wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP5 (Ikatlong Markahan)

Total questions: 25

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Ang ating mga ninuno ay may mga pinaniniwalaang Diyos-Diyosan bago pa man dumating ang mga Espanyol. Nang dumating ang mga Kastila, anong relihiyon ang kanilang pinalaganap?

a)

Aglipay

b)

Kristiyanismo

c)

Budismo

d)

Paganismo

2.

Ang unang misa sa ating bansa ay naganap sa _____.

a)

Pampanga

b)

Palawan

c)

Manila

d)

Cebu

3.

Ang reduccion ay ang sapilitang pagpapalipat sa mga katutubo sa mga _____.

a)

Plaza

b)

Pueblo

c)

Paaralan

d)

Simbahan

4.

Sila ang nagbibinyag sa mga katutubong Pilipino na sumapi sa relihiyong Kristiyanismo.

a)

Cabeza de barangay

b)

Prayle

c)

Hari

d)

Pilipino

5.

Ang bawat bahagi ng hacienda na pinauupahang lupa ng mga Espanyol ay tinatawag na.

a)

inquire

b)

inquiry

c)

inquilinato

d)

inquility

6.

Ang ____ ay buwis na kailangang bayaran ng mga Pilipino batay sa kaniyang kabuoang kita.

a)

cedula personal

b)

cedula personality

c)

sedula personal

d)

cedular personal

7.

Ang ____ ay nagpapasailalim sa mga lalaking 16 hanggang 60 taong gulang sa sapilitang paggawa.

a)

poly y services

b)

polo i serviciano

c)

poly ei servicio

d)

polo y servicio

8.

Ang _____ ay kasunduan sa pagitan ng hari ng Spain at ng Santo Papa upang maipalaganap ang Kristiyanismo at mapaigting ang pamamahala sa kolonya.

a)

Patron Real

b)

Patronato Real

c)

Patronato Reel

d)

Patron Relay

9.

Sa panahon na walang gobernador-heneral ay ang _____ ang maaaring maging pansamantalang gobernador-heneral.

a)

hari

b)

kura paroko

c)

prayle

d)

arsobispo ng Maynila

10.

Gamit ang aklat na ______, ipinalaganap nito ang Kristiyanismo sa mga lupaing sakop ng Spain.

a)

Doctrina Christiano

b)

Doctrina Christiana

c)

Doctrino Christiana

d)

Doctrin Christiano

11.

Ang labis na kapangyarihan ng mga prayle ay nagdulot ng ______.

a)

lungkot

b)

paghanga

c)

tagumpay

d)

pang-aabuso

12.

Kailangan ang _____ ng prayle sa mga papeles na may kinalaman sa pananalapi kaya naman may impluwensiya rin sila sa usaping pinansiyal.

a)

pagtutol

b)

pagsang-ayon

c)

lagda

d)

pangalan

13.

Ang mga _____ ay ginawa gamit ang ladrilyo at bato sa halip na tradisyonal na materyal na kawayan.

a)

bahay kubo

b)

bahay na bato

c)

bungalow

d)

palasyo

14.

Ano ang sistema ng pagsulat na ipinatupad sa panahon ng mga espanyol?

a)

Alpabetong Latin

b)

Baybayin

c)

Alpabetong atin

d)

Alpabetong Baybayin

15.

Ang kasuotan ng mga babae sa panahon ng mga Espanyol ay ____ na ibinatay sa damit na mestiza.

a)

barong tagalog

b)

barong saya

c)

baro at saya

d)

bestida at palda

16.

Ang pormal na edukasyon ay nakaugat sa relihiyon dahil ito ay pinamunuan ng _______.

a)

Pamahalaan

b)

Simbahan

c)

Mamamayan

d)

Espanyol

17.

Siya ang sumulat ng “Florante at Laura” at kinilala siya bilang “Prinsipe ng Makatang Tagalog.”

a)

Jose Rizal

b)

Pedro Bucaneg

c)

Francisco “Balagtas” Baltazar

d)

Graciano Lopez Jaena

18.

Ang _____ ay mga Espanyol sa Pilipinas na ipinanganak sa Spain.

a)

insulares

b)

peninsulares

c)

mestizo

d)

indio

19.

Ito ay tumutukoy ito sa mga taong may dugong katutubo at dugong Espanyol o kaya naman ay Tsino.

a)

Indio

b)

Mestizo

c)

Insulares

d)

Peninsulares

20.

Ang tawag sa mga Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas.

a)

Insulares

b)

Peninsulares

c)

Ilustrado

d)

Principalia

21.

_____ ang katayuan ng mga babae noong panahon ng mga Espanyol kumpara sa kalagayan nila sa sinaunang lipunang Pilipino.

a)

Tumaas

b)

  Bumaba

c)

Pantay

d)

Sakto

22.

Ang ____ ang naging tawag sa mga katutubo sa kolonyang Pilipinas.

a)

mestizo

b)

ilustrado

c)

insulares

d)

indio

23.

Antas panlipunan sa mga bayan ng kolonyal na Pilipinas na binubuo ng gobernadorcillo (town mayor) at cabeza de barangay (chief of the barangay) na dating pinuno ng mga sinaunang barangay.

a)

Principalia

b)

Plaza Complex

c)

Principal

d)

Indio

24.

Ito ay binubuo ng mga Pilipinong nakapag-aral sa Europe noong panahong kolonyal ng mga Espanyol.

a)

insulares

b)

indio

c)

ilustrado

d)

peninsulares

25.

Ang kongregasyon ng mga relihiyoso ay nagtatag din ng mga paaralan para sa mga babae na tinawag na ____.

a)

beateria

b)

beaterio

c)

bateria

d)

beatero