wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

REVIEW TEST 1

Total questions: 25

Worksheet time: 22mins

Name
Class
Date
1.

Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang nakasulat sa MALAKING LETRA ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.

Hindi natin MAITATATWA na ang Diyos ang tanging makapagliligtas sa atin laban sa sakit na ito.

a)

estatwa

b)

maitatanggi

c)

masasabi

d)

nababanggit

2.

Hindi lingid sa kaalaman ng MADLA na lahat ng tao ay labis na naapektuhan ng pandemya

a)

gobyerno

b)

guro

c)

pangulo

d)

publiko

3.

Lagi nating tatandaan na ang mga SULIRANING ating pinagdaraanan ay hindi lamang paghihirap kundi ito rin ay isang bagay na mas magpapatatag sa atin bilang tao at billang anak ng Diyos.

a)

kasiyahang

b)

pag-ibig

c)

pangarap

d)

problemang

4.

Maraming tao ang nawalan ng HANAPBUHAY dahil sa COVID-19

a)

buhay

b)

pagkain

c)

trabaho

d)

suweldo

5.

Huwag nating kalilimutan na pagkatapos ng KARIMLAN ay darating ang liwanag.

a)

kadiliman

b)

katuwaan

c)

tag-init

d)

trabaho

6.

Unawain ang mga pangungusap at pagkatapos ay tukuyin ang KASALUNGAT ng mga salitang nakasulat sa MALAKING LETRA ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.

Naging mas MAHIRAP ang pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng pandemya

a)

madali

b)

magastos

c)

masaya

d)

mayaman

7.

Kinakailangan nating panatilihing MALAKAS ang ating pangangatawan upang hindi tayo madaling dapuan ng karamdaman.

a)

maganda

b)

mahina

c)

marumi

d)

matipuno

8.

Sa panahon ngayon walang lugar ang tamad, kung ikaw ay TATAMAD-TAMAD ay lalo kang maghihirap.

a)

maganda

b)

masipag

c)

matalino

d)

matangkad

9.

Ang PAGSUNOD na alituntunin ng pamahalaan ay isang malaking tulong sa pagsugpo sa kumakalat na sakit.

a)

pagsang-ayon

b)

pagsuway

c)

pagtupad

d)

pagtutulungan

10.

Isa sa pinakamabisang panlaban sa virus ay ang pagiging MALINIS sa katawan

a)

maaliwalas

b)

magastos

c)

marumi

d)

mayaman

11.

Tukuyin kung alin ang pinakaangkop na salitang may diin at haba, tamang intonasyon, hinto at antala ang dapat gamitin sa bawat patlang upang mabuo ang tamang diwa ng mga pangungusap.

Dahil sa nararanasang pandemya ay higit na napagtanto ng mga tao ang halaga ng ______ na ipinahiram ng Panginoon.

a)

/bu.hay/

b)

/buhay/

c)

/b.uhay/

d)

/buh.ay/

12.

Noong unang panahon ay karaniwang makikita ang matatanda na nakasuot ng ________.

a)

/s.aya/

b)

/sa.ya/

c)

/saya/

d)

/say.a/

13.

Dapat tayong magpasalamat na tayo ay nananatiling ________ sa kabila ng patuloy na pagkalat ng sakit sa ating bansa.

a)

/bu.hay/

b)

/buhay/

c)

/b.uhay/

d)

/buh.ay/

14.

Sa kabila ng pandemya ay makikita pa rin sa labi ng mga Pilipino ang ________ sa biyayang kanilang natatamasa

a)

/s.aya/

b)

/sa.ya/

c)

/saya/

d)

/say.a/

15.

_________ ng pamahalaan na lumabas ang mga kabataang edad 14 pababa sa lugar na nasa ilalim ng GCQ.

a)

hindi, pinayagan

b)

hindi pinayagan

c)

hindi, pumayag

d)

hindi pumayag

16.

_______ ang mga magulang sa face-to-face na klase basta’t masisigurado ng pamahalaan na wala na ang banta ng COVID-19 sa bansa.

a)

hindi, papasok

b)

hindi papasok

c)

hindi, sumang-ayon

d)

hindi sumang-ayon

17.

________ang mga magulang sa face-to-face na klase dahil sa muling paglobo ng bilang ng may COVID-19.

a)

hindi, papasok

b)

hindi papasok

c)

hindi, sumang-ayon

d)

hindi sumang-ayon

18.

________ ng pamahalaan na lumabas ang mga kabataang edad 15 hanggang 65 sa lugar na nasa ilalim ng GCQ.

a)

hindi, pinapayagan

b)

hindi pinapayagan

c)

hindi, pumayag

d)

hindi pumayag

19.

Dahil sa pandemya ay sa kani-kanilang bahay muna sasagutan ng mga mag-aaral ang pagsusulit, at ito ay nagsimula ________.

a)

ka ha pon (2 1 3)

b)

ka ha pon (1 2 3)

c)

ka ha pon ( 2 3 1)

d)

ka ha pon (3 2 1)

20.

________ ba nagsimulang sumagot sa pagsusulit ang mga mag-aaral?

a)

ka ha pon (2 1 3)

b)

ka ha pon (1 2 3)

c)

ka ha pon (2 3 1)

d)

ka ha pon (3 2 1)

21.

Suriin ang mga sumusunod na akdang patula at tukuyin kung anong kaalamang-bayan ito batay sa katangian na masasalamin sa bawat bilang.

Gumagapang pa ang ina, Umuupo na ang anak.

a)

bugtong

b)

palaisipan

c)

tugmang de-gulong

d)

tula/awiting panudyo

22.

Mayroong apat na magpipinsan sa loob ng silid. Si Cielo ay pinanonood ang kanyang paboritong banda sa telebisyon, Si Ivan ay naglalaro sa loob ng kanyang kuna habang si Krisha naman ay naglalaro ng chess. Ano ang ginagawa ng isa pa nilang pinsan?

a)

bugtong

b)

palaisipan

c)

tugmang de-gulong

d)

tula/awiting panudyo

23.

Ale, aleng namamangka, Isakay mo yaring bata, Pagdating mo sa Maynila, Ipagpalit ng kutsinta.

a)

bugtong

b)

palaisiapn

c)

tugmang de-gulong

d)

tula/awiting panudyo

24.

Huwag dumikuwatro, sapagkat dyip ko’y ‘di mo kuwarto

a)

bugtong

b)

palaisipan

c)

tugmang de-gulong

d)

tula/awiting panudyo

25.

Ang ‘di magbayad sa kaniyang pinanggalingan ay ‘di makabababa sa paroroonan

a)

bugtong

b)

palaisipan

c)

tugmang de-gulong

d)

tula/awiting panudyo