wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

SUMMATIVE TEST #3_Q3

Total questions: 25

Worksheet time: 17mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay isang batas na nagsasaad na ang bawat empleyadong lalaki sa pribado at pampublikong sektor ay pinapayagang lumiban o hindi pumasok sa trabaho sa loob ng pitong (7) araw at pagkalooban ng kaukulang pasahod.

a)

Republic Act 8178

b)

Republic Act 8187

c)

Republic Act 8971  

d)

Republic Act 8178

2.

Bakit nararapat na ipagbigay-alam ng isang empleyadong lalaki sa kanyang employer ang pagdadalang-tao at ang inaasahang petsa ng panganganak ng kanyang asawa?

a)

Sapagkat ito ay kanyang karapatan.

b)

Dahil siya ay mag-a-apply ng paternity leave.

c)

Dahil nais niyang ipaalam na siya ay may-asawa.

d)

Upang maiwasan niya ang pagliban sa trabaho ng walang dahilan.

3.

Ang sumusunod ay mga dahilan upang mag-file ng Paternity Leave ang isang empleyadong lalaki maliban sa:

a)

pagkatapos ng kasal   

b)

habang nagbubuntis ang legal na asawa

c)

pagkatapos manganak ng kanyang legal na asawa

d)

bago, habang at pagkatapos manganak ng legal na asawa

4.

Ito ay isinabatas upang upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan.

a)

Magna Carta of Men   

b)

Magna Carta of Women

c)

Gender and Equality Rights     

d)

Anti-Discrimination Act for Men and Women

5.

Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehinsibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at pulitikal na larangan kundi pati na rin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.

a)

Conference Elimination of All Forms of Discrimination Against War

b)

Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women

c)

Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against War

d)

Convention on the Eradication of All Forms of Discrimination Against Women

6.

Sila ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, biktima ng prostitusyon at mga babaeng nakakulong.

a)

Women of The Society

b)

Able Women of the Society

c)

Women in Especially Difficult Circumstances

d)

Marginalized Women

7.

Isang empleyado ng AMG Network si Cyrus. Ang kanyang asawa ay nagdadalang-tao. Bilang isang empleyado, anong benespisyo ang makukuha niya sa kompanya kapag nanganak na ang kanyang asawa?

a)

Maternity Leave

b)

Leave for Fathers   

c)

Paternity Leave

d)

Paternity Leave of Absence

8.

Kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di-pagkakapantay-pantay sa karapatan ng mga babae. Ang sumusunod ay tungkulin ng Estado bilang State Party sa CEDAW maliban sa:

a)

paggalang sa karapatan ng kababaihan

b)

kondenahin ang pamahalaan dahil mahina ito

c)

masolusyunan ang laganap na diskriminasyon

d)

ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan

9.

Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?

a)

pagbabalewala sa tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan

b)

pagbabawal sa aksyon o patakarang umaabuso sa kababaihan anuman ang layunin nito

c)

hindi pagbibigay ng pansin sa mga ulat na nagpapakita ng mga kababaihang biktima ng karahasan

d)

pagpapahayag ng mga hinaing at suliraning kinakaharap ng mga kababaihang biktima ng pang-aabuso at diskriminasyon

10.

Tumaas ang bilang ng mga babaeng biktima ng prostitusyon ngayong ipinatutupad ang community quarantine. Ayon sa Magna Carta of Women, saan nabibilang ang mga biktima ng prostitusyon?

a)

Marginalized Women

b)

Focused Women of the Society

c)

Women in Marginal Society

d)

Women in Especially Difficult Circumstances

11.

Ito ang itinalaga ng Magna Carta of Women bilang pangunahing tagapagpatupad o primary duty bearer ng komprehensibong batas na ito.

a)

paaralan

b)

senado

c)

pamahalaan

d)

simbahan

12.

Sila ang mga babaeng mahirap o nasa di-panatag na kalagayan ayon sa Magna Carta of Women.

a)

Marginalized Women

b)

Focused Women of the Society

c)

Women in Marginal Society

d)

Women in Especially Difficult Circumstances

13.

Ito ay batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay lunas at proteksiyon sa mga biktima nito at nagtatalaga ng kaukulang parusa sa lumalabag nito?

a)

Women and Children Act

b)

Anti-Children and Women Act Bill

c)

Act for Women at Children in Discrimination

d)

Anti-Violence Against Women and Their Children Act

14.

Layunin ng batas na ito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad at makilala na ang karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao.

a)

Magna Carta of Women

b)

Women Discrimination Bill

c)

Women for Magna Carta Act

d)

Act Against Women Discrimination

15.

Ang mga sumusunod ay epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW, maliban sa isa:

a)

ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina

b)

itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbang, kondisyon at karampatang aksiyon

c)

hindi kailangan gumawa ng pambansang ulat tungkol sa mga isinagawang hakbang para matupad ang mga tungkulin sa kasunduan

d)

ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at maglagay ng mga epektibong mekanismo at sistema

16.

Kelan inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW?

a)

Disyembre 18, 1979

b)

Hulyo 15, 1980

c)

Setyembre 3, 1981

d)

Agosto 5, 1981

17.

Kelan pumirma ang Pilipinas sa CEDAW?

a)

Disyembre 18, 1979

b)

Hulyo 15, 1980

c)

Setyembre 3, 1981

d)

Agosto 5, 1981

18.

Ang CEDAW ay kilala rin sa mga sumusunod maliban sa isa:

a)

International Bill for Women

b)

The Women’s Convention

c)

United Nations Treaty for the Rights of Women

d)

International Treaty for Women

19.

Si Aiza ay isang maralitang tagalungsod kaya naman nahihirapan siyang tustusan pangangailangan ng kanyang pamilya. Siya ay kabilang sa ________.

a)

Women of The Society

b)

Able Women of the Society

c)

Women in Especially Difficult Circumstances

d)

Marginalized Women

20.

Hindi inaprubahan ang Paternity Leave ni Renz pagkatapos manganak ng kanyang asawa. Ano ang maaaring parusa sa kanyang employer?

a)

Multa na hindi lalampas sa dalawampu’t limang libong piso (P25,000) o pagkabilanggo na hindi kukulangin sa tatlumpung (30) araw o hindi hihigit sa anim (6) na buwan

b)

Multa na hindi lalampas sa dalawampu’t limang libong piso (P50,000) o pagkabilanggo na hindi kukulangin sa tatlumpung (60) araw o hindi hihigit sa anim (12) na buwan

c)

Multa na hindi lalampas sa dalawampu’t limang libong piso (P15,000) o pagkabilanggo na hindi kukulangin sa tatlumpung (5) araw o hindi hihigit sa anim (1) na buwan

d)

Multa na hindi lalampas sa dalawampu’t limang libong piso (P75,000) o pagkabilanggo na hindi kukulangin sa tatlumpung (60) araw o hindi hihigit sa anim (12) na buwan

21.

Ibigay ang ACRONYM ng CEDAW. Isulat ang sagot gamit ang MALALAKING LETRA.

(a)  

22.

Isulat ang sagot gamit ang MALALAKING LETRA. Ang Republic Act No. 9262 ay tinatawag din na (a)   .

23.

 

Isulat ang sagot gamit ang MALALAKING LETRA. Ang Republic Act No. 9710 ay tinatawag din na (a)   .

24.

 

Isulat ang sagot gamit ang MALALAKING LETRA. Ang Republic Act No. 8187 ay tinatawag din na (a)   .

25.

PANGALAN NG CRUSH MO. CAPSLOCK MO HA!

4 lines