WorksheetsTekstong Deskriptibo - Pagtataya (Abril 06, 2022) - Grade 11
Total questions: 10
Worksheet time: 8mins
Anong uri ng teksto ang naglalayong maglarawan sa tao, lugar, kaganapan, at iba pa sa malalim at detalyadong pamamaraan
Tekstong Argumentatibo
Tekstong Deskriptibo
Tekstong Impormatibo
Tekstong Naratibo
Ang sumusunod ay mga halimbawa ng tekstong deskriptibo. Alin sa mga ito ang HINDI kabilang?
Diksyunaryo
Maikling kuwento
Nobela
Tula
“Mapula ang sikat ng araw ng hapong iyon.” Anong salita sa pangungusap na ito ang naglalarawan?
araw
hapon
mapula
sikat
“Siya ang Daniel Padilla ng aming klase” Anong salita sa pangungusap na ito ang naglalarawan?
Siya
Daniel Padilla
klase
Lahat ng nabanggit
Anong paraan ng paglalarawan ang tinutukoy kapag ang mga salitang ginamit ay mabango, magaspang, makulay?
Obserbasyon sa mga pangyayari
Nararamdaman
Pandama
Pangkaisipan
Itinala ni Kristine sa kaniyang talaarawan ang mga kaganapan sa nangyaring kaguluhan sa kanilang barangay. Anong paraan ng paglalarawan ang kaniyang ginamit?
Obserbasyon sa mga pangyayari
Nararamdaman
Pandama
Pangkaisipan
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang ginamitan ng batay sa nararamdamang paraan ng paglalarawan?
“Matamnay ang timpla mo.”
“Nakatataba ng puso ang ginagawa nilang pagtulong.”
“Simpula ng dugo ang kalangitan ngayong hapon.”
“Araw-araw siyang gumigising nang maaga upang makapaghanda sa klase.”
“’Di mahulugang karayom ang dami ng mga tagapagtangkilik ng kandidatong iyon.” Anong uri ng paglalarawan ang ginamit sa pangungusap?
Karaniwan
Komplikado
Masining
Simple
“Limang daang tao ang dumalo sa kaganapan.” Anong uri ng paglalarawan ang ginamit sa pangungusap?
Karaniwan
Komplikado
Masining
Simple
"Hindi ako nakatulog, nakatitig lamang sa kisame habang unti unting pumapatak ang aking mga luha. Hanggang sa dumating ang oras na aming kinatatakutan, nakatanggap ako ng tawag mula kay Mama. Humahagulgol at hindi maintindihan ang mga salitang lumalabas sa kanyang mga bibig. Nanikip ang aking dibdib at nanginig ang buong katawan …” Batay sa paglalarawan ng mga pangyayari, anong kaganapan kaya ang paksa ng teksto?
Bagong silang
Kaarawan
Kasal
Kamatayan
