WorksheetsAP4-Q3-W7-Subukin
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa sitwasyong pangkabuhayan kung saan nalalaman ang antas ng isang bansa kung ito ay maunlad, papaunlad o mahirap?
A. Ekonomiya
B. Politika
C. Impraestruktura
D. Agrikultura
2. Si Pangulong Rodrigo Duterte ay binibigyang prayoridad ang pagpapabuti at pagpapaunlad sa ekonomiyang panloob. Ano pa ang kanyang ginagawa upang magkaroon ng karagdagang seguridad pang-ekonomiya ang Pilipinas?
A. Nakikipag-ugnayan sa ibang bansa
B. Nakikipag-usap lamang sa ibang bansa
C. Nakikipagmabutihan sa mga karatig-bansa sa Asya
D. Nakikipagtulungan sa mga bansang kaanib lamang sa ASEAN
3. Anong mga hakbang ang isinasagawa ng ating pamahalaan upang magkaroon ng karagdagang seguridad pang-ekonomiya ang Pilipinas?
I. pagsasagawa ng mga programa upang makaakit ng mamumuhunan
II. malinang ang panluwas na pamilihan
III. mapaunlad ang turismo,
IV. mapadali ang pagtanggap ng tulong mula sa ibang bansa
A. I at II
B. I, II at III
C. I, III at IV
D. I, II, III at IV
4. Upang maging tiyak at maayos ang ekonomiya, masusing isinaad sa Saligang Batas ang tatlong layunin sa pagtataguyod ng pambansang ekonomiya. Ang mga ito ay ang sumusunod MALIBAN sa isa:
A. Makatarungang pamamahagi ng kita, pagkakataon, at kayamanan
B. Patuloy na paglaki ng produksiyon ng kalakal at paglilingkod para sa taong bayan
C. Lumalawak na kasaganaan na susi sa pagtaas ng antas ng pamumuhay ng tao lalo na ang mga kapus-palad.
D. Patuloy na pakikipagsapalaran magkapagtayo ng mga industriya
5. Alin ang HINDI patakarang pang-ekonomiya ng pamahalaan na nagsisilbing gabay sa pagtataguyod ng mga programang pangkaunlaran ng bansa?
A. Pangangalaga sa mga manggagawa
B. Pangangalaga sa mga kalakal at industriyang lokal
C. Pagpapaunlad ng agrikultura, kagubatan, yamang tubig, at yamang mineral
D. Pagsasaayos ng mga tulay at kalsada
6. Upang mapabilis ang kaunlaran ng ekonomiya at makalikha ng maraming trabaho, lalo na sa mga lalawigan naglalaan ng pondo ang pamahalaan para sa national roads, tulay; mga paliparan, daungan, at mga parola; mga silid-aralan at iba pa. Saan mabibilang ang mga nasabing proyekto ng pamahalaan?
A. Pang-impraestruktura
B. Pampolitika
C. Pang-edukasyon
D. Pangkalikasan
7. Hirap ang mga tao sa lugar na malapit sa ilog tuwing umuulan upang mamalengke lalo na kung maulan. Gustong magpatayo ng tulay ng inyong kapitan. Anong ahensiya ng pamahalaan ang makatutulong sa proyektong ito?
A. Kagawaran ng Edukasyon
B. Kagawaran ng Katarungan
C. Kagawaran ng Kalusugan
D. Kagawaran ng mga Pagawainat Lansangang Bayan
8. Sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng Pilipinas ay nagpapatayo ng mga flyover. Anong programang pangimpraestruktura ang nagpapatupad nito at sa anong layunin?
A. Kagawaran ng Edukasyon
B. Kagawaran ng Katarungan
C. Kagawaran ng Kalusugan
D. Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan
9. Ngayong panahon ng COVID-19 pandemic ay napakahalaga ang pangasiwaan ng National Telecommunication Commission (NTC) para sa paghahatid ng mga makabagong teknolohiya at makapagpabilis sa komunikasyon ng mga tao. Ano-ano ang kagamitang nakatutulong sa mabilis na pakikipag-ugnayan ng mga tao?
A. telepono, jeepney, bus
B. radio, tricycle, motorsiklo
C. eroplano, helicopter, kotse
D. Cellphone, computer, internet, radyo at telebisyon
10. Ano ang kaugnayan ng maayos na impraestruktura sa pagunlad ng bansa?
A. Nakapagbibigay ito ng solusyon sa mga problema ng bansa
B. Nakatutulong sa pagpapaangat ng kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino
C. Paraan ito upang maging malaya ang bansa na makipagugnayan
D. Nagiging dahilan ito ng pagtaas ng kita ng pamahalaan
