Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino Modyul 5 - Tayahin

Total questions: 15

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

1. Anong katangian ni Lakshamanan ang lumutang sa bahaging ito ng akda?:

"Nasaktan si Lakshamanan sa bintang ni Sita. Para patunayang mahal niya ang kapatid, agad siyang sumugod sa gubat."

a)

A. may pusong mamon

b)

B. magaling makipaglaban

c)

C. mapagmahal na kapatid

d)

D. padalos-dalos sa pagdedesisyon

2.

2. Ano ang higit na katangiang ipinamalas ni Sita sa bahaging ito?:

“Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan” sabi ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita.

a)

A. taksil na kabiyak

b)

B. matapat sa saril

c)

C. matalinong mag-isip

d)

D. naghahangad ng kapangyarihan

3.

3. Alin sa sumusunod ang katangiang ipinamalas ni Rama sa akda?

a)

A. agresibo

b)

B. maaasahan

c)

C. matapat

d)

D. pursigido

4.

4. Alin sa sumusunod ang higit na nagpapakita ng katangian ng isang epiko?

a)

A. Ang paksa ay tumutuligsa sa mga isyung panlipunan.

b)

B. Ang paksa ay tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay.

c)

C. Ang tauhang gumaganap ay mga hayop na nakapagsasalita.

d)

D. Ang tauhan ay madalas na nakikipagdigma para sa mga mahal sa buhay.

5.

5. Alin sa mga pahayag ang HINDI TOTOO tungkol sa kahulugan ng epiko?

a)

A. Ito ay isang uri ng tulang pasalaysay.

b)

B. Binibigyan ng diin ang pinagmulan ng isang bagay

c)

C. Binibigyan ng diin ang katangiang supernatural ng tauhan.

d)

D. Naglalarawan ng kabayanihan at katapangan ng pangunahing tauhan.

6.

6. Sa paanong paraan naiiba ang epiko sa ibang uri ng tula?

a)

A. binibigkas nang paindayog

b)

B. mayaman sa supernatural na pangyayari

c)

C. inaalay sa mga namayapang mahal sa buhay

d)

D. may sukat na labingwalong pantig sa bawat taludtod

7.

7. Nagpanggap bilang isang Brahmin na pinakamataas sa lipunan si Ravana. Ano ang ipinakikita nito sa kulturang Hindu?

a)

A. May pagpapangkat ng uri ng tao

b)

B. Mapagpanggap ang ilang mamamayan

c)

C. Kailangang tumakas sa katotohanan para yumaman

d)

D. Ang kayamanan ay nasa katotohanan ng pamumuhay

8.

8. Alin sa sumusunod ang kabilang sa kulturang Hindu?

I. Pagsasagawa ng Caňao

II. Sinusunog ang bangkay ng mga taong namayapa

III. Brahmin ang pinakamataas na antas sa sistemang caste.

IV. Kinikilala ang sistemang caste sa pagpapangkat ng tao sa lipunan.

a)

A. I, II

b)

B. II, IV

c)

C. I, II, III

d)

D. II, III, IV

9.

9. Nagdasal si Sita na sana ay makita ni Rama ang palatandaan para masundan siya at mailigtas. Anong pagpapahalagang Pilipino ang maihahambing sa ikinilos ng tauhan?

a)

A. pag-asa sa tadhana

b)

B. pagiging matulungin sa iba

c)

C. pagsasaisip sa lahat ng tao

d)

D. pagkapit sa Diyos sa oras ng kagipitan

10.

10. Sa epikong binasa, ipinakita ng mga tauhan na hindi matatawaran ang pagmamahal nila sa kani-kanilang pamilya. Ang ganitong pagpapahalaga ay nasasalamin din sa ilang bansa sa Asya. Ano ang mabubuong kongklusyon mula rito?

a)

A. Masakit ang mawalan ng pamilya

b)

B. Higit na pinahahalagahan ng mga Asyano ang pamilya

c)

C. Dapat ipagtanggol ang kapamilya kahit nasa maling panig.

d)

D. Ang matiwasay na relasyon ng pamilya ay magdudulot ng kapangyarihan sa angkan.

11.

11. Ayon sa paniniwala ng mga Hindu, ang antyesti ay isang proseso kung saan mabilis na inihihiwalay ang kaluluwa mula sa bangkay ng taong namayapa. Alin sa sumusunod na pangyayari sa epiko ang maaring iugnay sa paniniwalang ito?

a)

A. Pag-aanyong agila ni Maritsa

b)

B. Pagsunog sa bangkay ng agila

c)

C. Labanan sa pagitan nina Rama at Ravana

d)

D. Pagpapapanggap ni Ravana bilang isang Brahmin

12.

12. Tumanggi si Maritsa na tumulong nang malaman niyang sina Rama at Lakshamanan ang katunggali dahil “Kakampi nila ang mga Diyos” Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?

a)

A. Maiiwasan nila ang mga kaaway dahil sila ang mga Diyos.

b)

B. Lahat ng bagay ay kaya nilang gawin dahil binabantayan sila ng mga Diyos

c)

C. Ang mga kaaway ay madali nilang matatalo dahil nasa panig nila ang mga Diyos.

d)

D. Hindi kayang labanan ng mga kaaway dahil sa supernatural na kapangyarihan na galing sa Diyos.

13.

13. Ang India at Pilipinas ay parehas may epiko sa kani-kanilang panitikan. Alin sa sumusunod ang may pinakaangkop na pagpapaliwanag sa magkatulad na kultura ng dalawang bansa batay rito?

a)

A. Naniniwalang ang lahat ay nagmula sa Agham

b)

B. Ipinakikita ang paniniwala sa mga supernatural na lakas.

c)

C. Pinaninindigang may mataas at mababang uri ng tao sa lipunan.

d)

D. Ipinakikitang ang kagandahan ay laging nakabatay sa katotohanan.

14.

14. Anong nangibabaw na mensahe ang nais ipabatid ng epikong Rama at Sita?

a)

A. Pagtitiwala sa pagmamahal

b)

B. Ang paraan sa pakikipagdigma

c)

C. Pananalig kay Bathala sa oras ng pakikipaglaban

d)

D. Pagkilala sa pinakamataas na pinuno ng kaharian

15.

15.Anong tema ang binigyan ng diin sa epikong Rama at Sita?

a)

A. politika

b)

B. pamilya

c)

C. kapangyarihan

d)

D. puwersa ng kalikasan