wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pangwakas na Pagtataya sa Pamamahayag Panradyo (Q3)

Total questions: 46

Worksheet time: 21mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga sumusunod ay dapat tandaan sa Pagsulat ng Balita maliban sa:

a)

Isulat kaagad ang balita matapos makalap.

b)

Itala ang mga datos ayon sa pababang kahalagahan.

c)

Huling itampok ang pinakamahalagang datos bilang pamatnubay.

d)

Tiyaking wasto ang inilahad na mga datos.

2.

Ibigay ang buong pangalan ng taong awtoridad o pinagkunan ng datos at ang katungkulan. Sa muling pagbanggit sa kanya, kinakailangang gamitin pa rin ang kanyang buong pangalan o anumang titulong angkop sa kanya.

a)

Tama

b)

Mali

3.

Isulat ang lahat ng kasagutan sa mga tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan, Bakit at Paano sa isang pangungusap lamang bilang pamatnubay.

a)

Tama

b)

Mali

4.

Ibigay ang awtoridad o pinagkunan ng balita upang mapalakas ang tiwala ng mambabasa sa kawastuhan ng istorya at upang mapangalagaan ang pahayagan sa anumang kasong libelo.

a)

Tama

b)

Mali

5.

Magbigay ng sariling opinyon sa balita.

a)

Tama

b)

Mali

6.

Ito ay kilala rin sa tawag na ‘special report’. Kasalukuyang isyu na biglaang ibinabalita sa isang programa upang maihatid ang detalye nito sa mga tagapakinig.

(a)  

7.

Isang ulat o balita na ibinibigay o ipinaparinig sa kalagitnaan ng isang programang pantelebisyon o radyo.

(a)  

8.

Ito ay ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu o sa isang isyung kanilang napiling talakayin at pagtuonan ng pansin

(a)  

9.

Alin sa mga sumusunod ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang komentaryong panradyo?

a)

Magsaliksik ng mga impormasyon hinggil sa paksa.

b)

Pumili ng kapapanayamin

c)

Itala ang mga datos ayon sa pababang kahalagahan.

d)

Gumamit ng angkop na pananalita at estilo na akma sa paksang ihahatisd sa iyong tagapakinig.

10.

Nagpapaliwanag at nililinaw nito ang mga bagay na may kaugnayan sa isyu upang matulungan ang mga tagapakinig na magkaroon ng buo at sapat na talayan.

a)

Nagpapabatid

b)

Nanghihikayat

c)

Nagpapakahulugan

d)

Namumuna

11.

Nananawagan ito sa mga tagapakinig na suportahan ang isang programa, balak o pagkilos. Ipinaliliwanag nito ang mga dahilan kung bakit dapat panigan ang isang gawain.

a)

Nagpapabatid

b)

Nanghihikayat

c)

Nagpapakahulugan

d)

Namumuna

12.

Ipinaliliwanag nito ang kahulugan ng balita at ang kaugnayan nito sa iba pang pangyayari. Karaniwang inilalahad ang mga posibleng epekto nito sa lipunan.

a)

Nagpapabatid

b)

Nanghihikayat

c)

Nagpapakahulugan

d)

Namumuna

13.

Nagbibigay ito ng mga puna at mungkahi tungkol sa isang isyu.

a)

Nagpapabatid

b)

Nanghihikayat

c)

Nagpapakahulugan

d)

Namumuna

14.

Ang pangunahing layunin ng brodkaster sa pamamahayag ng mga balita, pangyayari at kuro-kuro.

a)

Katotohanan

b)

Bukas na Isipan

c)

Balanse

d)

Pananagutan

15.

Ang taglay ng brodkaster sa mga nagtutunggaling kaisipan at pangangatuwiran. Hindi siya dali-daling humuhusga ayon sa sariling pananaw kundi pinagaaralan muna ang iba’t ibang paraan ng pagtanaw sa isyu.

a)

Katotohanan

b)

Bukas na Isipan

c)

Pananagutan

d)

Balanse

16.

Sa madlang tagapakinig at manonood ang pasan ng brodkaster. Maingat at may pagpapahalaga siya sa bawat salitang binibigkas at imaheng ipinalalabas.

a)

Katotohanan

b)

Bukas na Isipan

c)

Pananagutan

d)

Balanse

17.

Malinaw na ipinakikita niya ang magkakaibang panig ng isyu. Hindi niya ginagamit ang himpapawid upang manlibak o manira, pahiyain o bastusin ang sinumang tao, anuman ang kasarian, pananaw, paniniwala sa relihiyon o pulitika, kultura, lahi o etnisidad.

a)

Balanse

b)

Responsable

c)

Dangal at Kagandahang asal

d)

Katuwiran

18.

Pinag-aaralan at sinasaliksik niya ang mga isyu bago ito isahimpapawid. Mapanuri siya ngunit hindi mapanirang-puri.

a)

Dangal at Kagandahang asal

b)

Balanse

c)

Responsable

d)

Alaga at Pag-iingat

19.

Sa bawat pagkakataon ay pinaninindigan niya ang tama at inihahayag ang mali. May taglay siyang kabutihan, paggalang at kagandahang loob.

a)

Dangal at Kagandahang asal

b)

Responsable

c)

Alaga at Pag-iingat

d)

Katuwiran

20.

Ito ay maikling pahayag na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang bagay o pangyayari. Maaaring ito’y nagbibigay ng panuto, nanghihikayat o nagbibigay ng babala.

(a)  

21.

Ito ay kabilang sa mga tuntunin sa paggawa ng anunsiyo maliban sa:

a)

Maging tiyak sa paksang susulatin

b)

Gawing maikli ang mensahe

c)

Ilagay ang mahahalagang impormasyon

d)

Alamin ang pangangailangan na maaaring tugunan ng produkto.

22.

Gumamit ng malalaking titik at huwag mag-atubiling gumamit ng bold, underline, italics at font size.

a)

Isulat ang anunsiyo nang maayos

b)

Ayusin ang nilalaman ng anunsiyo

c)

Ilagay ang mahahalagang impormasyon

d)

Gawing maikli ang mensahe

23.

Ito ay isang paraan ng pag-aanunsiyo ng produkto o serbisyo sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang anyo ng komunikasyon.

(a)  

24.

Paano gumawa ng isang patalastas?

a)

Ilagay ang mahahalagang impormasyon

b)

Tiyaking kumpleto ang mga detalye at impormasyong nais ilahad sa patalastas at makatawag-pansin sa tagatangkilik.

c)

Maging simple sa paggawa ng patalastas.

d)

Ayusin ang nilalaman

25.

Pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o katunggali upang hindi tangkilikin.

a)

Name Calling

b)

Glittering Generalities

c)

Card Stacking

d)

Bandwagon

26.

Hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil lahat ay sumali na.

a)

Name Calling

b)

Glittering Generalities

c)

Card Stacking

d)

Bandwagon

27.

Paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan.

a)

Testimonial

b)

Plain Folks

c)

Transfer

d)

Card Stacking

28.

Ipinakikita ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian.

a)

Bandwagon

b)

Card Stacking

c)

Plain Folks

d)

Glittering Generalities

29.

Ito ay isang halimbawa ng:

(a)  

30.

Ito ay isang akdang naglalahad ng mga makatotohanang pangyayari na maaaring batay sa karanasan, pagmamasid, pag-aaral, pananaliksik, pakikipanayam at sinusulat sa isang kawili-wiling pamamaraan.

(a)  

31.

Kahit anong paksa ay maaaring isulat. Mula sa pinakaluma at pinakakaraniwan hanggang sa pinakabago at pinakakatwang aspeto ng buhay ay maaaring paksain.

Ito ay isang katangian ng lathalain na:

a)

May Kalayaan sa paksa.

b)

Laging batay sa katotohanan.

c)

Nasusulat sa patas na kawilihan.

d)

Maaaring pormal o di- pormal ang pamamaraan sa paglalahad

32.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga pamamaraan ng pagsulat ng panradyong lathalain?

a)

Pagsikapang makuha ang atensyon ng mga tagapakinig.

b)

Gumamit ng angkop na pananalita at estilo na akma sa paksang ihahatisd sa iyong tagapakinig.

c)

Maging magaling sa pagsasalita.

d)

Maaaring gamitan ng mga pang-uri, tayutay, dayalogo, katutubong kulay at idyomatikong pahayag.

33.

Ikaw ang magiging mata at tainga ng publiko, kaya kailangang maging magaling ka sa pagsasagawa mula sa pinakamalinaw at tunay na presentasyon para sa iyong mga tagapakinig.

a)

Aktuwal na Pag-uulat (Live Reporting)

b)

Lathalaing Panradyo

c)

Breaking News

d)

Flash Report

34.

Kapag aktuwal na pag-uulat ang pag-uusapan, laging isaisip na walang tagapagsuri, walang tagagawa, walang tagapagwasto.

a)

Siguraduhing lahat ng sinasabi ay kapani-paniwala

b)

Magkaroon ng balangkas

c)

Kailangang maiparating sa mga tagapakinig kung ano ang iyong nakikita.

d)

Ipagpalagay na laging nakabukas ang mikropono.

35.

Huwag isaulo ang napakaraming mga kopya, manatili sa mga tamang impormasyong nakalap at iulat ito ayon sa maayos na daloy ng presentasyon.

a)

Kailangang maiparating sa mga tagapakinig kung ano ang iyong nakikita.

b)

Huwag kalilimutan ang kaligtasan at sundin ang protocol pangkalusugan.

c)

Magkaroon ng balangkas

d)

Pasiglahin ang pandama hangga’t maaari

36.

Tulad ng isang tagapagbalita ng palakasan na binabanggit nang may kasiglahan ang kung ano ang mga ikinikilos ng mga manlalaro upang maisalarawan at mabuo ito sa imahinasyon ng tagapakinig.

a)

Magkaroon ng balangkas

b)

Siguraduhing lahat ng sinasabi ay kapani-paniwala

c)

Pasiglahin ang pandama hangga’t maaari

d)

Kailangang maiparating sa mga tagapakinig kung ano ang iyong nakikita.

37.

Sa kabila ng pag-unlad ng mga “live video streaming apps”, ang mga elektronikong mamamahayag ay wala nang kakayahan na mabigyan agad ang mga tagapakinig ng isang tampok na balita na puno ng impormasyon.

a)

Tama

b)

Mali

38.

Ang aktuwal na pag-uulat mula sa mga pinangyarihan ng sakuna, barilan, pagpoprotesta ay maaari ring maging isang katangi-tanging paghamon.

a)

Tama

b)

Mali

39.

Madalas itong maikli at direkta ang punto. Tinatalakay lamang dito ang mga mahahalagang impormasyon, komento o reaksyon.

          

a)

Imbestigatibo

b)

Tuwirang Balita

c)

Interpretatibo

d)

Personal

40.

Dinidiskubre ang likod ng katotohanan, kung ano ba talaga ang dahilan ng mga pangyayari at kung ano dapat ang mga gagawin upang ito’y maiwasan.

a)

Tuwirang Balita

b)

Imbestigatibo

c)

Interpretatibo

d)

Personal

41.

Madalas maikli lamang at itinatampok ang mga kilalang personalidad.

a)

Personal

b)

Nang-aaliw

c)

Vox Pop at Multiple

d)

Grabbed

42.

Mas kilala sa katawagang ‘voice of the people’. Ginagamit ang ganitong pamamaraan upang makuha o malaman ang pulso ng mamamayan.

a)

Personal

b)

Telepono

c)

Vox pop at Multiple

d)

Grabbed

43.

Ang kinakapanayam ay ayaw magbigay ng pahayag ngunit determinado ang tagapanayam kahit na ‘No comment!’ ang sinabi.

a)

Personal

b)

Telepono

c)

Vox pop at Multiple

d)

Grabbed

44.

Ang mga sumusunod ay gabay sa pagsasagawa ng panayam maliban sa:

a)

Pumili ng paksa

b)

Pumili ng kapapanayamin

c)

Pumili ng lugar na gaganapan ng panayam

d)

Magpaalam nang maayos sa kapanayam bago magsimula

45.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga etika sa pagsasagawa ng panayam maliban sa:

a)

Igalang ang privacy sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga tanong na masyadong

    sensitibo ang kapanayam.

b)

Igalang ang kultura ng komunidad.

c)

Ihanda ang kagamitan (audio recorder, mikropono at iba pa)

d)

Ang lahat ng impormasyon ay dapat manatiling kumpidensyal.

46.

Magbigay ng limang (5) uri ng lathalaing panradyo:

4 lines