabuhay o maipakita ang pasasalamat?
Upang maipakita mo sa tao na may kakayahan kang magpasalamat
Upang maipakita mo sa tao na kaya mong magbayad ng utang na loob
Upang maipakita ang pagiging responsableng tao
Upang higit kang masaya dahil alam mong ito ay ayon sa kagustuhan ng Diyos
Alin sa mga sumusunod ang tanda ng isang taong may pasasalamat?
Si Ana ay kuntento sa kaniyang buhay kahit simple lamang dahil alam niyang pahalagahan ang mabubuting natanggap Niya mula sa iba at sa Diyos.
Sa kabila ng mga pagpapalang natanggap ni Roy ay marunong pa rin siyang tumingin sa kanyang pinanggalingan.
Nag aaral ng mabuti si Lito upang marating niya ang kaniyang mga pangarap.
Laging nagpasalamat si Jane sa mga taong tumulong sa kanya kahit hindi bukal sa kaniyang kalooban.
Hindi ka masaya sa pamumuno ng iyong Barangay Officials kahit na makikita ang magandang pagbabago ng inyong pamayanan. Anong gawi ang iyong pinapakita?
Pagmamalasakit sa kapwa
Pagmamahal sa sarili
Kabutihang-loob
Kawalan ng pasasalamat
Bakit masaya ang isang tao na mapagpasalamat?
Marami pa siyang matatanggap na biyaya mula sa kapwa.
Nararamdaman niya ang kabutihang-loob ng kaniyang kapwa.
Alam niya na naging mabuti siya sa pakikisama sa kaniyang kapwa.
Dahil alam niya na nakagawa siya ng tama.
Kasali ka sa dula na iniatas sa inyo ng inyong guro. Puting damit ang kailangang suotin. Pinahiram ka ng iyong kaklase. Alin ang praktikal na maaari mong gawin bilang pasasalamat sa kanya?
Isauli na lamang ang damit sa kaklase.
Ibili siya ng makakain sa canteen.
Bayaran na lamang siya kahit sa maliit na halaga.
Labhan ang damit at magpasalamat sa kaklase.
