Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP6 (IKALAWANG MAIKLING PAGSUSULIT)

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Ito ang ang kataas-taasang kapangyarihan ng isang bansa na mamuno nang malaya sa mga mamamayan at teritoryo nito nang walang panghihimasok mula sa ibang bansa.

(a)  

2.

Ang soberanya ay binigyang kahulugan sa pamamagitan ng _______________ ng 1933.

a)

Montevideo Conventional

b)

Montevideo Convention

c)

Montevide Convention

3.

Alin sa mga sumusuno ang HINDI kabilang sa mga Katangian ng bansang may Soberanya?

a)

PALAGIAN O PERMANENTE

b)

DI NASASALIN

c)

MALAWAK

d)

SALAT

4.

Ano ang tumutukoy sa kapangyarihan ng estadong magpasunod sa lahat ng taong naninirahan sa teritoryong nasasakupan nito?

(a)  

5.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang kung paano naipapakita ang soberanyang panlabas

a)

Pakikipag-ugnayan sa ibang bansa

b)

Pakikipagkasundo sa ibang bansa na sakupin ang estado nito

c)

Pagmamalasakit ng ibang bansa sa ating bansa

d)

Pagsapi sa mga pandaigdig at panrehiyong samahan upang mapadali ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa

6.

Ano ang kapangyarihang nagmumula sa lahat ng mamamayan ng isang bansa—hindi lamang ang mga mamamayang nakakaboto?

a)

soberanyang popular

b)

soberanyanlegal

c)

soberanyang titular

7.

Ang soberanyang de facto ay ang pagkakaroon ng kapangyarihan na mamuno sa isang bansa batay sa batas

a)

TAMA

b)

MALI

8.

Ang soberanyang de jure ay ang pagkakaroon ng kapangyarihan na mamuno na kinikilala at inirerespeto ng mamamayan ng isang bansa.

a)

MALI

b)

TAMA

9.

Ang soberanyang titular ay kapangyarihan na mamuno sa pangalan lamang, ngunit hindi sa realidad.

a)

TAMA

b)

MALI

10.

Ang soberanya ay permanente o nananatili hangga’t malaya ang isang bansa. Hindi ito maaaring ilipat sa anumang bansa. Ang soberanya ng isang bansa ay sumasakop sa lahat ng nakapaloob sa teritoryo nito.

 

a)

TAMA

b)

MALI

11.

Mahalaga rin ang panloob na soberanya sa pagtatakda ng pamamaraan ng paggamit sa kalupaan, katubigan, at mga likas na yaman ng teritoryo.

a)

TAMA

b)

MALI

12.

Mahalaga rin ang pagkakaroon ng panloob na soberanya para sa pagpapanatili at pagtatanggol ng kalayaan ng bansa.

a)

MALI

b)

TAMA

13.

Ito ang tumutukoy sa kalayaan ng isang bansa mula sa kontrol o panghihimasok ng ibang bansa. Bahagi rin nito ang kakayahan ng isang bansa na makipag-ugnayan sa ibang bansa sa pantay at patas na paraan at batayan.

(a)  

14.

Mahalaga ang panlabas na soberanya para sa pagbuo ng kooperasyon at maayos na relasyon sa pagitan ng iba't ibang bansa.

a)

TAMA

b)

MALI

15.

Pinangalagaan nito ang pamahalaan at mamamayan laban sa terorismo at kaguluhan.

a)

Saligang Batas

b)

Sandatahang Lakas ng Pilipinas

c)

Pamahalaan

16.

Tawag sa isang bansang binubuo ng tao, teritoryo, pamahalaan, at may soberanya.

a)

Estado

b)

Bansa

c)

Soberanya

17.

Ano ang pinakamahalagang elemento ng isang bansa?

a)

pamahalaan

b)

soberanya

c)

mamamayan

d)

teritoryo

18.

Alin ang itinuturing na teritoryo ng isang bansa?

a)

ang lupang di tinitirhan

b)

ang lahat ng lupang nasasakupan at ibig sakupin nito

c)

ang lupang tinitirhan ng mga tao na sakop nito

d)

ang lahat ng lupa, katubigan, at himpapawid na nasasakupan nito

19.

Kailan maituturing na isang estado ang isang bansa?

a)

kapag ito ay walang kalayaan

b)

kapag ito ay may soberanya

c)

kapag ito ay may malawak na teritoryo

20.

Paano nakakamit ng isang bansa ang pagiging isang estado?

a)

ito ay kinikilala ng ibang bansa bilang estado

b)

mayroon itong matatag na sandatahang lakas

c)

mayroong pagkakaisa ang mga mamamayan nito

d)

nakipagkalakan ito sa ibang bansa

21.

Ang Pilipinas ay isang bansa dahil ito ay __________

a)

binubuo ng mamamayan, teritoryo at pamahalaan

b)

may mamamayan, teritoryo, pamahalaan at soberanya

c)

binubuo ng mamamayan, pinuno at soberanya

d)

may pamahalaan, walang kalayaan, mamamayan at teritoryo

22.

Alin sa mga elemento ng estado ang tagapagpatupad ng mga mithiin ng mamamayan sa isang estado.

a)

Pamahalaan

b)

Teritoryo

c)

Soberanya

d)

Mamamayan

23.

Ano ang hukbong nagpoprotekta sa bansa at mamamayan laban sa mga dayuhang mananakop?

a)

Hukbong Pandagat

b)

Hukbong Katihan

c)

Hukbong panghimpapawid

24.

 

Sinisigurado nilang walang dayuhan o kaaway a maaring maging banta sa kapayapaan ng bansang daraan sa papawiring nasasakop ng bansa.

a)

Hukbong Katihan

b)

Hukbong panghimpapawid

c)

Hukbong Sandatahan

d)

Hukbong Pandagat

25.

Ito ay tumutukoy sa lupaing nasasakupan ng isang estado.

a)

Mamamayan

b)

Pamahalaan

c)

Teritoryo

d)

Soberanya