wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP Quiz #3 (Q3)

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Piliin ang tsek (/) kung nagpapakita ng pagiging masinop at ekis (X) naman kung hindi.

Gumagamit si Jona ng baso kapag siya ay nagsisipilyo.

a)
b)
2.

Inilalagay ni Peter ang sobrang baon niya sa kaniyang alkansiya.

a)
b)
3.

Tinatanggal ni Yuni sa saksakan ang kanilang telebisyon pagkatapos manood.

a)
b)
4.

Kumuha lamang ng pagkain na kayang ubusin.

a)
b)
5.

Ginagawang bangkang papel ni Kardo ang kaniyang papel kaya pala madaling maubos.

a)
b)
6.

Basahin ang sumusunod na sitwasyon at piliin ang titik ng tamang sagot.

Kumakain kayong magkakaibigan ng lansones habang nanonood ng larong basketbol sa palaruan.

a)

Ikakalat ko ang mga balat sa palaruan.

b)

Pupulutin ko ang mga balat at itatapon ko sa basurahan.

c)

Iiwanan ko ang mga balat sa upuan.

7.

Isang Sabado ng umaga, tulong-tulong na naglinis ng bakuran ang inyong pamilya. Ano ang dapat mong gawin sa basura?

a)

Sasabihin ko kay tatay na sunugin na lang ang mga basura.

b)

Paghihiwalayin ko ang nabubulok at di-nabubulok na basura.

c)

Itatapon ko sa tabi ng ilog ang mga basura para ipaanod.

8.

Pumunta sa isang resort ang inyong pamilya. Matapos kumain, iniligpit ng iyong nanay ang mga ginamit sa pagkain at hinakot ng iyong tatay ang ibang gamit sa inyong sasakyan. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Panonoorin ko sila tatay at nanay sa kanilang ginagawa.

b)

Pupulutin ko ang mga basurang nakakalat at itatapon sa tamang lalagyan.

c)

Tatawagin ko ang dyanitor upang linisin ang lugar na aming ginamit.

9.

Isang hapon nagkaroon ng pagbaha sa harap ng inyong bahay. Matapos mawala ang tubig nakita mo ang nakakalat na basura. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Lilinisin ko ang kanal para maalis ang basurang nakaharang.

b)

Maglalaro ako ng bangkang papel sa kanal.

c)

Hintayin ko na lang na linisin ng aming kapitbahay ang aming harapan.

10.

Niyaya ka ng iyong kapatid na mamasyal sa parke. Habang kayo ay namamasyal, napansin mo na tinatapon ng kapatid mo ang plastik na kaniyang pinagkainan. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Hahayaan ko na lang ang kapatid ko na itapon ang plastik.

b)

Pagsasabihan ko siya na huwag ikalat ang plastik.

c)

Itatapon ko na rin kahit saan ang basura ko.