NEW
Font size
WorksheetsESP 6
Total questions: 25
Worksheet time: 50mins
Piliin ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng kanais-nais na kaugaliang Pilipino at MALI naman kung hindi.
Sinusunod ko ang batas trapiko.
TAMA
MALI
Tumutulong ako sa mga taong nasalanta ng bagyo.
TAMA
MALI
Madalas akong makipag-away at nananakit ng kapwa bata ko.
TAMA
MALI
Nagbabasa ako ng mga libro tungkol sa mga sinaunang Pilipino na nagbuwis ng kanilang buhay sa pakikipaglaban sa mga dayuhang nanakop sa ating bansa.
TAMA
MALI
Inalalayan ko ang matanda sa pagtawid sa kalsada.
TAMA
MALI
Ang pamilya ni Aling Cora ay nagbigay ng tulong sa mga naapektuhan sa pagsabog ng bulkan.
TAMA
MALI
Nakita ni Lito na abala sa paglilinis sa bakuran ang kanyang pamilya , sa halip na tumulong, nanood siya ng telebisyon at natulog.
TAMA
MALI
Sobra ang ibinigay na sukli ng tindera sa kantina kay Ana, sa halip na ibalik ito ay kanyang itinago.
TAMA
MALI
Dumating ang Lolo at Lola ni Luis sa kanilang bahay, agad siyang nagmano sa mga ito at pinatuloy niya sa loob ng bahay.
TAMA
MALI
Hinatian ni Jose ng pagkain ang kanyang kaklase na walang baon.
TAMA
MALI
Ito ay ang wastong pangangalaga sa kapaligiran para sa kasalukuyan at sa susunod pang henerasyon.
Likas na Yaman
Likas Kayang Pag-unlad
Pagmamahal sa Kapwa
Pagtulong sa Kalikasan
Ang mga sumusunod ay paraan sa pangangalaga sa kapaligiran MALIBAN SA ISA.
Pagsagawa ng 4R's
Wastong paggamit at pagtitipid ng tubig.
Patuloy na pagtanim ng mga puno at halaman.
Pagtapon ng basura sa ilog.
Ang ____________ ay nangangahulugang may kakayahan ang isang taong makabuo ng isang bagay na orihinal o pinaunlad na bersiyon ng isang disenyo.
Pagkamalikhain
Pagkamasunurin
Mapagmahal
Matalino
Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng malasakit sa kapwa?
Si Ana na
tumutulong sa kakilala
Si Dr. Ben na nagbibigay ng libreng serbisyo sa mga mahihirap
Si Pia na maalalahanin lamang sa mga magulang
Si Jan na inuuna ang sarili kaysa sa iba
Alin sa sumusunod ang HINDI
katangian ng isang taong nakapagpapakita ng pagmamahal
sa kapwa?
May malasakit
Sensitibo sa pangangailangan ng iba
Walang konsiderasyon
Inuuna ang kapakanan ng iba
Pinuna ka ng iyong guro dahil nakikipagdaldalan ka sa iyong kaklase. Paano mo ito tatanggapin?
Hihingi ako ng sorry sa aking guro.
Ipagpatuloy ko parin ang aking ginagawa.
Sisimangutan ko ang aking guro.
Hindi ko siya papansinin..
Ang kalikasan ay tumutukoy sa ____________.
Lahat ng nakapaligid sa atin.
Lahat ng nilalang na may buhay.
Lahat ng bagay na nagpapayaman sa tao.
Lahat ng mga salik na tumutugon sa pangangailangan ng mga nilalang na may buhay.
Ang pagiging tagapangalaga ng kalikasan ay nangangahulugang _____________.
Paggamit ng kalikasan na naaayon sa sariling kagustuhan.
Paggamit sa kalikasan ng may pananagutan.
Paggamit sa kalikasan ng walang pakundangan.
Paggamit sa kalikasan na hindi isinaalang-alang ang iba.
Ang mga sumusunod ay maling pagtrato sa kalikasan MALIBAN SA ISA.
Hindi maayos na pagtatapon ng mga basura.
Paghiwa-hiwalay ng mga basurang nabubulok at hindi nabubulok.
Pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig.
Pagsusunog ng basura.
Magaling ka sa Matematika. Ang iyong kaklase ay nahihirapan sa inyong aralin. Ano ang gagawin mo?
Hindi ko siya papansinin.
Tutulungan ko siya sa aralin.
Pagtatawanan ko siya.
Pagtataguan ko siya.
Alin sa kanila ang dapat tulungan?
May sakit
May kapansanan
May karamdaman
Lahat ng nabanggit
Tatawid si Lolo sa kabilang daan, nakita mo ito, ano ang gagawin mo?
Tulungan siya sa pagtawid.
Sasabihan ko na wag siyang tumawid.
Tingnan ko lng si Lolo.
Pabayaan ko na lang si Lolo.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kabutihan sa mga batang nasa bahay ampunan?
Aawayin sila.
Makipag-usap at makinig sa kanila.
Huwag silang pansinin.
Sisigawan sila.
Bakit mas mainam na mayroon tayong pagpapahalaga sa ating kapaligiran?
Dahil maaari natin itong pagkakakitaan.
Dahil ito ay biyaya na ipinagkaloob ng Diyos.
Dahil ito ay makakaapekto sa atin pag ating napabayaan.
Lahat ng nabanggit.
Alin ang tama sa mga sumusunod na gawain?
Pagtatapon ng basura sa tulay ng walang nakakakita.
Pagsisiga
Pagtapon ng basura sa ilog.
Pagtapon ng basura sa tamang lagayan.
