Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 8 Q3 Reviewer

Total questions: 30

Worksheet time: 3hrs 30mins

Name
Class
Date
1.

Sa pagkakaroon ng ritwal na pasasalamat sa araw araw unahin ang ________ sa dapat mong pasalamatan

a)

Diyos

b)

Biyaya

c)

Liham

d)

Nanay

2.

Maaring magpadala ng isang ________ sa taong nakagawa sa iyo ng kabutihan lalo na kung ito ay malayo sa iyo.

a)

Diyos

b)

Liham

c)

Regalo

d)

Yakap

3.

Pinagmulan ng salitang pasasalamat na ang ibig sabihin ay libre o walang bayad.

a)

gratia

b)

gratis

c)

thank you

d)

gratus

4.

Ang kawalan ng pasasalamat (ingratitude) naman ay isang masamang ugali na _______________ sa pagkatao.

a)

nagpapalawak

b)

nagpapayaman

c)

nagpapataas

d)

nagpapababa

5.

Ito ay isang uri ng pagkilala sa kabutihan at bahagi ng pagpapahalaga ng mga Pilipino. Ito ay lumalalim kapag ang tumanggap ng biyaya o pabuya mula sa sinuman ay nakadarama ng matinding pananagutang mahirap tumbasan lalo sa panahon ng kagipitan

a)

Gratitude

b)

Pasasalamat

c)

Utang na Loob

d)

Pagpapahalaga

6.

Ang ________ ay isang gawi o kilos na kailangan ng patuloy na pagsasagawa hanggang ito ay maging birtud. Ito ay tanda ng isang taong puno ng biyaya, isang pusong marunong magpahalaga sa mga magagandang bagay na natatanggap mula sa kapwa.

a)

Pasasalamat

b)

Pagpapahalaga

c)

Pagmamahal

d)

Kabutihan

7.

Sa paanong paraan maipapakita ang pasasalamat sa taong nakagawa ng mabuti?

a)

pagkakaroon ng mabuting puso at adhikain sa kapwa

b)

paggalang at pagsunod

c)

pang-aabuso ng kabutihan

d)

pagkalimot

8.

Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam ng isang tao ay karapatan niya na dapat bigyan ng dagliang pansin. Iniisip niya na kailangang ibigay ang kanyang mga karapatan kahit walang katumbas na tungkulin o gampanin.

a)

kawalan ng pasasalamat

b)

entitlement mentality

c)

ingratitude

d)

entitlement priviledge

9.

Ang pasasalamat ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam ng isang tao ay karapatan niya na dapat bigyan ng dagliang pansin.

a)

Tama

b)

Mali

10.

Ayon kay Susan Jeffers, isang psychotherapist at may-akda ng kilalang aklat na “13 Things Mentally Strong People Don’t Do” ay mayroong Pitong (7) Dulot na Kabutihan o Benepisyo ang pagiging mapagpasalamat.

a)

Tama

b)

Mali

11.

Ang taong mapagpasalamat ay may maaayos na kaisipan at matatag na kalooban na kailangan upang maharap at mabigyan ng solusyon ang mga negatibong emosyon katulad ng inggit at suklam, kaawalan ng pag-asa at paninisi.

a)

Tama

b)

Mali

12.

“Nagiging makatarungan ang isang tao sa pagpapakita niya ng pasasalamat sa kabutihan ng kanyang kapwa.”

a)

Dr. Michael E. McCullough

b)

Amy Morin

c)

Fr. Jerry Orbos

d)

Sto. Tomas de Aquino

13.

“Ang lahat ng tao ay may abilidad at oportunidad na payabungin ang pagiging mapagpasalamat kaysa magreklamo at isiping ito ang nararapat para sa akin.”

a)

Sto. Tomas de Aquino

b)

Fr. Jerry Orbos

c)

Amy Morin

d)

Dr. Michael E. McCullough

14.

Ito ay isang positibong emosyon na sa pagsasabuhay nito, ipinapakita na pinapahalagahan natin ang kabutihang nagawa sa atin ng ating kapwa at higit sa lahat ang pagkilala na mayroong higit na Dakila o Makapangyarihan na Siyang pinagmumulan ng lahat ng kabutihang ito.

a)

Ingratitude

b)

Pasasalamat

c)

Kasiyahan

d)

Kabutihan

15.

Mga kataga o katagang namumutawi mula sa mga taong nagagalak sa mga tao, bagay o sitwasyon na nagbigay ng karanasang maiangat o mapaunlad ang kanilang pananaw sa buhay.

a)

Salamat o Salamat po

b)

Paalam

c)

Kumusta

d)

Hello

16.

Sa pakikipag-usap sa kapwa, iwasan ang madaliang paghuhusga at pagbibitiw ng ___________ na salita.

a)

magalang

b)

matalinghaga

c)

masasakit

d)

mababait

17.

Ang ating mga magulang ay dapat nating pahalagahan sapagkat utang natin sa kanila ang ating _________ .

a)

katawan

b)

buhay

c)

kasiyahan

d)

edukasyon

18.

Ang kawalan ng paggalang, paglabag o pagsuway sa iyong magulang, mga nakatatanda at may awtoridad ay may masamang bunga at maaaring magdulot sa iyo ng ________.

a)

kapayapaan

b)

kasiyahan

c)

kapahamakan

d)

kabutihan

19.

Ang isang kabataan na nagsasagawa ng mga angkop na kilos ng pagsunod at paggalang ay magsisilbing magandang halimbawa sa kanyang kapwa.

a)

Tama, sapagkat maaari silang maging popular.

b)

Tama, sapagkat maaari silang maging popular.

c)

Tama, sapagkat magiging inspirasyon siya ng ibang kabataan na tularan.

20.

Tungkulin ng mga awtoridad ang magpatupad ng mga batas kaya dapat tayong sumunod ng may paggalang.

a)

Tama, sapagkat maaari kang makulong pag hindi sumunod.

b)

Tama, sapagkat maaari kang makulong pag hindi sumunod.

c)

Tama, sapagkat wala kang pagpipilian.

21.

Ang kawalan ng paggalang, paglabag o pagsuway sa magulang, mga nakatatanda at may awtoridad ay maaaring magdulot ng kapahamakan.

a)

Tama, sapagkat sila ay nakatatanda sa atin.

b)

Tama, sapagkat nais lamang nila mapabuti ang iyong buhay kung kaya’t pairalin ang birtud ng paggalang at pagsunod.

c)

Tama, sapagkat nais lamang nilang sundin natin sila.

22.

Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging magalang at may pagsunod sa magulang, nakatatanda at may awtoridad.

a)

Tama, makikita ito sa paggamit ng po at opo, pag mamano o paghalik sa kamay.

b)

Tama, makikita ito sa pamamagitan ng pakikinig, pagsunod at paggalang.

c)

Tama ang lahat ng nabanggit.

23.

Paano maipakikita ang paggalang at pagsunod at sa mga magulang?

a)

Pagkilala sa mga hangganan o limitasyon.

b)

Sila ay arugain at pagsilbihan nang isinasaalang-alang ang maayos na pakikipag-usap.

c)

Iparamdam sa kanila na sila ay naging mabuting halimbawa lalo na sa pagiging matiisin at matiyaga sa maraming bagay.

d)

Tugunan ang kanilang mga pangangailangan at kahilingan na makabubuti sa kanila.

24.

Paano maipakikita ang paggalang at pagsunod sa mga nakatatanda?

a)

Pagtupad sa itinakdang oras.

b)

Kilalanin sila bilang mahalagang kasapi ng pamilya sa pamamagitan ng pagsasama sa kanila sa mga karaniwang gawain ng pamilya at mga espesyal na pagdiriwang.

c)

Paggalang sa kanilang mga kagamitan.

d)

Pagtupad sa itinakdang oras.

25.

Paano maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?

a)

Lagi mong ipanalangin ang mga taong may awtoridad na ikaw ay pamahalaan.

b)

Pagiging maalalahanin.

c)

Isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi ng bawat tao sa pamamagitan ng pagpapakita ng angkop na paraan ng paggalang.

d)

Panatilihin ang pagkakaunawaan, bukas na komunikasyon, at pagkilala sa halaga ng pamilya at ng lipunang kinabibilanga

26.

Magiging mahirap para sa iyo ang makaranas ng paggalang mula sa iyong kapwa kung ikaw ay kinakikitaan ng iyong kapwa ng pagiging magalang at masunurin.

a)

Tama

b)

Mali

27.

Ang iyong pagpapahalaga sa iyong mga magulang, sa mga nakatatanda, at sa mga may awtoridad ay nangangahulugang ng iyong pagkilala sa kanilang tungkulin na hubugin, subaybayan at paunlarin ang iyong mga magagandang ugali at mga pagpapahalaga

a)

Tama

b)

Mali

28.

Ang isang kabataan na tulad mo ay hindi inaasahan na magiging mabuting halimbawa sa lahat ng aspeto ng iyong pamumuhay

a)

Tama

b)

Mali

29.

Napagtitibay ang birtud ng paggalang sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagmamahal, pananagutan at pagkilala sa mga magulang, nakatatanda, at may awtoridad bilang biyaya ng Maylikha

a)

Tama

b)

Mali

30.

Maipakikita mo ang paggalang at pagsunod sa iyong mga magulang, nakatatanda at may awtoridad kung kinikilala mo ang kanilang halaga.

a)

Tama

b)

Mali