Font size
WorksheetsApril 8,2022: Start up Activity
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
1. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo?
a. pinagkopyahan at pinagbasehan
b. pinagmulan o pinanggalingan
c. kabayanihan at katapangan
d. katatagan at kasipagan
2. Ang ________________ ay tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at damdaming bumibigkas sa isang tao at sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura, at mga kaugalian o tradisyon.
a. kalayaan
b. katarungan
c. patriyotismo
d. nasyonalismo
3. Ang sumusunod ay mga pagpapahalaga na indikasyon ng pagmamahal sa bayan maliban sa:
a. Laging inuuna ang pansariling kapakanan
b. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa
c. Pagsulong sa kabutihang panlahat
d. Pagpapahalaga sa buhay
4. Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan? .
a. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya.
b. Pagiging tapat sa sarili, sa kapwa, sa gawain at sa lahat ng pagkakataon.
c. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa.
d. Pag-awit ng Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad
5. Bakit mahalagang mahalin natin ang ating bayan?
a. Biyaya ng Diyos ang pagkalooban tayo ng lipunang kinabibilangan at pamayanang matitirahan.
b. Dito tinatanggap at iniingatan natin ang ating mga mahal sa buhay upang hubugin ang ating mga kakayahan.
c. Nakilala tayo ng mundo dahil sa talino at angking kagalingan na hinubog sa ating bayang sinilangan.
d. Utang natin sa ating bayang sinilangan ang ating kalayaan at pagkakataong hubugin ang ating pagkatao
Panuto: Basahin ang mga pahayag. Lagyan ng plus sign (+) kung ito ay mga angkop na kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan at minus sign (-) kung ito ay nagpapakita ng mga paglabag sa pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan. 6. Hindi ako matatakot iwasto kapag nilabag ng aking kapwa ang batas. Halimbawa, ang hindi pagtawid ng tama.

7. Pawang katotohanan lang ang aking sasabihin sa aking kapwa.

8. Magsasagawa ako ng clean-up drive sa aking komunidad.

9. Susuportahan ko ang mga produktong lokal.

10.Nanaisin kong manahimik kaysa magsabi ng totoo.

