NEW
Font size
WorksheetsCOT1-TAYAHIN-KAALAMANG BAYAN
Total questions: 15
Worksheet time: 3mins
1. Isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Anong kaalamang bayan ito?
a. bugtong
b. palaisipan
c. awiting panudyo
d. tugmang de-gulong
2. Anong uri ng akdang patula na kadalasan ang layunin ay manlibak, manukso o mang-uyam?
a. bugtong
b. palaisipan
c. awiting panudyo
d. tugmang de-gulong
3. Anong kaalamang bayan ang may layuning pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon?
a. bugtong
b. palaisipan
c. awiting panudyo
d. tugmang de-gulong
4. Ang mga sumusunod na pahayag ay katangian ng tugmang de-gulong maliban sa:
a. Nasa anyong salawikain, kasabihan o maikling tula.
b. Mga simpleng paalala sa mga pasahero na kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan.
c. Malayang naipararating ang mensaheng may kinalaman sa pagbibiyahe o paglalakbay ng mga pasahero.
d. Ang layunin ay manlibak, manukso at mang –uyam sa mga pasahero.
5. Anong kaalamang bayan ang kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeepney, bus at traysikel?
a. bugtong
b. palaisipan
c. awiting panudyo
d. tugmang de-gulong
6. “Ang di magbayad mula sa kaniyang pinanggalingan ay di makabababa sa paroroonan”. Ang pahayag ay isang halimbawa ng ___________?
a. bugtong
b. palaisipan
c. tugmang de -gulong
d. awiting panudyo
7. Ano ang pinakamatandang sining ng tula sa kulturang Pilipino?
a. tula
b. alamat
c. epiko
d. kuwentong-bayan
8. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tugmang de-gulong?
a. Ang sitsit ay sa aso, ang katok ay sa pinto, sambitin ang “para ˝sa tabi ay hihinto.
b. Pedro Penduko matakaw ng tuyo, nang ayaw maligo punukpok ng Tabo
c. Bata batuta! Isang perang muta!
d. Dito ko itinanim, doon tumubo
9. Sa bugtong na “Gumagapang pa ang ina, umuupo na ang anak”. Ang tamang sagot ay?
a. talong
b. Kasoy
c. isda
d. kalabasa
10.Alin sa sumusunod ang katangian ng bugtong?
a. Kalimitang may himig nagbibiro
b. Isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan
c. Makikita sa mga pampublikong sasakyan
d. Isang paalala o babala na kadalasang makikita sa mga pampublikong sasakyan.
11.Nasa isang karera ka. Ikaw ay nasa ikaapat na puwesto. Nahabol mo ngayon ang nasa ikatlong puwesto. Anong puwesto mo na ngayon?
a. Unang puwesto
b. ikalawang puwesto
c. ikatlong puwesto
d. ikaapat na puwesto
12.Sa pahayag na “Ano ang makikita sa gitna ng dagat? Ito ay isang halimbawa ng _____.
a. bugtong
b. palaisipan
c. awiting panudyo
d. tugmang de-gulong
13.Isang prinsesa nakaupo sa tasa. Ang tamang sagot ay_________.
a. kasoy
b. kalabasa
c. sili
d. mangga
14.God Knows Hudas not pay. Ang pahayag ay isang halimbawa ng _________.
a. bugtong
b. palaisipan
c. awiting panudyo
d. tugmang de-gulong
15.Anong meron sa jeep, tricycle at bus pero wala sa eroplano? Ito ay isang _______
a. bugtong
b. palaisipan
c. awiting panudyo
d. tugmang de-gulong
